CHAPTER 7

94.2K 1.9K 69
                                    

"Ito lang gagawin mo Tisay oh. Pagaralan mo kung paano to magmodel, para hindi ka mahalatang hindi ka talaga model." Sabi ni Draku.

Nasa hide out sila ng grupo nito. May pinapanood na video. Rehearsal ng fashion show na gaganapin para mamayang gabi.

"Nakita mo tong babaeng to? Siya ang papalitan mo mamaya." Sabi ni Draku.

"Papaano ko siya papalitan?"

"Ikaw na bahala magpalusot mamaya, sabihin mo napilayan o ano, bahala kana. Kami naman bahala sa babae na hindi makapunta sa event. Nakita mo naman itong lalaki na to? Siya ang partner mo ah. Siya si Charles Buenavista isang sikat na model at itong isa naman, siya ang magbibigay sayo ng bagay na kailangan mong makuha. Pag kakuha mo, sibat ka kaagad." Mahabang paliwanag ni Draku.

"Paano niya ibibigay sakin yun? Magtataka yun, ibang tao na kukuha." Sabi Chelsy.

"Ibibigay niya yun? Dahil may ibibigay ka sakanya at yun muna ang kailangan natin makuha sa babae." Sabi uli nito.

"Sandali nga. Legal ba yan?" Tanong naman ni Khem.

"Sa mga katulad ba natin may legal tayong ginawa?" Tanong ni Draku.

"Snatcher lang kami Draku. Wala kaming ibang ilegal na ginagawa."Sabi ni Khem.

"Kayo wala. Eh ang gang niyo? Baka nga mas malala pa ang ginagawa ng gang niyo samin eh."

"Onsehan ba to? Pwede draku ipaliwanag mo muna sakin kung ano ang papasukin ko. Para alam ko naman." Sabi ni Chelsy.

"Okay, tama onsehan nga to. Yung bagay na kukunin mo hindi yan para samin, nanakawin mo para samin." Draku declared.

"Bakit kailangan sa fashion show nila gawin ang transaction nila?" Tanong ni Chelsy.

"Mainit sila sa parak ngayon, kaya diyan nila naisip gawin ang transaction nila, sa gitna ng fashion show. Wala nga namang magiisip na may ilegal na mangyayari diyan."

"Mukhang malaking sindikato ang oonsehin niyo. 100 thousand Draku, tatanggapin ko ang trabaho." Sabi ni Chelsy at tumingin kay Draku.

"Ang laki naman. Sindikato kami tapos sinisindikato mo pa kami." Kunot noong tanong ni Draku.

"Delikado ang pinapagawa mo. Pero gagawin at kayang kaya kung gawin yan. 100 thousand." Hindi kumukurap na sabi ni Chelsy. Nagisip si Draku at umaayos ng upo.

"100thousand. Deal."Pumayag din si Draku napangiti si Chelsy.

Tinignan uli niya ang video at pinagaralan.

"Grabe Tisay, si Charles Buenavista. Ako nalang kaya ang gagawa magpapa autograph ako kay Charles." Sabi ni Khem habang nakatitig sa video.

"Wag kana, si Tisay na mas mukha siyang model." Sabi ni Draku.

"Parang sinabi mong panget ako?"Sabi ni khem kay Draku at tinignan ito na masama.

"Wala akong sinabi. Maganda ka, kaso mas maganda parin sayo si Tisay." Ngumiti si Chelsy sa sinabi nito at tinignan niya si Khem na nakasimangot.

Maganda din si Khem. Matangkad din naman. Chinita. Snatcher beauties nga tawag sakanila eh.

"Tumayo ka na Tisay. Mag practice ka mag model. Tuturuan kita magaling ako diyan." Sabi ni Khem at tumayo.

"Sige nga Tisay magpractice ka, titignan namin kung papasa ka." Sabi naman ni Draku. Pero hindi tumayo si Chelsy.

"Hoy bilisan mo! baka magkalat ka dun mamaya. Kailangan talbugan mo lahat ng nandun. Malay mo madiscover ka, di tapos ang paghihirap natin." Sabi ni Khem. Tumayo naman si Chelsy. Nagsimula silang mag practice.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon