Kabanata 5

242 13 5
                                    

Lorelei's POV

Ngayong araw ang alis ni kuya Dale. Kaming dalawa ni Theo ang maghahatid sa kanya sa airport dahil iyon ang gusto niya. Hindi pa kami ulit nag-usap ng tungkol kay Harold. Ang sinabi lang niya sakin ay pag-isipan kong mabuti bago gumawa ng desisyon. Nang tanungin ko naman si Harold tungkol sa pag-uusap nila ng kuya ay ayos naman daw ang kinalabasan. Nagkibit-balikat ako sa naiisip at inayos ang buhok kong nakabagsak. Ipinuyod ko iyon ng mataas bago nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.

Naabutan ko si Theo na papasok ng sala namin habang may bitbit na isang malaking bag. Hindi ko sana siya papansin nang lumabas si kuya at nakita kaming dalawa.

"Lei, ihatid mo si Theo sa magiging kwarto niya rito. Doon sa tapat ng kwarto mo."

Nilingon ko si Theo na seryoso lamang nakatingin sakin. Binalingan ko si Kuya at tinanguan bago umuna ng lumakad paakyat muli sa ikalawang palapag ng bahay namin kung saan naroon ang kwarto ko at magiging kwarto ni Theo.

Binuksan ko ang pinto at ilaw nang makapasok ako sa kwartong matagal ng abandonado. Kwarto ito ng mga magulang namin na parehas namayapa na.

"Dito ang kwarto mo," sabi ko. "Ikaw nalang ang maglinis pagbalik natin. Alikabok lang naman ang lilinisin mo rito."

Pumasok siya at inilapag ang bag niyang hawak sa sahig bago inilinga ang mga mata sa kabuuan ng kwarto.

"Salamat." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tinitigan ko ang malapad niyang balikat na nakaharap sakin.

"Sige, bababa na ako. Sumunod ka nalang." Tinalikuran ko siya at mabilis na lumabas ng kwarto.

Bumaba ako sa sala namin at nandoon na si Kuya Dale na naghihintay. Sa gilid niya ay ang isang malaking maleta na dadalhin niya.

"Si Theo?" Tanong niya.

Sasagot pa sana ako nang maramdaman ko na sa likod ko si Theo. Sumunod na rin pala siya.

"Ayan na pala, tara na. Baka ma-late ako sa flight ko."

Halos tatlong oras ang naging biyahe namin. Pagkarating namin sa airport ay nagmamadali na kami sa pagkilos dahil ilang minuto nalang ay aalis na ang eroplano na sasakyan ni Kuya. Hindi siya pwedeng ma-late.

"Dito na lamang Lorelei, Theo. Salamat sa paghatid," wika niya habang nakatingin sa aming dalawa. "Lorelei, malaki kana. Alam mo na ang tama sa mali. Makikinig ka lagi kay Theo, siya ang makakasama mo sa bahay habang wala ako," muntik na umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. "At ang tungkol kay Harold.. hindi ko siya gusto para sayo," napalunok ako at nakaramdam ng lungkot. Marahan lang akong tumango sa kaniya bago siya niyakap ng mahigpit.

Ito ang unang beses na magkakahiwalay kaming magkapatid simula nang mawala ang mga magulang namin. Ngunit sa kabila ng lahat ay kasiyahan ang nais ko para kay Kuya. Ang magawa niya ang gusto niyang gawin. Dahil mula nang mawala sila Mama at Papa ay binuhos niya ang oras niya sa pagtatrabaho para lang maibigay sakin ang mga kailangan ko, lalo na ang mapagtapos ako sa pag-aaral ko. Oras naman para isipin niya ang sarili niya.

Nagtapikan sila ni Theo sa balikat na parang nagkakaintindihan. Gamit ang panyo ay tinuyo ko ang mga luha sa mukha ko habang tinatanaw si Kuya na papalayo sa amin.

Huminga ako ng malalim at humarap kay Theo.

"Tara na." Yakag ko sa kaniya.

BARUMBADOWhere stories live. Discover now