Kwek-kwek

1 0 0
                                    

Nagtuturo yung teacher namin sa harapan ng may magsalita sa pintuan. Agad naman akong napatingin at nagulat ako ng makita ko si Rhys! Yung crush ko. OMYG!!

"Excuse me po." Sambit ni Rhys habang may hawak na tray na may lamang tauge, kwek-kwek tapos turon. Siguro tira na naman to sa canteen tapos may maglilibot sa mga classroom para itinda at the same time maubos na din.

"Yes?" Ani ni Ma'am Sy.

"Ibebenta ko lang po sa kanila to. Kung pwede lang po." Sabi ni Rhys habang nakangiti.

"Sure." Pagpayag ni Ma'am. "Tumayo yung mga gustong bumili." Sabi ni ma'am samin.

Tumayo naman ako papunta kay crush pero nagpahuli ako. Habang hinihintay na matapos bumili yung mga kaklase ko nakaisip ako ng kalokohan.

Nang ako na lang, tuluyan na akong lumapit sa kanya.

"Ano sayo?" Tanong niya sakin habang nakatingin sakin ng diretso. Napatulala na lang tuloy ako sa kanya. Shocks! Ang gwapo niya! Yung brown eyes niya tapos yung makakapal niyang kilay then yung matangos niyang ilong idagdag mo pa yung mapula niyang labi. Nahiya tuloy yung labi ko.

"Miss, ano yung sayo? Tauge ba? O turon O kwek kwek?" Tanong niya ulit sakin.

Wala sa sariling nasambit ko yung hindi dapat.

"Yung kwek kwek."

Ibibigay niya na sana sakin yung kwek kwek nang magsalita ako.

"Mo, magkano?" pagdugtong ko. Dahilan upang manlaki yung mga mata niya at bibig niya.

What thee?! Shocks! Bakit ko nasabi yon? Huhu. Lupa kainin mo nakooo! Pano na to?!

Sa sobrang kahihiyan, tumakbo na lang ako pabalik sa upuan ko.

Nang makaupo, pa simple akong tumingin sa pinto. Laking gulat ko ng makitang nakatingin sakin si Rhys.

"Basta ikaw. Libre lang, walang bayad ." Sambit niya ng walang boses pera naintindihan ko. Feeling ko mas lalong namula yung pisnge ko sa sinabi niya.

Ngumisi muna siya bago tuluyang umalis.

Pinalibot ko yung tingin ko sa loob ng classroom at halos lahat sila kumakain ng tinindang pagkain ni Rhys.

Naiinggit tuloy ako! Huhu.



End.
-Work of Fiction-

-chubbyakes

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now