Chapter 15

109 6 0
                                    

CHAPTER 15

BRIDGETTE POV

"Pasok po muna kayo dito sa loob, pasensya na po kasi maliit lang itong apartment." Sabi ko

"Ayos lang 'yon iha." Sagot ni Miss Belinda na laging nililingon ang anak niya.

"Parating na po sila Tita Betty, maya maya lang ay nandito na 'yon." Sabi ko pa at pinuntahan si Brylle sa kusina.

"Love, sorry. Hindi ko alam ang sasabihin ko eh kaya tinawag kita." Sabi ni Brylle at pinatay na ang apoy.

"Ako ka ba, ayos lang yun. Kahit naman ako, kung ako ang nasa sitwasyon mo eh hindi ko din alam ang gagawin ko." Sagot ko

"Tulay! Tulay, nandito na kami. Sino ang sinasabi mong bisita?" Tanong agad ni Tita Betty kahit hindi pa siya nakakapasok ng bahay, sinabi ko kasi na may naghahanap sa kanila pero hindi ko sinabi kung sino.

"Nasa loob po Tita." Sagot ko

"Love, pasok lang ako sa kwarto, magbibihis lang ako." Paalam ni Brylle, pumasok si Tita Betty at Tito Ben.

"Ate Betty, Kuya Ben." Sabi ni Miss Belinda, nagkatinginan ang mag asawa.

''Belinda? Ikaw nga." Niyakap kaagad ni Tita Betty ang bisita.

"Mabuti at nadalaw ka dito sa amin, kanina ka pa ba? Pasensya na kung naghintay ka." Sabi pa ni Tita at naupo na sa sofa.

"Tito, gusto niyo po ba ng kape?" Tanong ko

"Matatanggihan ba kita?" Natatawang sabi ni Tito. "Yung dating timpla ha."

Tumango ako.

"Tita, kayo po?"

"Ipagtimpla mo na lang ako ng tsa-a, ikaw Belinda?"

"Binigyan niya na ako kanina ng juice ate, ayos na iyon." Sagot ng Mommy ni Brylle

"Ano nga ba ang sadya mo iha at napadalaw ka?" Rinig kong tanong ni Tito Ben

"Nag-message po kasi ang kapatid mo sa akin, uuwi daw sila dito sa isang linggo galing Canada, wala daw po naman siyang kontak sa inyo kaya ako na lang ang sinabihan niya, hinanap ko nga po itong address na ibinigay niya, hindi ko alam na apartment niyo pala ito." Sagot ni Miss Belinda

"Uuwi siya? Sino daw ang kasama at nang maihanda namin ang mga kwarto sa bahay." Tanong ni Tito Ben

"Dalawa po sila, ang anak niya at siya lang."

Iniabot ko na ang mga tinimpla ko sa mag asawa.

"Ang tagal din nating hindi nagkita, highschool pa lang kayo noon ni Beatrice noong nagpunta kayo sa bahay." Sabi ni Tita Betty

"Napakatagal na talaga nun, wala pa siyang asawa nung panahong iyon, may anak ka na ba?" Tanong ni Tito Ben

"Opo Kuya, dalawang babae at isang lalake." Sagot ni Miss Belinda, napasulyap ako sa may pintuan ng kwarto, nandoon si Brylle, nakikinig.

"Dito ka na mananghalian, nagluto daw itong si Tulay." Sabi ni Tita, tumango at ngumiti lang ang Ginang.

"Kukunin ko lang po iyong pera, Tita." Sabi ko at nagtungo sa pinagtataguan ko ng pera.

"Heto na po, kompleto." Sabi ko

"Nagtataka ka siguro kung bakit may ganito kalaking pera sa kanya, siya kasi ang taga-singil ko ng renta, sa bahay, tubig at kuryente, napakabait ng batang ito, masipag pa." Sabi ni Tita Betty

"Tita talaga, h'wag niyo na pong ipagkalat, nakakahiya sa bisita niyo." Sabi ko

''Belinda, tingnan mo nga itong si Tulay, hindi ba't ka-mukha siya ng kapatid kong bunso?"

One Last CryWhere stories live. Discover now