Prologue

212 5 0
                                    


Hindi ko alam ang salitang 'once is enough' dahil kahit paulit-ulit akong saktan ng taong mahal ko,paulit-ulit ko rin syang pinapatawad

Dahil naniniwala ako sa salitang 'kapag mahal mo,kakayanin mo yung pain na dinudulot nya sayo,kung yun ang tanging paraan para di ka nya iwan'.

Oo takot ako,takot akong maiwan ng taong mahal ko kaya kahit saktan niya ko ng paulit-ulit,sya at sya pa din ang pipiliin ko. Hindi ko ma-imagine kung anong magiging buhay ko kung iiwan nya ko.

Ang tanga marinig no?

Oo tanga ako pero sa kanya lang.

Hanggang kailan?

Hanggang kailan ko titiisin ang sakit ng pag-ibig na matagal ko na dapat na bitawan?

Sobrang mahal na mahal ko sya kahit minsan hindi ko maintindihan ang ugali nya.

Sa loob ng 8 taon naming maging magkarelasyon,walang buwan na hindi nya ko niloloko,at buwan buwan ko rin yun nakikita pero hindi ko sinasabi sa kanya dahil baka iwan nya ko at yun ang pinakakinatatakutan ko.

Mahal na mahal ko sya,hindi ko kakayanin kung iiwan nya ko kaya hinahayaan ko syang lokohin lang ako ng patago dahil at the end of the day,ako pa rin ang inuuwian nya.

Oo nagsasama na kami sa iisang bubong kahit magkasintahan pa lang kami.

Masaya naman kami nung una,hindi ko lang alam bat bigla na lang syang naghanap ng iba.

Hindi ko alam bat kami humantong sa ganitong sitwasyon. Buong pagkatao ko binigay ko sa kanya pero kulang pa rin para sa kanya. Ang sakit sakit mahal na mahal ko sya,tinanggap ko ang buong pagkatao nya pero paglolokohin ka,lolokohin ka talaga kahit gaano mo pa sya tanggapin at mahalin.

Mahal,sana maibalik pa natin ang dating pagsasama.

Mahal,patawad kung iniwan kita kahit hindi ko kayang gawin,sobrang sakit na kaya ako na mismo ang bumitaw.

Jackie's POV

Nagkita na naman kami, nagkita na naman kami ng ex kong manloloko

Akala ko hindi ko na sya mahal sa loob ng 10 taon naming paghihiwalay

Akala ko nakalimutan ko na sya

"Hi Ms. Gonzaga" bati nya sakin na parang wala lang, parang di nya ko niloko ha.

"Hello to you" balik ko ng pagbati nya

"So ikaw daw ang abogado ng kompanya namin?" Tanong nya

"Oo, sa kasamaang palad"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Bakit may choice ba ko?"

"Di ka pa rin nagbabago, pilosopo ka pa rin pero maganda ka pa rin"

"Di ka pa rin nagbabago, manloloko ka pa rin"

"I told you, di kita niloko"

"I told you di ako naniniwala"

"Kailan ka ba naniwala sakin ha?"

"Dati, sa mga kasinungalingan"

"I swear to God I never cheated on you"

Maniniwala ba ko dito sa lalaking paulit ulit akong niloko?
-
-
-
♡︎

Once is not EnoughWhere stories live. Discover now