Chapter 23

1.2K 57 0
                                    

LUNA'S POV

"Nathan!" tili ng babaeng nasa harapan namin at bigla naman niyang niyakap si Nathan.

Feeling ko makakapatay ako ng babaeng stick ngayong araw pramis. Ayaw mo kumalas? Putulin ko kaya ulo mo?!

"E-erika? It's nice to s-see you again" sabi naman ni Nathan pero hindi niya niyakap pabalik si Erika daw.

Buti nga hindi niya niyakap pabalik kong gusto niya magtagal kami!

Oo! Aaminin ko! Nagseselos ako! May karapatan naman ako dahil girlfriend niya naman ako! Ahmp!

"Nathan? Are you still single? If you are pakasal na tayo?!" malanding sabi ng babae kaya naman nagiba ang mukha ko!

Jusko! May hiya pa talaga yang babaeng yan?! Hoy! Nasa gilid mo lang jowa niyan ulol! Taina mo patayin kita diyan eh! Nakakainis ka na ah!

"Actually, Erika. I'm not single anymore, nasa gilid mo lang ang girlfriend ko" sabi ni Nathan at tumingin naman ang Erika saakin at nag-wave naman ako sakaniya.

"Oh?" nandidiri siyang tumingin saakin at umirap at binalik ang paningin niya kay Nathan.

Umirap din ako. Kala mo naman kagandahan! Tse!

Oo.. Maganda siya.. Pano kong maagaw niya si Natnat saakin? Hindi naman ako kasing puti at kasing yaman ng babae na 'yan, ang lamang ko lang naman sakaniya ay ang height pero hindi ang ganda.

"Wa'g kang mag-alala Nathan! Sisiguraduhin kong maganda ang visit mo dito at sisiguraduhin ko din na magkatabi tayo matulog" malandi nanaman na sabi ni Erika at susugurin ko na sana siya buti nalang at pinigilan ako ni Dave.

"Chill girl.. Chill" sabi ni Dave kaya naman nag Chill ako.

"Erika! Stop it! Mahiya ka naman! Nasa gilid mo lang ang girlfriend niya oh?!" sigaw naman ni Brandon sa kapatid niya at umirap naman ang kapatid niya.

Sarap bunotan ng mata eh!

"Shesh! Kuya naman! Ok fine! Ibibigay ko na ang room keys niyo" sabi ni Erika.

Binigyan niya nga kami isa isa ng susi at nakita ko namang kumunot ang noo ni Natnat.

"Laynes is going to sleep in my bed" sabi ni Nathan at kinuha ang susi ko saka binigay kay Erika "i know your up to something, Erika." sabi ni Nathan saka ako kinaladkad sa kwarto namin.

"Ang harsh mo naman sa Erika na'yun" sabi ko sakaniya at tumingin naman siya saakin. Nagpapaganda kasi siya, nakaharap sa salamin ang bakla.

"You know i don't like her. Baka lunorin ka ng unan non or worse?! Gapangin ako!" maarte naman na sabi niya kaya tinapunan ko naman siya ng unan.

"Hindi siya higad gago!" sigaw ko sakaniya at tumawa lang siya.

"My darling, naninigurado lang. Baka nga mamaya paggising ko wala ka na sa tabi ko at malalaman ko nalang na nasa pool ka na at wala ng buhay" sabi niya at tinapunan ko ulit siya ng unan.

"Titigil ka o ikaw papatayin ko?" pagbabanta ko sakaniya.

"Ito na.. Titigil na... Matulog nalang tayo. Dahil marami pa tayong gagawing kababalaghan bukas" sabi niya at iba naman ang pumasok sa isip ko!

"Gago!" sigaw ko sakaniya.

"Huh? Bakit nanaman?!" takang tanong niya.

"Eh iba yung pumasok sa isip ko nong sinabi mong kababalaghan eh" sabi ko sakaniya at namula naman ako.

"Yakz! Bakla! Nakakadiri ka!" maarte niyang sabi kaya sinampal ko siya "aray!"

