Chapter 27

1.5K 50 1
                                    

Aira POV

Putcha naman kanina pa napapanis ang laway ko sa katahimikan ni risha. Kanina pa kami nakatayo sa labas ng mga koyse namin dito sa parking lot at hinihintay ang pinaka bwisit na taong kanina pa wala.

"Next time na lang risha" basag ko sa katahimikan. Pinasadalan lang niya ako ng tingin at agad na pumasok sa kotse niya at pinaharurut ito paalis.

Kita niyo na ang babaeng yon napaka walang kwenta parehong pareho sa ugali ni anne na hindi man lang nagsasalita at agad ng umaalis.

Agad ako sumakay sa kotse ko at namataan ko ng papalapit sina tristan sa gawi ko kaya mabilis kong pinaharurut ang kotse ko.

 
Mabilis akong nakarating sa mansyon at iginarahe ko agad ang kotse ko at dumeretso sa loob. Nang makapasok ako sa loob ay tumambad saakin si zeke na nanunuod ng tv habang si kent ay naka higa sa mahabang sofa at natutulog.

"Saan ang iba" baling ko kay zeke at tiningnan ako nito.

"Dumeretso sa kwarto si risha..nasa kitchen naman si cassidy habang nasa kwarto si queen" anya kaya tumango ako at pumunta sa kitchen at naabutan ko si cassidy na nagluluto.

"Sakto pala ang dating ko " saad ko saka naupo sa table.

Agad kong tiningnan ang mga italian food naka handa sa hapag.lasagne,
Osso buco alla Milanese,saltimbocca. At hindi rin mawawala ang korean food na para kay anne ang mga
samgyeopsal,Bulgogi at kimchi Bokkeumbap. Muli kong nilingon si cassidy na nag aayos ng mga plato sa mahabang mesa.

"you cooked all of these?" Manghang tanong ko kahit alam ko namang kaya niyang gawin lahat ng to.

"Yeah." Tipid niyang sagot at ng matapos siyang mag ayos ay tiningnan niya ako ng nakataas ng kilay. " Go.. and tell them " anya tukoy sa nakahandang dinner

Umalis ako sa upuan ko at nag tungo sa taas at una kong kinatok ang kwarto ni risha para sabihin sakanya na handa na ang hapunan kaya agad din siyang lumabas na para bang balit siya sa mundo dahil sa di maipintang mukha niya. Iniwan ko na siya at nag tungo sa pinaka huling kwarto sa dulo kung nasaan ang pinaka malaking kwarto na pag mamay ari ni anne.

Kabado akong kumatok sa malaking pinto dahil sa takot na masalubong ko ulit ang bala ng baril niya tulad ng ginawa niya saamin ni samantha dati. Ng hindi siya sumagot ay muli akong kumatok saka siya tinawag." Anne the dinner's ready " malakas kong sabi.

Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si anne na bagong gising. Patay ako nito. Ayaw pa naman niyang ginigising siya.

Kabado akong tumingin sa kanya at bumulantang ang walang ekspresyong mukha niya.

"Handa na ang hapunan " saad ko at pinilit na wag mautal. Tungamo siya ng isang beses saka pumasok ulit sa kwarto niya kaya mabilis akong bumaba at pumunta agad sa kitchen at naabutan ako silang naka upo na lahat." Hayysstt feeling ko aatakihin na ako sa puso dahil sa takot kay anne" anya ka saka umupo sa tabi ni risha na tahihik lang na kana upo.

"Where's nate?" Tanong bigla ni cassidy.

" Inaasikaso niya yung pinapatayong hotel " sagot ni zeke.

Ilang minuta pa ay dumating na si anne at naupo sa lagi niya pwesto sa dulo ng table.

Tahimik lang kaming kumakain at walang sino man ang may lakas na bumasag sa katahimikan lalo pa na nandito si anne at kasabay namin siya kumain.

She's a Secret Mafia LeaderWhere stories live. Discover now