Part 65

1.6K 62 0
                                    


PUNO ng determinasyon si Erika habang naglalakad patungo sa opisina ni Pierre. Hindi siya papayag na hindi nito pakinggan ang lahat ng sasabihin niya. Pagpasok niya sa sliding door ay binati siya ng assistant ni Pierre na pumalit sa kanya simula nang payagan siyang mag-resign ni Pierre.

"Is he busy?" tanong ni Erika kay Rowena.

"Kahit busy siya, basta ikaw ang bisita, sine-set aside niya ang lahat," sabi ni Rowena at saka ngumiti. Tinapunan nito ng tingin ang engagement ring niya. Wala itong kamalay-malay na maaaring hindi na matuloy ang kasal nila ng boss nito. "Siyempre, kailangan ko pa ring ipaalam na nandito ka."

Bago pa man mapindot ni Rowena ang intercom sa desk ay pinigil niya ito. "Gusto ko siyang sorpresahin."

"Ikaw ang bahala."

Pumasok si Erika sa pinto ng opisina ni Pierre. Napasukan niya itong nakatayo sa tapat ng glass wall at nakatanaw sa tanawin sa labas. Lumingon ito nang marahil ay marinig ang pagsara niya ng pinto.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" he asked coldly.

"Pierre... please let's talk."

"Tapos na ang pag-uusap natin kagabi. Whatever you want to say, I don't want to hear them anymore. Please leave." He did not look or sound mad. Parang wala lang talagang interes ito na makipag-usap.

"Ganoon na lang ba 'yon? Hindi ba natin ito puwedeng maayos?" Nangilid ang mga luha ni Erika.

"Please leave," mahinahong wika ni Pierre at tumalikod na.

Lumapit siya sa lalaki at niyakap ito mula sa likuran. "I'm sorry, Pierre. Patawarin mo ako. Alam kong masama ang ginawa ko. Pero maniwala ka, hindi ako masamang tao. Mahal kita. Totoong mahal kita. Pagdudahan mo na ang pagkatao ko pero huwag sana ang pagmamahal ko sa 'yo, please?" lumuluhang sabi ni Erika.

Inalis ni Pierre ang pagkakayakap niya at muli ay hinarap siya. "are you that desperate to ruin me? Magagawa mo pang magmakaawa para lang sa mga plano mo?"

"Wala na akong planong saktan ka. Please, give me another chance."

"Pinatatawad na kita. Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa 'yon. But I can't make myself trust you anymore. I couldn't be with someone I don't trust. I hope you understand. Now, please leave." Lumakad ito patungo sa desk at umupo sa lounger. Hindi pa sana niya titigilan si Pierre pero tumunog ang telepono sa desk nito. Nakipag-usap ito sa tumawag. Pinihit nito patalikod sa kanya ang lounger.

Wala siyang nagawa kundi lumabas ng pinto. Pero hindi siya titigil hangga't hindi siya napapatawad ni Pierre. Palilipasin muna niya ang galit ng lalaki. Bibigyan niya ng pagkakataon ito para pag-isipan ang sitwasyon nila.

"COME on, Pierre. You're ruining your life again."

Mapait na ngumiti si Pierre kay Walter nang puntahan siya ng pinsan sa kanyang pad. Nadatnan siya nitong nagpapakalunod sa alak.

"Forget about her. Move on."

"You don't understand. I love that bitch, that scheming bitch. Pero hindi ko puwedeng kalimutan ang ginawa niya sa akin."

"Ang akala ko ba ay pinatawad mo na siya?"

"Hindi ko pa rin matanggap na pinaikot niya lang ako. Hindi ko matanggap na minahal ko siya."

Tinapik siya ni Walter sa balikat. "Nangyari na 'yon, eh. Kahit magpakalango ka sa alak ay hindi mo maitatama ang lahat ng nangyari. Kaya kung ako sa 'yo, sa halip na nagpapakalasing ka, find ways to forget her. Pumunta tayo sa nightclub. Ilang sexy shrink ba ang kaya mo?"

Sa halip na sumagot ay uminom uli siya ng alak.

"Get your act together, man. Hindi lang siya ang babae sa mundo."

"Sa dami ng mga babaeng dumaan sa buhay ko, I'm fully aware na hindi lang siya ang babae sa mundo. Pero sa dinami ng mga babaeng 'yon, siya lang ang minahal ko. Dammit, this must be my karma."

"Exactly. Kaya tanggapin mo na lang. Then move on."

"Sana ay ganoon lang kadali 'yon." Hindi na niya kayang paniwalaan si Erika. Hindi na siya sigurado kung mahal talaga siya nito o gusto pa rin siyang sirain. She could be acting and pretending like what she did before. He really could not trust her anymore.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now