Chapter Sixteen: Kind Rival

35 1 0
                                    

Chapter Sixteen: Kind Rival

Airyn's Point of View

Naka-awang ang aking bibig sa aking nakita. Hindi ako sigurado kung siya ang nasa harapan ko pero base sa mukha ni Dylan, siya nga ito. Wala na ngang iba. This is Aliah, his ex girl friend.

Bigla siyang tumakbo papalapit sa kinatatayuan namin ni Dylan. Pumagitna siya at biglang nitong hinalikan si Dylan sa kaniyang mga labi.

"I miss you so much! Ilang taon na tayong hindi nagkita Dylan Go, halika!"

Hindi ako makapagsalita sa ginawa niya. Muli niyang hinalikan si Dylan sa labi. Walang emosyon na pinakita si Dylan. Na-shocked siya nang makita niya si Aliah. Kahit ako ay nagulat sa biglaang paglitaw ni Aliah. Namayani ang takot at selos sa aking puso kaya sinundan ko sila. Ilang minuto palang sila nakaalis pero hindi ko na sila maabutan.

Natatakot ako. Natatakot ako sa muling pagbabalik ni Aliah. I'm so afraid when I saw her. Paano kung babawiin niya sa akin si Dylan? Hindi ko kakayanin kapag gagawin niya iyon. Dylan is the only one in this school who stayed with me. Hindi ko hahayaang pati siya ay aalis sa buhay ko.

Hindi ako mapakali kaya'y mas minadali ko ang paghakbang hanggang sa naratnan ko silang magka-usap at magkaharap. Kinubli ko ang aking sarili sa likod ng pinagpatung-patong na sirang upuan.

"Dylan I'm here. Bumalik na ako. Bumalik ako kasi naisip ko na hindi ko pala kaya na wala ka. Dylan, I left you for good. Iniwan kita para maging mas better ako. Look at me now. Bumalik ako para sa iyo." she said.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko makukuha niya sa akin si Dylan. Sa tingin ko babalik si Dylan sa kaniya. What just am I? Wala lang ako kumpara kay Aliah. She came first. She came before me. She once was his everything and she could become his everything again.

"Dylan alam kong hindi ka makapaniwala na bumalik ako at wala man lang pasabi. Alam ko galit ka, batid ko nagalit ka sa akin dahil umalis ako ng walang paalam. Sorry for that. Dylan, I'm here. Hindi na kita iiwan pa." she said while holding Dylan's hands.

"Aliah?" he's smiling when he mentioned her name.

Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi. Nasaktan ako nang binanggit ni Dylan ang pangalan ni Aliah na may kasabay na ngiti sa kaniyang mga labi. Tinikom ko ang aking bibig gamit ang aking mga palad.

"Aliah, ikaw nga. You came back." sabi ni Dylan sabay hawak sa pisngi ni Aliah.

I saw tears ran down his face. He miss her so much. I can feel it. I can feel the pain he had but now turned in to nothing but tears, tears not of pain. Yet tears of missing her so much.

"Oo, oo Dylan. It's me. Si Aliah na mahal mo. Si Aliah na pagmamay-ari mo!" she said so proud.

Nakita kong umiling si Dylan habang patuloy na umiiyak. This is the first moment I saw him crying unstoppably. His balls of tears were big.

"I missed you. I loved you. And I owned you. Lahat iyon tapos na." he said before he put down his hands.

Ngumiti ang puso ko dahil sa sinabi ni Dylan.

Tumalikod siya at sinimulan nitong humakbang paalis. Nakita ko paano gumuho ang mga luha mula sa mga mata ni Aliah. Nakokonsensiya ako dahil alam ko na ako ang dahilan kung bakit tinalikuran siya ni Dylan.

Hinabol niya si Dylan at niyakap ito ng kay higpit. Nakikita ko ang sarili ko kay Aliah noong halos mabaliw ako kay Haile.

"May iba na ba? May naipalit ka na ba sa akin habang wala ako?" tanong nito.

Tinanggal ni Dylan ang mga kamay ni Aliah na nakapulupot sa kaniya. Humarap si Dylan sa kaniya habang pilit na pinakakalma si Aliah sa pamamagitan ng pagpunas sa mga luha ng kawawang babae.

Matched With The JerkWhere stories live. Discover now