Chapter 2

609 38 1
                                    

Hila-hila pa din ako ng lalaking ito at hindi ko na alam kung saan kami papunta dahil nagpapatianod na lamang ako sa kaniya.

Nakarating kami sa isang silid ngunit tila abandonado ito.

"Ano ba kaseng kailangan mo sa akin?!" inis kong tanong pagdating naming sa loob at hinigit ang kamay mula sa kaniya. 

Medyo madiin ang pagkakahawak niya sa akin kaya agad na sumakit ang aking kamay. Hindi ko din alam kung anong mapapala niya sa panggaganito sa akin. Hindi naman kami close at hindi ko din naman siya ganoong kakilala. 

"Ikaw ang sumagot ng tanong mo. Sige nga, ano ang kailangan ko sa'yo?"

Umirap ako at nag-iwas ng tingin. Kung sana lang ay nasa tamang pag-iisip ako kanina ay hindi na sana ako pumayag sa kung ano mang sinabi niya. Kung alam ko lang din na ganito siya ka-seryoso doon ay hindi na talaga ako dapat na pumayag. 

"Paano kung nagbago bigla yung desisyon ko?" tanong ko nang may nanunuyang ngiti.

Saka hindi niya naman hawak ang aking desisyon. Ano siya, boss? 

"Wala pang humihindi sa akin." sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. At anong akala niya sa akin? Katulad noong mga palagi niyang napapa-oo? Kung ganoon naman pala, ako ang unang hihindi sa kaniya and it's my pleasure pa.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa inis ko. "Pwes, ako ang unang hihindi sayo." Sagot ko at tumalikod.

Aamba pa lamang akong lalabas ay humarang na agad sa akin. Napapikit na lamang ako nang mariin, mukhang wala nga akong kawala sa mga lalaking ito.

Kung kaya ko lang ay baka nagawa ko na silang isumbong sa Dean. Pero hindi naman ako sobrang oa para gawin pa iyon dahil alam ko sa sarili kong kaya ko naman itong i-handle.

"Stay." Utos niya at awtomatiko akong napaharap.

Hindi na ako makagalaw nang maayos dahil sa kung anong mayroon sa presensya niya. May kakaiba talaga sa lalaking ito na nakakainis.

Hindi ko maipaliwanag.

Huminga ako ng malalim. "Hindi mo ba naiintindihan? Ayoko ngang ma-associate sa'yo, Kaius."

Mahinahon man iyon ay may diin. Hindi na kasi nakakatuwa, seryoso ako sa lahat ng sinasabi ko at parang wala lamang siyang pakialam.

"Hindi mo din ba naiintindihan? Gusto kong dito ka lang. Nag-agree ka di ba?"

Halata sa mata niya ang pagiging seryoso pero hindi ko alam kung tunay nga ba ito. Ang mga niyang kulay-abong mga mata ay tila kinakausap ako kahit hindi nakakapagsalita.

Para bang lahat ng features sa mukha ng lalaking ito ay perpekto. Palagi lamang nakapuyod nang pabahagya ang kaniyang may di kahabaang buhok.

Kaso nga lang, nakakainis talaga siya.

"Ano ba talagang kailangan mo? Huli na ako sa klase ko, pumapasok ako dito para mag-aral hindi para pag silbihan ka."

Alam ko naman na hindi pa rin siya papayag pero nagbabakasakali lang naman ako, nagbabakasali na pwede na niya akong palabasin sa lungga nila ng demonyo niyang mga kaibigan.

"Kung hindi mo naman pala kaya yung in-offer ko kanina ay sana hindi ka na lang pumayag. You've already agreed kaya wala ka nang takas." seryoso niyang sambit.

I need to stand by my words at saka malay naman may mga incentives siyang ibibigay.

"Okay fine. Maaari na ba akong umalis? May klase pa ako, baka nakakalimutan mo." tamad kong sagot

How Can We Not Fall In Love?Where stories live. Discover now