CHAPTER 61

1.3K 41 0
                                    


HINDI ko alam kung paano ko naipaliwanag kina Dad ang nangyari kay Crystal. Habang nasa living room kami pabalik balik ng lakad si mommy sa harap ko.

Gusto kong manatili sa mansion nila Crystal kahapon pero ang sabi niya may importante siyang gagawin. As if naman na guguluhin ko ang isang yun. Parang ako pa ang may ginawa sa kaniya eh siya naman itong hindi nagpakita ng ilang taon tapos sasabihin niyang SA MADRID LANG NAMAN!

"For almost seven years, nag pabalik balik ka sa libingan niya tapos wala palang laman yun!" Ani mommy habang hinihilot ang sentido.

Kanina pa ako nahihilo sa paglalakad niya sa harapan ko.Samantalang si Dad ay tahimik lang.

Dapat kasi sumama siya para mag paliwang dito. Tss.. sa bagay kailan pa siya nag paliwanag sa ibang tao bukod sa akin. HAHAHAHA mahal niya talaga ako. Ano nga ulit yung sinabi niya kay kurt? Na hindi dapat siya nagpapaliwanag sa kanila at tanging sa akin lang!

"Ang mahalaga bumalik na siya ulit" ani dad.

Gabi na nang maka alis ako sa bahay ay nag tungo ako sa mansion ng Buenavista.sa gate palang ay alam ko na kung ano ang gagawin ko. Marahan kung hinawakan ang bulsa ng pantalon ko at nakapa ang singsing.Namataan ko agad ang kotse ni Nathan sa harap ng mansion.

Ano naman ang ginawa ng isang to? May kasalanan pa si Aira sa akin. Imbis na ako ang magalit kay Crystal ay nabaliktad dahil sa sinabi niya.

"Oh terrence! Kakaalis lang ni Anne patungong Madrid.. may binalikan ata eh" nakangising salubong ni Aira sa akin nang makapasok ako.

"Wag mo akong pinagloloko huh! hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi mo sa kaniya!" Pagbabanta ko. Humalakhak siya at binaling ang tingin kay Nathan na nakatutuk sa hawak na laptop.

Iniwan ko sila sala. Habang paakyat ako ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ako alam kung totoo ba ang sinabi ni Aira o pinagtitripan lang ako.

Pagkarating ko sa harap ng kwarto niya ang agad akong kumatok.ilang sandali lang ay bumakas ang pinto. Tumambad sa akin si Crystal na naka tapis ng towel at may ilang tumutulonv tubig sa kaniyang buhok. Napalunok ako. Kunot noo niya akong tiningnan bago buksan ng lamaki ang pintuan niya at iniwan ako.

Para akong nabunutan ng tinik ng pumasok siya sa walk in closet niya.
Naupo ako sa kama niya at hinintay siyang lumabas. Ngayon kulang napagmasdan ang buong kwarto niya. Black, gray and white ang buong kwarto niyo. Ang black carpet at ang gray na sofa. Malawak din ang bed niya.

Natigil ako sa pag mamasid ng lumabas siya sa walk in closet. Plain black t-shirt at pajama.  Parang isang himala kung kung mag suot siya ng mga pink na color. Bumaling siya sa akin at pinasadalahan ako ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang ganang tanong niya.

Parang hindi ako boyfriend nito ah. Kala mo tropa niya ang tinatanong niya. Hindi man lang ako kinukumusta. At ngayon sasabihin niyang anong ginagawa ko dito? Ginagago ba niya ako?

"Pwede bang how are you muna?" Tiim bagang kong tanong.

"Bakit may sakit ka?" Saka niya ako sinipat muli

Mariin akong napapikit sa inis. Kailan pa ba naging seryoso ang isang to? Kung hindi ako ang nalalabing sa kaniya wala ata siyang balak.

"Alam mo bang nag tatampo pa rin ako sayo?"  Ani ko. Baka gunama ang isang to.

"Oh tapos?" Sabay halukipkip niya.

"Dapat suyuin mo ako.." saad ko.

Tumagilid ang ulo niya. Parang pinag aaralan ang bawak anggulo ng mukha ko. Napanguso naman ako sa inaasta niya sa akin. Parang hindi nawala ng ilang taon ah. Hindi ba niya ako na miss?

She's a Secret Mafia LeaderWhere stories live. Discover now