CHAPTER 10

94K 2.2K 79
                                    

Nakahiga si Chelsy sa mahabang sala set na kawayan. Tulala lang ito, malalim ang iniisip. Ginugulo siya ng mga nalaman niya.

Akala niya mamamatay na siya na hindi malalaman kung sino talaga siya. Iniisip niya kung ano ba ang buhay niya dati? Masaya kaya siya noon? Bakit sila naaksidente? Bakit hindi siya nahanap ng sarili niyang pamilya? Ang daming bakit.

Ang daming tanong sa isip niya na gusto niyang malaman. Pero nakakaramdam siya ng takot sa kung ano ang malalaman niya. Ang daming what if? Sa utak niya. What if kung hindi pala siya masaya noon. What if kung ayaw niya ang buhay niya noon? What if kung hindi niya talaga mahal ang sinasabing asawa niya?

"Tisay ayos ka lang ba?" Tanong ni Jake.

Lumapit sakanya at umupo sa baba paharap sakanya at hinawakan ang noo niya. Pansin nito ang pagkatulala niya. Ngumiti lang si Chelsy.

"Kumusta si Nanay?" Tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito. Naoperahan na ang nanay niya.

Pagkatapos niyang makuha ang pera agad nila itong pinaoperahan.

"Okay na siya. Makakalabas na siya mamaya, ikaw ang mukhang hindi okay eh." Hinawakan nito ang kamay niya.

"Naguguluhan ako Jake." Sabi niya at huminga ng malalim.

"TISAY!!!! TISAY!!!" Malakas na tawag ni Khem mula sa labas ng bahay.

"Punyeta talaga tong babaeng to! Kung makasigaw bulahaw talaga, kukunyatan ko to eh." Biglang pumasok si Khem sa bahay nila.

"May bisita ka." Agad na sabi nito pagpasok. Tumayo na si Jake at umupo din siya.

"Sino?" Walang ganang tanong niya. Pumasok ang mga bisita. Sila Brian at heiresses.

"Nandito kayo! Tuloy." Mahinang sabi niya. Umupo naman ang mga ito, tumabi si Brian kay Chelsy.

"Princess, uhmm.." Simula ni Brian na nagaalangan pa.

"Sige na sabihin mo na."Sabi ni Chelsy.

"Pwede ka bang sumama samin? Princess, sumama ka lang samin sa bahay niyo. Ngayong ang dating ng parents mo, pinaalam na namin sakanila. Lumipad agad sila papunta dito nung nalaman nila. Please Princess! Hahatid din kita mamaya dito." Tumingin si Chelsy kay Jake. Nagkibit balikat lang ito na parang sinasabing ikaw ang bahala.

Tumingin uli siya kay Brian, tumango at Ngumiti ng bahagya.

"Sige" Sabi niya. Binaling niya ang tingin niya kay Khem.

"Hoy eskandalosa samahan mo ako." Sabi niya kay Khem.

"Aaaahhh!!! Talaga isasama mo ako? Akala ko hindi mo maii--

"Tumahimik ka nga! Magbihis ka na." Singhal niya dito.

"Ngayon din mahal na prinsesa." Agad itong lumabas ng bahay nila.

"Pasensiya na kayo ah. Siya nga pala ,siya si Jake. Siya ang nakakuha sakin sa dalampasigan noon." Pakilala niya kay Jake. Tumingin naman ang lahat dito at ngumiti.

"Magbibihis muna ako ah." Sabi niya at tumayo na.

Umakyat sa hagdang kahoy nila. Mga ilang sandali lang bumababa siya at nandun na rin si Khem.

"TISAY!" Sigaw ni Khem.

"Pwede ba khemay. Utang na loob! sigaw ka ng-- Natigilan si Chelsy sa sasabihin niya dahil sa itsura nito.

"Wow hanep! Nakadoll shoes. Diba sinusuot mo lang yan pag birthday mo." Nakangising sabi ni Chelsy habang pinapasadahan ng tingin si Khem.

"Tumahimik ka nga diyan. Eh ikaw! bakit ganyan ang suot mo? Hindi tayo mang e'snatch uy!... Ay sorry." Natutop niya ang sarili niyang bibig. Punit-punit na pantalon, white fitted shirt at sneakers ang suot ni Chelsy.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon