Chapter 4

79 5 1
                                    

Third Person's POV

Umaga na naman at kailangan na ni Jackie bumalik sa opisina nya dahil kailangan nya ng maayos ang kaso ng kuya ni Vice.

Tatayo na si Jackie ng hawakan ni Vice ang kamay nya, di man lang nya namalayan na gising na pala ito

"Wait I'll drive you" sabi ni Vice at agad na tumayo upang magbihis dahil parehas pa silang hubo't hubad
"Oy tumayo ka na din at magbihis na"

Di namalayan ni Jackie na kanina pa pala sya nakatingin kay Vice.

"Oo eto na, excited ka bang umalis na ko?" Tanong ni Jackie sabay kuha ng mga damit nya na nasa sahig.

"Nice ass" nakatingin pala si Vice sa kanya habang nagbibihis sabay kindat sa kanya

"Manyak ka talaga"

"Gusto mo naman diba?" Pagyayabang ni Vice

"Whatever"

Pagkatapos nilang magbihis parehas ay hinatid sya neto sa condo nya dahil kelangan nya magpalit ng damit kase damit pa rin ni Vice ang suot-suot nya

"I'll take you after mo sa trabaho mo ha" Sabi ni Vice tapos kumindat pa ang loko

"Bahala ka sa buhay mo" yun lang ang nasagot ni Jackie sabay diretso sa unit nya

Nasa trabaho si Jackie pero isa lang ang laman ng isip nya

Si Vice...

Tumunog ang cellphone nya at sinagot ito na di man lang tinitingnan ang caller

"Hello mamaya pa ko uuwi" sabi nya dahil akala nya si Vice yon

"Jackie..." Tawag ng nasa kabilang linya

Tiningnan ni Jackie ang cellphone at unknown caller ang nakalagay

"Hello sino 'to?" Agad na tanong ni Jackie ng nakita nya na numero lang ito at walang pangalan

"Di mo na ba ko naaalala Jackie?" Tanong ng nasa kabilang linya

"Kung kilala kita, hindi na ko magtatanong shut up" mataray na sagot nya

"Ang dali mo talagang makalimot 'no?" Pangungutya ng tumatawag

"Hello tanga ka ba?" Sobrang nag-iinit na ang ulo nya dahil ayaw nitong sagutin ang tanong nya

"It's tom by the way" sa wakas at nagpakilala rin ang lalake sa kanya

"I don't care, bye" pinatay na ni Jackie ang tawag dahil ayaw nya naman ito makausap

Naiirita pa rin si Jackie hanggang sa makasakay sya ng elevator, gusto nya umuwi ng maaga ngayon dahil gusto nya ipahinga ang sarili, pagod na pagod ang katawan nya dahil sa dami ng ginagawa nya ngayon araw

Palabas na sya ng elevator ng makita si

"Tom?" Nagtatakang sambit ni Jackie

"Bigla mo na lang akong pinatayan ng phone, sasabihin ko sanang nandito ako sa lobby ng office nyo" pagpapaliwanag ni tom at saka lumabas si Jackie ng elevator

"Ayoko kita kausap o kahit makita man lang, so please leave me alone!" Napalakas yata ang boses ni Jackie kaya lahat ng tao ay nakatingin sa gawi nila

"Pwede hayaan mo muna kong magpaliwanag Jackie?" Pakikipagtalo ng binata sa kanya

"Pwede lubayan mo ko?" Mataray na sagot ni Jackie tyaka dire-diretsong naglakad palabas

Biglang natumba si Jackie ng may mabangga syang bulto ng isang lalake

"Vice.." tawag nya sa nabangga nya dahil sa kakamadali

Tinulungan sya nito makatayo

"Bakit ka ba nagmamadali? Ayan tuloy natumba ka" nag-aalalang tanong ni Vice dahil mukang napalakas ang bangga nito sa kanya

Once is not EnoughWhere stories live. Discover now