CHAPTER 12

8.2K 180 9
                                    

Pag dating ko sa bahay ay tanaw ko si nica kasama ang isang matandang lalaki .

Out of my curiousity ay nag salita ako .

" Nica ! Kamusta na miss kita subra ".
Sabay yakap ko sa bestfriend ko .

" Namiss din kita bess ! 1year kang nawala ah at may kasama kapang baby asan tatay niyan ".
Tuloy tuloy nitong sabi .

" mahabang kwento bess ' sya nga pala sinu yang kasama mo ".

Biglang lumapit ang matanda sa akin at titig na titig kay mira .

" maaari ko bang hawakan ang apo ko " .wika ng matanda

Napa atras ako sa sinabi nito .

' anu po ang ibig niyong sabihin ".
Tanong ko .

Bago pa mag explain ang matanda ay inimbitahan ko muna siya sa bahay .

Maalikabok ang bahay dahil sa isang taong walang tumitira .

Inayos ko ang sala upang makapag usap kami .

' pasensiya kana apo kong ngayon lang kita nahanap ."
Explain ng matanda sa akin .

Tahimik lang ako dahil hindi pa din ng sisink in sa utak ko ang mga nang yayari .

Halos 20 years akong walang nakikilalang pamilya bukod kay tyang tapos biglang dadating siya .

" Hindi na po ako mag papaligoy pa sir , pero hindi ko po kayo kilala at wala pong sinabi si tyang sa akin na may pamilya pa ako ".
Diretsahan kong sabi sa kanya

" im sorry apo ' sanggol ka palang nang ilayo ka saamin ng nanay mo . Hindi ko alam na may anak pala sila ni carlos ." Panlulumo niya habang ako naman ay tahimik padin .

" may relasyon si celia at si carlos pero si carlos ay may asawa . Sa kadahilanang hindi sila makabuo ay nabaling ang atensyon ni carlos kay celia ang dati naming katulong ." Patuloy nito .

"Mabait si celia tinuring ko na din na tunay na anak . Hindi ko inaakala na may namamagitan napapala sa kanila ni carlos . Hanggang sa nahuli sila sa akto ni maria ang asawa ni carlos . Galit na galit ito at pinalayas si celia na nag dadalang tao na pala at ikaw iyon apo . Lahat kami kinasuklaman namin ang iyong ina dahil sa ginawa niya , hindi mo naman kami masisisi apo ". Patuloy niya habang ako naman ay tumutulo na pala ang luha .
Hinawakan niya ang aking kamay .

" hindi ko akalain na mahal na mahal pala ni carlos si celia . Halos nag lalasing ito at umabot sa punto na nakipag hiwalay siya kay maria at hanapin si celia . Nung una hindi pumayag si maria sa desisyun ni carlos pero wala siyang magawa binigyan ng pera ni carlos si maria upang mag bagong buhay pero hindi nito tinanggap ' binalaan niya si carlos na mag hihiganti siya and until now wala kaming balita kay maria .
".

" buhay pa ba ang tatay ko ?". Tanung ko sa kanya at napatango siya .

At tuluyan ng bumuhus ang luha ko .
All this time akala ko wala na akong pamilya . 20 years akong nag hirap na hindi ko akalain ay mayayaman ang pamilya Sana wala ako sa posisyon kong ito sana hindi ako nasasaktan ngayon .

" nasaan si papa ". Tangi kong sambit .

" isasama kita sa kanya apo . ".

" si mama ? ."

" sa kasamaang palad ng ipinanganak ka niya ay hindi rin kinaya ng nanay mo she has also a leukemia like your auntie .

Napa tulala ako .

Ang ibig sabihin alam ni tyang kong sinu ang nanay ko .

" ibig pong sabihin si tyang at mama ay mag kapatid ".

BABY MAKER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon