CHAPTER 26

7.4K 152 16
                                    


Author's Note :

Pasensya na sa pag hihintay hihi
Na adik lang ako sa kakabasa ng He's into Her 😊
Shout out to maxinejiji super ganda nang Story nang HAMBOG na si taguro at Bading na si Sensui.
Hindi ako pinatulog.
Idol ko po talaga kayo 😍😍😍
Try nyo basahin Guys! Heheh

Chloe Pov :

" Nasa ayos naba ang lahat? ".
Tanung ko sa mga tauhan ko.

"Yes ma'am.  Nakahanda na ang iba para sa pag kidnap ".

"Mabuti kong ganun ".

Pag katapos naming mag usap ay saka ako lumabas ng sasakyan.

Maingat din ako sa aking mga galaw dahil pinag hahanap na ako nang pamilya Fuentabella.

Pumasok ako sa apartment na kakabili ko lang dahil hindi na ako ligtas sa dati . I choose the apartment that near to the Village so i can get monitor them .

Hinanda ko na rin ang mga baril,
Baril na siyang tatapos sa buhay mo Lyka.

Lyka Pov .

Hindi padin ako makapaniwala na kompleto na kami, ang sarap sa feelings.

Habang pinag mamasdan ko ang mukha ni Sam ay siyang pag tunog ng cellphone ko.

" Yes?  "

" Hawak ko na ang sagot sa mga tanong mo Ms.  Guzman ".

"That's Good.  Lets meet at the Sweet Cafe.  I'll be there in 5 minutes "

Saka ko binaba ang cellphone ko at inayos ko ang sarili  saka lumabas..

Habang papasok ako sa Cafe ay parang may nararamdaman akong nakamasid
Nilingon ko sa kaliwa at kanan pero wala naman.

Hallucinating.

Pumasok ako sa Cafe at tanaw ko ang pakay ko .

Inabot nya sa akin ang folder at
Hindi ko alam Pero kinakabahan ako.
Nang buksan  ko ang folder ay parang binuhasan ako ng malamig na yelo.

No! Thats impossible.

" Sigurado ka ba dito? Ang mahal nang binayad ko sayo , kaya umayos ka".

Panggaralgal ko.

"Yes ma'am. 100% sure. Chloe is your Half sister sa side nang Daddy mo.  Anak siya ng dati niyang asawa at inapon siya nang mayaman na si Leo Samonte. Wala silang anak ni Maria pero may anak si Leo sa dating Nobya na si Bellen na may ibang asawa.  Si Eric Fuentabella.  Alam iyon ni Don Tulfo.  Naging Mag bestfriend sila at alam nila ang lahat lahat sa kanila.  Nalaman ng asawa ni Bellen na Hindi niya pala ito anak kaya ipinag tabuyan niya ito.  Halos isumpa ng Asawa niya ang bata.  Binigay ni Bellen ang bata kay Leo, Pero si Leo ay hindi pa handang maging Tatay kaya't Lumapit siya kay Don Tulfo.  Sympre tuwang tuwa si Don tulfo at itunuring na anak si Eric.  Makalipas ang ilang taon ay Nabuntis din si Gloria.  Lalong natuwa ang mag asawa at mag kakaroon din sila nang panibagong anak. " .
Pag explain nito.

"Pero ano ang pumasok kay Chloe at ginagantihan nito ang mga Fuentabella ".

Dugtung ko.

"Dahil sa pag aakala ni Chloe si Don Tulfo ang dahilan nang Pagkamatay nang Ama amain niya. Nag traydor si Leo kay Don tulfo.  Binigay niya ang mga files sa kalaban at tinulungan niya ang mga kalaban na pabagsakin ito ".

"P-pero paano? Paano na gawa ni Leo yon ".

"Dahil gustong bawiin ni Leo si Eric. Pero hindi pumayag si Don Tulfo.  Kahit alam na ni Eric na hindi siya tunay na anak ay hindi rin siya nag tanong kong sino ang Ama niya.  Pilit ni Leo na lapitan ang Anak pero hinaharangan siya ni Don Tulfo.  Kaya bumaliktad  si Leo.  Dahil sa Galit ni Don tulfo ay ginawa niya ang lahat at mapabagsak niya ang mga ito.  Dahil dito na depress si Leo kaya ang ginawa niya  uminom siya nang gamot at ipalabas sa autopsy ay inataki sa puso si Leo. " .

BABY MAKER ( Completed )Where stories live. Discover now