It's been days. Ni ha ni ho wala akong narinig mula sa kanya. Patuloy pa rin ang dating ng pera sa 'kin. Everything was all taken care of financially pero hindi siya nagpapakita. Ni hindi siya tumatawag. Not that I miss him or anything. Hindi lang ako sanay.
I don't want to try and call him naman kasi baka isipin nyang nagsisisi ako sa mga sinabi ko. On the contrary, no. Okay ako sa naging desisyon ko.
"CROSSING! CROSSING! GUADALUPE TULAY O! MALUWAG PA! MALUWAG!"
Inantay kong tumapat yung pintuan ng bus sa 'kin saka ako nakipagsiksikan pag-akyat. Naka-pencil skirt pa man din ako. Ang hirap tuloy gumalaw. At ang mga magagaling na lalaki, nakikipag-unahan pa!
"NAKAKAINTINDI BA KAYO NG CONCEPT NG LADIES FIRST?!" iritado kong tanong. Yung mga tinalaban, tumabi naman. I boarded the bus and luckily found an empty seat sa bandang unahan.
Umandar na ang bus. Ang baho. Amoy natuyong pawis.
On the next stop, nagbaba ng mga pasahero. Marami-rami rin ang nakaupo.
Then on to the next, sakayan naman.
Andami pa ring sumakay. Siksikan na naman. There's this old lady who boarded the bus at sa tapat ng upo ko tumayo. Sa bandang unahan ko, may lalaking nakaupo. Yung katabi ko, lalaki rin. Yung sa tapat na upuan, tatlong lalaki.
I waited for any of them to give the poor woman their seat. Like hello, she must be in her 60s already. Damn! Extinct na ba ang lahi ng gentlemen ngayon sa mundo?
I stood up. "Dito na po kayo." I offered my seat to the lady. I was rewarded with her warm smile and gentle thank you. Na-miss ko tuloy bigla si nanay.
Masakit tumayo on a three-inch stilletos. Idagdag pa yung mabigat kong bag at yung pencil skirt ko na sobrang tight, hindi ako makabukaka nang maayos para ma-balance ang tayo ko.
"Miss, dito ka na, o."
I turned to see that guy sa bandang unahan na kanina ko pa inaantay tumayo para paupuin yung matanda. Now he was semi-standing, offering me his seat. He even has the nerve to smile. Akala yata pogi points yung ginagawa niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "So, gano'n na pala ngayon? Kapag kasing-ganda ko ang nakatayo, you'd be willing to give me your seat pero kapag matanda na mas nangangailangan, itsapwera? Ayos ka rin, a!"
Natameme si kuya. May ilang pasaherong napatingin. I saw some girls nod. Akala niya kasi nakakagwapo yung ganun. Namimili ng tutulungan? Nakakapang-galaiti lang.
"BUENDIA! YUN PONG MGA BUENDIA DYAN, SA UNAHAN NA TAYO O!"
Bababa na nga ako. Nakakaasar lang. Mag-aabang na lang ako ng taxi sa Kalayaan. O MRT? Basta. Tss. As I was about to step down the bus, hinarang ako ng kundoktor.
"Miss bayad mo? Aba... dinadaan talaga sa ganda? Di porket maganda ka, libre ka na. Tsk tsk."
"Ang kapal mo naman para sabihan akong nagpapalibre. Gusto mong bilhin ko 'tong bus line nyo, e." Dumukot ako ng isang libo. "O ayan. Keep the change." I flipped my hair. Nilakasan ko para tamaan siya sa mukha saka ako tuluyang bumaba ng bus.
The nerve! Tawagin ba naman akong nagpapalibre? Bilhin ko yung bus nila, e.
Saktong nag-aantay ako sa bus stop nang biglang mag-ring yung phone ko. I fished it out of my expensive bag and saw Enzo calling. I was a little disappointed but I quickly brushed it off. It's not like I was expecting someone else's call!
"Hello?"
"Nakauwi ka na ate?"
"No. Nandito pa ako sa—HEY!" The next thing I knew, wala na akong hawak na phone. "HOY MAGNANAKA—AH! YUNG BAG KO!" Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat, naramdaman ko nang lumululos 'yong strap ng bag ko. I was able to grip the handle, though.
BINABASA MO ANG
The Filthy, Rich Bitch
General FictionMeg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets from the past prove all her beliefs wrong, will Meg finally listen to what her heart truly says or will...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte