001

26 4 4
                                    

LUNA'S POV

"LUUUUUUUUNNNNAAAAAAA!!!" isang malakas na sigaw ang naka pag pagising saakin.

"Bakit po, Mom!?" sigaw ko sakanya pabalik at agad na tumayo sa aking hinihigaan.

"Bumangon kana at maligo! Ngayon ang kasal ng tita Sally mo!" sagot ni mom na ikinagulat ko.

"NGAYON 'YON!?" gulat na tanong ko kay mom habang pababa ng hagdan.

"Opo ma'am. Kaya po mag ayos kana po kasi aalis na tayo maya maya" sabi nya.

"Hehe, sige po mommy."

Pagkatapos ko maligo ay agad akong nag ayos at nag make up. makalipas ang isang oras ay umalis na kami at pumunta sa beach kung saan gaganapin ang kasal ni tita.

Hindi rin nag tagal at sinumulan na nila ang kasal. Naglakad na kaming lahat sa aisle at natuwa kaming lahat sa pagiging sweet ni tita at tito.

Kinabukasan, umuwi na kami ni Kuya at nag paiwan naman si mom para asikasuhin ang mga bills na nagastos namin. Laking gulat namin na may bago kaming kapitbahay.

Sakto namang pag labas ko ay lumabas rin ang isang magandang babae na nag kakaedad ng 19-23 years old sa bahay nila.

"Hi! Taga dyan ka?" tanong neto saakin.

"Opo. Kayo po pala 'ung sinasabi nilang bago. hehe" pag aapproach ko sakanya.

"Ay oo e, sana maka close kita." sabi nya sakin at ngumiti ng matamis. "Pwede mo ba 'kong samahan sa mall?" tanong nya sakin.

"Ay sige po, dun rin naman kasi ang punta ko." sagot ko sakanya at agad na linapitan s'ya para sabay kaming lumabas ng compound.

MALL

habang nag lalakad lakad kami ay naging malapit ang loob ko sakanya. Siguro ay papasa s'yang ate ko. HAHAHAH mabait sya. palabiro rin tska matalino. galante rin sya.

"oh, luna. 4:30 na pala, halika na sabay kana ulit sakin." sambit nya saakin. Hindi naman ako tumanggi at sumabay na 'ko sakanya pauwi. Nang nasa kotse na kami ay tumawag naman sa'kin si Kuya.

"Hello? Kuya?"

[nasan ka nanaman ba? ha? diba sabi ko wag ka gagal--]

"Kuya, kasama ko lang naman ung bago nating kapitbahay e!"

[ano ka dyan? umuwi kana at mag gagabi na!]

"opo ser--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng inend ni kuya ang call.

"Kuya mo?" Tanong ni Ate Keiva saakin.

"Opo." sagot ko. Tumango naman sya bilang pag sang ayon. Niyaya ko muna sya sa bahay bilang pa welcome na rin dito sa compound. Hindi naman sya tumanggi at agad kaming pumasok sa loob.

"Ate, hanggang kelan po kayo dyan?" tanong ko sakanya habang nag hahamda ng Pie at Juice.

"D'yan na talaga kami, depende nalang pag pinalipat pa kami ng parents namin." sagot naman nya.

Laking gulat ko ng bumaba si kuya at tinitigan si ate Keiva ng matagal at..

"Keiva!?"

"Jared!?"

"Magkakilala kayo?" gulat na tanong ko.

"kababata ko yan!" sambit ni kuya at agad na lumapit kay ate para yakapin sya. "kamusta?" tanong ni kuya.

"okay naman!" sagot nya at kumalas sa pag kakayakap nila ni kuya. "kayo pala kapit bahay namin? HAHAHAH grabe, di ko ineexpect"

"Oo nga e. Tagal na nating 'di nagkita 'no? almost 10 years rin." sabi ni kuya.

lumabas ako ng bahay dahil pakiramdam ko ay hangin nalang ako don. pumunta ako sa may bench sa tapat ng bahay at dun umupo.

Habang nag cecellphone ako ay laking gulat ko ng tumabi sakin ang lalaking may kausap sa phone.

napatingin ako sakanya dahil sobrang gwapo nya. makinis na mukha, matangkad, maputi, matangos ang ilong at chinito.

May hawak syang sketch pad at lapis. Laking gulat ko ng humarap sya sakin at nag drawing sa kanyang sketch pad.

Pakiramdam ko ay namumula na 'ko. Nag ayos ako ngumiti habang naka labas ang aking dimples na kunwareng may kachat sa phone.

Maya maya ay umayos ng upo ang lalaking katabi ko at iniangat ang kanyang drawing. Nakita ko kung pano nya babuyin ang mukha ko d'on.

humarap sya sakin at ngumiti. inirapan ko naman sya agad.

"sayang, ganda sana kaso masungit lang" bulong nya at kumamot sa kanyang ulo. akala nya yata ay hindi ko sya narinig. akmang aalis na sya pero nag salita ako.

"Hoy kuyang pogi!" sigaw ko sakanya "Bakit mo binaboy mukha ko dyan?" tanong ko.

tumingin sya sakin at tinignan ako sa mga mata. para naman akong nakuryente nung nagkatinginan kaming dalawa.

"okay lang yan miss, kamukha mo naman e" sambit nya at tumawa ng mahina.

"ano---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lumabas si ate kevia sa bahay.

"Kaspher? Luna? Magkakilala kayo?" kaspher? sino yon? eto? yung pogi?

"Hindi, nakita ko lang yan dyan" sagot naman nito.

"Aba! Hindi pa 'ko tapos sayo letche ka!" inis na sabi ko sakanya. Hindi na nya 'ko pinansin at agad na pumasok sa bahay nila ate Kevia.

"Hais.." pagputol ni ate kevia. ".. loko talaga yang kapatid ko. pag pasensyahan mo na" sabi ni ate.

"KAPATID MO YON ATE!?" tanong ko. "Oo, may problema ba?" tanong naman nya.

''Hindi po halata" sabi ko at sabay kamjng natawa. "Baliw ka rin e. HAHA oh, sige na. bukas ulit ha? byebye!!" sabi ni ate na parang bata at tumakbo papunta sa bahay nila.

Nag wave ako kay ate at pumasok rin sa loob.

"Kaspher.." bamggit ko sa pangalan ng kapatid ni ate na nakapag patayo ng akong balahibo.

"..sounds famillar"

If Today is Your LastWhere stories live. Discover now