002

13 2 0
                                    

KINABUKASAN..

LUNA'S POV

Maaga akong gumising ngayon dahil mag eenrol ako at bibili ng requirments sa school.

Agad akong naligo at nag ayos. Sinuot ko ang paborito kong white t-shirt at short, pati narin ang white rubber shoes ko.

Paglabas ko ay nakarinig naman ako ng mga tawanan galing sa sala. Nang tignan ko kung sino 'yon ay nakita kong nag tatawanan si Kuya Levi at Ate Kevia.

"Oh yes! HAHAHAHA! I remember that!" sabi ni ate kevia.

"Sabi ko na e! HAHAHA!" sabi ni kuya.

"Ate, Kuya. Alis lang po 'ko saglit." singit ko sakanila.

"Ha? bakit? saan ka pupunta?" Tanong ni kuya saakin.

"Mag eenrol alangan!" sabi ko at umirap

"Nge? ako din enrol mo na ha! Hehe bilin mo na ren mga gamit k---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni kuya at inilahad ko ang kamay ko para hingin ang susi ng motor.

"ano??? mag commute ka nala---"

"Ihh ayaw.." pag putol ka sa sinabi ni kuya at nagpout "..please?" wala naman s'yang nagawa kundi ang mag buntong hininga at kunin ang susi sa kanyang bulsa.

"oh ayan! pa semplang ka ulit ha? mag palit ka ng short don---" hindi ko na sya pinatapos at agad na lumabas ng bahay.

gan'on kaming magkapatid HAHAHA. alam ko namang sesermonan nya lang ako dahil naka maiksing short ako. baka abutin pa 'ko ng siyam siyam pag pinatapos ko sya.

pag labas ko naman ay napatingin ako sa bench kung saan nakaupo kami ng kapatid ni ate kev kahapon.

Ano nga ulit pangalan n'on?? Kaspher?? psh. Ang gwapo ng pangalan pero ang pangit ng ugali hmp.

Hindi nag tagal ay nakadating na 'ko sa school kung saan kami nag aaral ni kuya sinula elementary.

Del Venuice University..

Dito na 'ko nag aral elem palang. Kaya kilala na rin ako ng karamihan dito. Member ako ng Dance Troupe at isa rin ako sa panlaban ng school sa mga pageant.

Si kuya naman, basketball at Dance Troupe rin ang club nya dito. Sikat ren sila ng mga kaibigan nya.

Naghanap ako ng mapaparkingan ko. Nang makahanao ako ay tinanggal ko ang helmet ko. Madaming students ang nakapila. Tanaw mula dito.

"Ang daming bago.." nagulat ako ng may maymagsalita mula sa likod ko. Pag lingon ko ay mas ikinagulat ko kung sino ang nakita ko.

s-si jared.. crush ko sya dati pa man. isa sya sa mga kaibigan ng kuya ko. s'ya ang pinaka matalino sakanila. member rin ng dance troupe at pinaka malakas ang appeal sa mga girls.

"Sorry!" sabi nya at humawak sa kanyang batok habang nakangiti at nakatingin sa baba. Mabait si Jared. humble sya at hindi sya bastos. Gentleman den. Hindi sya kagaya ng iba na basagulero. Minsan ay isip bata rin sya.

"O-okay lang.." kinikilig na sabi ko sakanya. Agad naman syang ngumiti ng malaki at tinanong ako.

"Si kuya mo, 'asan?"

"nasa bahay pa e. kasama si ate kevia." sambit ko.

"SI KEV!?" gulat na tanong nya. "Panong nangyari 'yon!?"

Hindi ko na napigilan at napatawa ako ng mahina. "Lumipat na po sila sa tabing bahay namin. Hindi ko nga po sya nakilala nung una."

"Talaga??" tanong nya sakin. "Pwede kami pumunta sainyo mamaya?" sabik na sabi nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If Today is Your LastWhere stories live. Discover now