Kabanata 4

163 7 0
                                    

MALAPIT NG maubos ang baterya ng cellphone ko at mabuti na lang ay nagawa ko pang mag-text kay Dina. May fifteen percent pang natitira. Minuto rin ang hinintay ko hanggang sa dumating ang matalik kong kaibigan sa harapan ko. Imbes na ngumiti ako ay napawi sa nakitang ekspresyon niya. Wala itong ngiti kundi nakasimangot ito at hindi na niya pa kailangang magsalita dahil alam kong hindi niya ako patutuluyin sa kanila.

"Nag-text ka na lang sana na hindi puwede kaysa sa punatahan mo pa ako rito," natatawa kong sabi ngunit bakas sa boses ko ang pag-iiba na kagagaling sa magdamagang pag-iyak. A worried expression plastered on her oblong-shaped face.

"I'm sorry, Lara. Hindi kasi puwede at strict ang parents ko," sagot niyang ikinatango ko nang walang sama ng loob dahil naiintindihan koi yon.

"Pero baka puwede kay Pamela. Nangungupahan naman siyang mag-isa." Nakuha niya ang atensyon ko sa sinabi niya. Hindi kami gaanong close ni Pamela at hindi palaimik iyon. At saka wala siyang alam sa kuwento ng buhay ko. Hindi ko siya napagsasabihan ng mga sekreto ko. Hindi rin ako sigurado kung kaibigan ba ang turing niya sa akin dahil madalang lang kaming mag-usap kahit na magkasama naman kami palagi't magkaklase. Si Dina lang talaga ang nakakausap ko sa lahat at may alam ng sekreto ko.

"Alam mo namang—"

"Mabait si Pamela. Subukan mo lang at baka okay lang sa kaniya na tumuloy ka. Kapalan mo na mukha mo, Lara. Hindi ka naman puwedeng matulog dito o kung gusto mo bumalik ka sa bahay n'yo at magmakaawa kay mama mo," sambit niya.

"Ito kausapin mo." Iniabot niya sa akin ang phone niya at eksaktong pagkakuha ko roon ay narinig ko ang boses ni Pamela sa kabilang linya. Tiningnan ko lang si Dina na nakatayo sa harap kong tinanguan niya lang ako.

"Dina, bakit?"

"Si... si Lara ito," kinakabahan kong tanong.

"Bakit, Lara?"

Bumuntonghininga nang malalim para bumuwelo bago ko sabihin ang pakay ko nang hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "Kakapalan ko na ang mukha ko, puwede ba akong makituloy sa iyo?"

"Sige, nasaan ka ba?" kaswal niyang tanong na para bang ayos lang sa kaniya at hindi man lang siya naiilang na gaya ko ngayon. Nahihiya ako!

"Na-nasa plaza," nauutal kong sagot sa hiyang nararamdaman.

"Hintayin mo na lang ako diyan kasi kapag ikaw pupunta rito baka mawala ka pa,"

"Sige." At ibinaba niya ang tawag.

"So, mauna na ako. Hintayin mo na lang si Pamela rito. And don't worry, everything will be alright. Walang nakakaalam sa sekreto mo." She smiled then winked before leaving me alone. Yumuko ako at tinitigan ang palad. Sa mga oras na ito ay hindi pa rin ako nilulubayan ng mga nangyari kanina. Hindi agad nabubura sa isipan ko, napakasariwa pa. Parang isang pitik lang kung paano mag-iba ang aking mundo ngayon.

Makalaipas ang ilang minuto o oras kong paghihintay ay dumating din siya. Nag-aalala ang mga mata niyang tiningnan ako. Kita ko sa mga mata niyang nais nitong magtanong kung bakit ganito ang hitsura ko, pero mas pinili na lang niyang manahimik at binitbit ang backpack na nasa tabi ko. Pumara ito ng trike at sumakay kaming dalawa. Buong minuto ng aming biyahe ay tahimik lang kami, walang nag-iimikan hanggang sa makarating kami sa kaniyang tinutuluyang bahay. Mapagmasid akong umakyat sa ikawalang palapag ng lumang bahay. Nahagip kong nilingon niya ako sandali at parang gusto niyang magsalita pero gaya ko, bumubuwelo rin siya.

Bago pa ako magsalita ay nagsalita siya, "Mag-isa lang ako sa dorm. Maliit lang naman iyon pero kasya ang dalawa doon. May tita ako rito at doon ako nakikitira sa kanila noon, pero hindi ko kaya ang pagmamalupit niya sa akin kaya sinabi ko kanila mama at papa na nasa Iloilo, probinsya namin na mangupahan na lang ako." Tiningnan ko lang siya saka muling iginala ang paningin sa loob. Kaya pala mura dahil hindi medyo sira na ang kisame sa bungad nang madaanan ko.

My Sweetest Regret (Novelette)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant