Chapter 2

19 2 3
                                    

"Ban Sino yang mga yan?"

Hindi ko nagawang sagutin ang katanungan ni Eric samantala ay nilagpasan ko na lamang ang tatlo..

"Uyy Sino yun?" Pagulit ni Eric sa kanyang katanungan..

'kulit naman nitong kasama ko'

**************

Sa ngayon nakahiga na lamang ako sa kama at inaalala ang mga pangyayare kanina...

Nakakahiya talaga nakasalubong ko Yung mga sumira ng buhay ko... tulad na Lang ni Mark...

Si Mark Gorgonio.

Yung epal sa kanan,bestfriend ko yun dati na pinagtaksilan ako..hays bumabalik nanaman saakin yung mga ala-ala.

/Flashback/

"Uy araaattt naa!!!!" Sigaw ni fate sa harap ng bahay namin.

Ang aga-aga nambubulabog... napatingin ako sa orasan namin

9:00 na?!

Agad agad akong tumayo at dumungaw sa bintana ng aking kwarto

"Teka saglit wait lang" nagmamadali ako ngayong naghihilamos dahil ako nalamang ang iniintay..

Lumabas na ko ng silid at kinuha ko ang wallet at patakbong lumabas Ng bahay..

"Ano tara na??" Tanong ko sa dalawang kaninang kanina pa nagiintay..

"Suduin muna natin si Mark" saad ni Fate habang nagbubukas ng kanyang payong..

Kaya naman naglakad na kami papunta kala Mark habang naka akbay ako Kay Eury at nasa unahan namin si Fate....

Gf ni Mark si Fate at tropa ko naman si Mark pero si Fate girl bestfriend ko sya since highschool.. nagkasundo kase kami ni Fate na magkaroon ng group date.. at kung di nyo tatanungin ito dn ang unang beses na makikita ni Mark ang gf Kong si Eury...

"Love??.." pagtawag ni fate sa bahay nila Mark ng makarating kami dun...

"Ayy pasok muna kayo" paganyaya ni Mark samin..

"Kamusta na tol tagal na din ahh" pangangamusta ko kay Mark..

"Ahh eto humihinga pa naman" sabay tawa..

"Yan ba Yung gf mo?? Ganda ahh" Sabi ni Mark sakin habang nakatingin sya Kay Eury..

"Ahh..Oo 5 months na kami next week"
Sagot ko kay Mark habang nakadantay ang ulo ni Eury sa balikat ko .

"Nakss.. Ban wag mo nang saktan Yan ahh sayang ganda nyan Kung sasayangin mo Yan haha.." pagbiro ni Mark sakin..

"Never" Sabi ko na lamang dito

"Ohh sya Tara na.." pagyaya ni Mark Ng matapos na syang mag ayos...

Lumabas na kami Ng bahay at sumakay na ng tricycle..

Nang makarating na kami sa isang mall ay pinara na namin ang sinasakyan namin..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If I can turn back the timeWhere stories live. Discover now