Like

1 0 0
                                    

Nag s-scroll ako sa newsfeed ko sa Facebook nang may maisip akong kalokohan. Wala kasi akong magawa tapos wala pa akong kachat. Kainiss!

Kaya ini-stalk ko si crush then lahat ng post and shared post niya kahit memes pa yan o hinde ay ni like ko HAHAHAHA tingnan lang natin kung hindi mo pako pansinin.

Naeexcite ako kung anong magiging reaction ni Zyro. Mainitin pa naman ulo non! HAHAHA

"Oy Shyra!" Pagtawag sakin ni mama. Diko napansin na nasa labas na pala siya ng kwarto ko.

"Bakit po?" Tanong ko, habang di inaalis yung tingin sa cellphone ko. Pinagpapatuloy ko parin kasi yung naisip kong kalokohan.

"Maghugas ka ng plato, hindi yung puro ka na lang cellphone dyan!"

"Pero ma--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang biglang magsalita si mama.

"Walang pero-pero. Maghuhugas ka ng plato kundi ipapaputol ko na yung wifi natin!" Sambit niya sabay labas ng kwarto ko.

Arghhh! Hindi naman ako kumain pero bakit ako yung maghuhugas ng plato? Huhu. Ang unfaaaair!

Sa huli, wala rin akong nagawa kundi maghugas ng plato. Ipinatay ko muna yung wifi connection sa cellphone para walang isturbo sa paghuhugas ko para mabilis akong matapos.

Nang matapos sa paghuhugas, dali dali akong umakyat uli sa kwarto at binuksan yung wifi connection.

Nagulat na lang ako ng makita kong may message akong isa. Pero hindi nako aasa baka isa lang to sa sinalihan kong gc. Nako! Palagi naman e!

Pero pag bukas ko sa message.

Mygwaaaad!

Si crush!

Nagmessage saken! Waaaah!

Agad ko naman itong binasa.

'Ba't ba like ka ng like sa post and shared post ko ha?'

La? Galet?

Kala ko pa naman yung sasabihin niya ay,

'Hello Shyra, I like you.'

'Can I Court you?'

O di kaya.

'Can you be my girl?'

Arghhh! Kainis! Baket hindi yon yung sinabi niya? Di bale na, ako na lang gagawa ng paraan. WA-HA-HA-HA.

Agad ko naman itong nireplyan.

'Kasi like na like kita. Ayiee. Kiligin ka pleeees!'

Tawa ako ng tawa sa nireply ko sa kanya. Abnoy na talaga ako. Kung ano ano pumapasok sa isip ko e.

Tumunog naman agad yung cellphone ko.

Tiningnan ko kung meron ng message si Zyro pero wala. Kaya tiningnan ko kung sa notification ko na yon galing at tama nga ako.

Nagulat ako ng makita ko yung name ni crush.

'Zyro Martinez tag you in a post'

Kaya dali dali ko itong binuksan.

Bumilis yung tibok ng puso ko sa nabasa ko.

'You said that you like me, and I like you too Shyra Mendez, so can I court you and be my girl?'

Omygoshhh!

My hearttt!

End.
-Work of Fiction-

-chubbyakes

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now