Chapter 10

1.5K 52 7
                                    

**********

“HOY, AKI. Tulala ka jan? Okay ka lang ba?” kanina pa pala ako kinakausap ni Karla pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

Andami ko kasing iniisip, dumagdag pa iyong Kaito na iyon.

Pag nakikita ko siya para akong nananalamin. Magkamukha nga kami, mas malaki lang talaga katawan niya kaysa sa’kin. Parehas pa kaming maputi.

Sa ngayon, nandito pala kami sa soccer field naka-upo sa damuhan sa may gilid. May puno naman na nagsisilbing bubong namin.

Hindi na kami pumunta sa may kubo tambayan talaga namin medyo malayo kasi iyon dito sa pwesto namin tsaka 'di naman masyadong mainit.

Si Karla at Drake ang kasama ko pero si Ian, ayun nagpa-practice. Buti na lang at hindi siya umiitim sa paglalaro ng soccer. Maputi rin kasi siya kaya namumula lang ang balat niya at hindi umiitim.

Bakante naman namin ngayon dahil practice ng mga athlete. May magaganap kasing Regional Sportsfest sa susunod na  buwan kaya nagsisimula na silang magpractice ngayon.

Si Drake, basketball player din iyan pero wala silang pagpa-praktisan, nirerenovate kasi iyong gym diba?

“Ano nga ulit iyong sinasabi mo?” tanong ko kay Karla. Kami lang naman nag-uusap, si Drake nakahiga lang sa tabi ko at nakaunan sa bandang hita ko. Nakapikit at may nakasalpak na earphones sa tenga niya.

Medyo nagulat nga ako nung una nang bigla niya na lang sanabing gusto niyang humiga at gawing unan ang hita ko eh. Haplus-haplusin ko pa daw buhok niya para mas madali siyang makatulog na ginawa ko naman.

Pumayag na lang ako kasi andami ko talagang iniisip kanina pa.

Nagiging clingy lang naman siya sa’kin ‘pag wala si Ian sa tabi ko eh. ‘Di ko alam kung bakit. Siguro dahil maganda ako.

“Tinatanong kita kung, wala ka bang nararamdamang lukso ng dugo dun sa bago nating kaklase?” tanong ni Karla. Hindi siya nakatingin sa’kin, may binabasa kasi siyang libro.

Malamang si Kaito tinutukoy niya, siya lang naman bago naming kaklase eh.

Napaisip naman ako sa tanong niya at pinakiramdaman ang sarili ko.

“Wala naman. Siguro magka-mukha lang kami. Tsaka, ikaw? Diba close kayo ni Nanay Melba? Wala ba siyang binabanggit sa’yo na may kapatid ako?”

Napatingin naman siya sa’kin. “Wala naman. Bukod sa sinabi niyang kamukha mo daw nanay mo, wala na.”

“Kung sakali mang kapatid ko nga siya, ibig-sabihin nun. Kapatid ko siya sa ama kasi diba? Ako lang daw anak nung mudra ko. Tsaka hindi naman sila magkamukha o kahit magka-hawig man lang sina mudra at Kaito.”

Tatango-tango na lang si Karla at hindi na nagsalita pa. Si Drake, tulog pa rin.

Tinitigan ko siya sa mukha. Ang gwapo niya, kinis pa ng mukha, pointed din ang ilong at sakto lang ang kapal ng labi at kilay niya.

Pero para sakin, mas gwapo pa rin talaga si Ian. Kumbaga pumangalawa lang talaga sila nina Drake at Kuya Simon kay Ian.

“You can kiss me if you want.”

Nagulat na lang ako ng bigla siyang nagsalita kahit nakapikit pa. Napaayos naman ako ng upo ko at medyo inilayo ang mukha ko.

Buti na lang busy si Karla sa pagbabasa.

“Kapal mo.” Sabi ko at pinalo ng bery-bery light ang noo niya.

Napangiwi naman siya at unti-unting dinilat ang mga mata niya. Napatingin ako sa mga iyon. Kulay brown parehas sila ni Kuya Rolan.

F*ck Me Now, Die Later [BxB]Where stories live. Discover now