CHAPTER 38: Uneasy

27.7K 548 57
                                    


*************

Napabuntong hininga si Kathryn habang umiikot ikot sa harap ng malaking salamin sa kanilang kwarto. Napansin naman ito ni DJ na kapapasok pa lamang.

'Ano yan?' Tanong nitong nakangiti habang ipinagtitimpla ng gatas si Danilo na nagpapapadyak na sa loob ng crib nito.

'Yung tyan ko kasi.' Kath whined. 'Mukha akong butete.'

Napatawa si DJ sa narinig at agad itong lumapit sa asawa.

'Asan?' Nakangising sabi nito habang hinahaplos ang tyan ni Kathryn. 'Sus! Wala pa naman! OA!'

Tiningnan ni Kathryn ng masama si DJ at pinaghahampas ito.

'Kasalanan mo kasi 'to e!'

Iyak nya.

'Aray! Ba! Stop! Ouch!'

'Buntis na naman ako! Lalaki na naman ang tyan ko! Papangit na naman ako!' At nang hindi makuntento sa paghampas lamang si Kath ay kinurot kurot naman nito ang lahat ng bahagi ng katawan ni DJ na maaabot nya.

'Ba! Aray ko! Stop na! Please!' Panay ang salag ni DJ sa bawat atake ni Kath pero patuloy pa rin ang asawa sa pag-asunto sa kanya.

'Ano bang tingin mo sa akin? Bakit mo 'ko ginaganito?'

'Hala!' Nanlaki ang mga mata ni DJ sa tinuran ni Kath. 'Saan patutungo 'to?'

'Parati ka na lang ganyan.'

Sa wakas ay tumigil na si Kath sa pananakit sa kanya at pumunta na sa kanilang kama upang doo'y maupo. Sabay naman nilang narinig ang malakas na iyak ni Danilo.

'TATAAAAA!!! NANNNAAAA!!!! TAAAA!!!!'

Nagpabaling baling ng tingin si DJ kung sinong unang pupuntahan nito. Ang buntis na asawa nyang kasalukuyang may topak o ang kanyang panganay na kanina pa humihingi ng gatas.

'Nagsabay pa!' DJ breathed out as he kept on shaking the feeding bottle in his hand. 'Ano na Daniel?' He opted to attend to the latter. 'Eto na. Eto na.'

Binuhat ni DJ si Danilo at agad nitong inabot ang bote ng gatas na kanina pa hinihingi.

'Ba...' Tinabihan nilang mag- ama si Kathryn at pinilit na amuhin ito. 'Ba, please..'

'Mag-shopping tayo mamaya, Babe? Please?'

Nagulat na lang si DJ sa sinabi ng asawa. Ang bilis lang ng shifting ng emotions.

'Ha? May photo shoot kasi ako mamayang 2 PM.'

'E di before ng shoot mo. 8AM pa lang naman o. Tayo ang magbubukas ng mall. Tapos, kumain tayo ng lunch. Pero tayong dalawa lang. Wag na muna natin isama si Danilo,' Tila may lungkot na nag-rehistro sa mukha ng sanggol nang marinig nito ang tinuran ng ina na animo'y naiintindihan lahat ng sinasabi nito.

'Bakit di natin isasama si Danilo? Kawawa naman, Ba.'

'Manggugulo lang yan e.' Kath pouted, 'Sige na babe, please? Okay naman syang maiwan dito kela Mama e.'

'Pero kasi, Ba...'

Muling nagpabaling baling ng tingin si DJ sa dalawa. Hindi nya maintindihan ang asawa kung bakit ganun na lamang ang arte nito. Alam nyang buntis si Kath pero di nya ma-imagine na pati ang anak nilang si Danilo ay tila kaiiritahan nito.

************

'I just wanted us to have the time na nawala sa atin eversince we had Danilo e.' Kath explained as she sat on the passenger seat of DJ's dodge.

Naiintindihan naman ni DJ ang dahilan ng asawa. And God knows how much he wanted to spend the time with her alone as well. Kaya lang, kinakain sya ng guilt seeing Danilo cry as the little boy watch his parents leave the house.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Where stories live. Discover now