"Ayaw mo tumigil?"

"Titigil na nga! High blood mo kasi! Oh siya! Matulog na tayo dahil marami pa tayong gagawin bukas" sabi niya.

Unti unti naman akong pumingit hanggang sa makatulog na talaga ako...







"Rise and shine sweety pie!!" sigaw ng isang buto--ay este si Nathan pala.

"Hmmmm" sabi ko at kinusot ang mata ko saka umupo sa kama.

"Dalian mo na! Nakaligo na ako!" sabi niya na ikinagulat ko!

"Ha?!" sigaw ko at tiningnan siya pero nasa pajama pa rin siya "sabi mo nakaligo ka na?"

"Syempre mamaya dahil marami namang tubig sa labas. Malamig din dahil masyado pang maaga" sabi niya.

"Eh ba't mo'ko ginising?!" sigaw ko sakaniya.

"Wala lang, trip ko lang" sabi niya kaya sinugod ko naman siya.

"Ah ganon? Trip mo lang ha?" sabi ko sabay kiliti sakaniya at tawa naman siya ng tawa.

"HAHAHAHAHAHA! TAMA NA PLEASEEE!! HAHAHAHAHAHA NAKAKAKILITI!! WAHHHHHH HAHAHAHAHA TAMA NA LAYNE!! SUSUKAHAN KITA PAG DI KA HAHAHAHAHHA TUMIGIL!! TAINAAAAAA HAHAHAHAHA TUMIGIL KA NAAAAAA!!" Tawa niya, at napatigil naman ako ng biglang pumasok si Erika ng hindi kumakatok.

"I just wanna say it's already 6:54 a.m" sabi ni Erika at tinaasan ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya ng kilay.

"Oh tapos? Share mo lang?" sabi ko sakaniya at tumayo na, tumayo na din si Nathan.

"Ah duh! Gagala pa tayo" sabi niya saka nameywang.

"Ah duh! Ikaw pa nga yung nag bigay ng schedule namin! Ang unang gagawin namin ngayong araw ay mag swimming! At dahil mamayang pang 8:30 kayo magbubukas, edi 8:30 din kami magswi-swimming!" sabi ko naman sakaniya at nameywang din.

Nakita ko naman sa mukha niya na nainsulto siya. Masiyado kasing sensitive, ayan kasi! Lumaki sa yaman! Brat at spoild! Tse! Masama na kong masama!

"NATHAN! Narinig mo ba yun?! Pinahiya niya ako! I'm so embarrassed!" pag-aarte niya.

"Ba't ka naman mahihiya? At asan ka naman mahihiya? Sa pader? Jusko! Tatlo lang tayo oh!" sabi ko sakaniya at namula naman ang mukha niya dahil sa inis!

"I'm not talking to you b*tch!" sigaw niya saakin.

"Hindi ako dagat! Tao ako! Taooooo!!" sigaw ko din sakaniya.

"Tama na Layne! At ikaw naman Erika! Ang aga aga nambubulabog ka? Ano ba kailangan mo?!" sigaw ni! Nathan kay Erika na ugly.

"Gusto ko lang naman maglambing sayo.. Kaso lang! This dog over here is taking you away from me!" sigaw naman ni Erika.

"Nyenyenyenye" sabi ko sabay irap.

"Layne! Stop! Wala tayong relasyon Erika at kahit kailan ay hindi kita papatulan! So stop being childish! At pumunta ka na sa kuya mo!" sigaw naman ni Nathan kay Erika na Ugly.

"Ugh!" at umalis na din ang bruha, tumingin naman si Nathan saakin.

"Ang harsh mo sakaniya" sabi ni Nathan at humiga sa kama.

"Sino ba saating dalawa ang sinagawan siya huh?!?" sabi ko sakaniya at tumabi sakaniya.

"Tayong dalawa" sagot naman niya.

"Oh edi tayong dalawa ang harsh" sabi ko at umirap.

"Bunutin ko mata mo eh"


Ang Boyfriend Kong Bakla (Complete) Where stories live. Discover now