Chapter 1

2K 43 5
                                    

Nasa library ako ngayon kase may summative test kami mamaya, syempre kailangan ko ring mag-aral. Dito na rin ako nag-recess kase wala na akong time para magpabalik-balik pa

Maya-maya pa ay nag-bell na kaya naman bumalik na ako sa classroom namin ngunit dala-dala pa rin ang mga libro. Pagdating ko sa classroom, ang ingay ng mga kaklase ko pero hindi na yun bago tipong nasa labas ka pa lang sigawan na agad yung maririnig mo

"Chane, pwede ba akong maki-upo sa tabi mo?" tanong ni Everleigh, kaklase ko

"Oo naman, nakapagreview ka na ba?"

"Ahh, oo naman kanina pa akong nagrereview,"

Dumating na ang teacher namin at nagsibalik na rin kami sa upuan namin

"Okay, get one-half crosswise and I don't want to see anything on top of your table except for the ball pen and paper," sabi ni Mrs. Gonzales

Nagsimula na kaming mag-test, ang hirap ng mga tanong dahil more on identification at kokonti lamang ang may choices.

"Okay, pass your papers finish or not finish." sabi niya habang kinokolekta ang mga papel namin

Buti naman at naipasa ko sa tamang oras yung sa akin. Si Mrs. Gonzales, siya kase yung teacher na may isang salita. Kapag sinabi niya na ipasa na, dapat ipapasa mo na

Pagkalabas ni Ma'am ay nabakante kami ng isang oras kaya napag-isipan muna namin na lumabas.

"Ang hirap nung test ano?" tanong ni Everleigh

"Hmm. Okay lang naman. Mahirap lang naman kase madami ang identification pero hindi naman ganon kahirap."

Totoo naman kase, hindi sa pagmamayabang. Pero ang nagpapahirap lang naman sa isang test ay kung madami ang may choices or identification. Kase pag may choices, pag hindi mo alam ang sagot mamimili ka na lang pero kapag identification hindi pwedeng kung ano-ano na lang ang isusulat mo.

"Matalino ka talaga."

Ginagawa niya niyang hobby ang pagsasabi ng mga katagang iyan sa akin.

"Hindi naman." sagot ko naman

Nagkwetuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa mag-recess na. Hindi pa rin siya humihiwalay sa akin, okay lang naman at least may kasama naman ako ngayon.

"Anong gusto mo? Para ako na ang o-order," sabi niya.

"Buko shake and fries na lang."

Pagkasabi ko noon ay umalis na siya. Pinanood ko siya palayo, ang kaniyang saktong habang buhok na medyo kulot ay sumasabay na paglalakad niya. May ibang sinusundan siya ng tingin, hindi naman nakakapanibago iyon dahil maganda naman talaga siya.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga libro. Tatlong libro ang dala at wala naman talaga akong planong mag—recess, may nakasama lang ako kaya sumama na rin ako.

Maya-maya dumating na din si Everleigh at umupo siya sa harapan ko, iniabot niya sa akin pagkain ko.

"Ano ba yang binabasa mo?" tanong niya.

"Random stuffs lang. Mahilig kesa sa libro yung ex-girlfriend ni Kuya and nung naghiwalay na sila, sa akin napunta."

Hindi makapaniwala niya akong tiningnan.

Close kami ng ex-girlfriend ni Kuya, matagal din siya at ito na ang naging bonding namin. Pag nagkikita kami ay pinagkukwentuhan namin ang mga nabasa naming libro, dala na din siguro na parehas kami ng hilig na genre.

"Buti ka pa, mahilig kang magbasa. Madali akong ma-bored sa mga ganiyan, mas prefer ko pa din talaga ang panonood."

Tumawa na lang ako bilang sagot. Para naman sa akin, mas magandang magbasa kesa sa manood, dahil kapag nanonood ka kung anong napapanood mo yun na yun. Pero kapag nagbabasa ka, kung anong pagkakaintindi mo yun yun din ang lalabas sa imagination mo.

How Can We Not Fall In Love?Where stories live. Discover now