In Our Own World

2K 21 28
                                    

STELL'S POV

Another event was done! Katatapos lang ng School Attack, at ngayon ang buong team, kasama ang ShowBT, ay magce-celebrate at pupunta sa Korea! WOOHOOOO!!!!!

Nasa van kami ngayong lima at tamanh soundtrip lang ng mga paborito naming kanta.

"SKKRRRTTTT FIREEEEE~"

"Di na matatanggi~" -pagkakanta ko, nang biglang may kumausap sa akin.

"Stell, tabi ako sayo sa plane ah!" -Si Ken.

"Sure pal. Hahahaha, no problem." -sabi ko naman at inakbayan ko siya.

"Paepal kang manok ka, AKO ang katabi ni Sunshine Boy para naman kahit papaano uminit yung freezer." -Hotdog Man, Sejun said at kinuha yung kamay ko na naka-akbay kay Ken tsaka kinulong ako sa braso niya, in short, he embraced me tightly. At aaminin ko, kinilig ang isang Ajero sa galawang Nase!

"Napaka-seloso mo talaga Sejun, buti pa itong si Josh, kahit nilalandi ko si Jah eh walang pakialam." -Ken.

"Aba! Aba! Kung alam mo lang Ken kung paano ko parusahan itong mais na 'to kapag pinapaselos niya ako." -sabi ni Josh na naka-grin habanh nakatingin kay Justin.

"Ang daldal mo BBQ! SHHH KA LANG NGA!" -Kinikilig naman na sabi ni Justin.

"HA-HA-HA-HA-HA-HA! Edi kayo na may jowa. Sa ngayon talaga, K-drama na lang nagpapakilig sa akin." -pag-eemo ni Ken at inilagay niya ang kanyang earphone sa tenga at nanood na nga talaga ng K-Drama.

"Hayy loko-loko talaga kayo! Lalo na ikaw Sejun, napaka-harot mo. Di ka man lang mahiya." -pangangaral ko kay Sejun.

"Pasensya na Love. Ikaw naman kasi eh, pinapaselos mo ako. I know naman na ako lang ang love mo pero, I am possessive, especially to you Stellvester. I need you. You're my source of happiness. Without you, I don't,know who I am. So please Love, just understand me." -sabi ni Sejun habang kini-kiss ako sa mukha at kamay ko sa bawat pangungusap na binibitawan niya.

"Get a room, StellJun. Ang ingay-ingay niyo, natutulog ako eh." -Josh.

"Pasensya na Boss Josh, eto kasing hotdog na ito eh, hindi mapakali." -sumbong ko.

"At ikaw naman John Paulo, umayos ka, lalo na sa Korea. Paluin at hampasin kita jan eh. HMMPPHH"

Napangiti na lang naman si Sejun at naghagik-gikan kaming dalawa.

"At ngayon po A'Tins, makikita niyo naman pong naglalayag ang barko ng StellJun, ang magulang naten! May sarili po silang mundo at kanina pa po sila naghaharutan po, opo! At yung manok po naten, andun sa gilid, third-wheeling pa rain! Hahahahahaha! K-drama is life daw po kasi! Pero minsan anime din! Tsaka kape din! At heto naman po si Boss Amo Josh, kitang kita niyo naman po na tulog na tulog. Kaya yung nagbabalak pong mag-swerve jan, bilisan niyo na pong lumipat ng tirahan bago magising ang BBQ. Hihihihi." -pabulong na pagv-vlog ni Justin.

South Korea

"Stell and Sejun, your room keys." Inabot ko naman ang susing binigay ni Tatang Robin.

"Kamsahamnida." Saad namin ni Sejun at nag-bow sa kanya.

"Both of you, sleep early okay? No harot-harot or something like that okay?" -natatawang saad ni Tatang.

"Yes Tatang!" -nakangiting saad ko kay Tatang samantalang si Sejun, tumango lang. Hay nako! Napaka-sungit talaga netooo! Papaluin ko na yata talaga to eh! *grin*

Bago kami tuluyang maka-alis ni Sejun sa lobby, narinig ko yung boses ni Ken.

"Sir, it's impossible for Stell and Sejun to control their inner feelings. Hehehehe."

SB19 IMAGINESWhere stories live. Discover now