HANGGANG SA HULI

1.4K 23 32
                                    

JUSTIN'S POV

"Good morning Kuya Josh! Rise and shine na po! Lolo Josh! HAHAHAHAHA!" natutuwang bungisngis ko habang pinapalo-palo siya nang unan.

"Mhnmmm, maaga pa Justin ano ba!"

"Hay nako, lolo na talaga itong si Josh eh hahahahaha. So ayun nga po guys, tinatamad po si Kuya Josh natin bumangon. Tara na lang sa kwarto ni Ken. Hahahahaha, wawa naman nun mag-isa sa kwarto niya. Walang kayakap. Tignan natin kung tumambay siya sa freezer ni Kuya Sejun." Sabi ko sa camera na hawak ko.

"Hoy JAH! Saglit, hintayin mo ako!"

"At ayun, bumangon naman po ang ating Kuya na si Josh..... hahahahahaha"

Pagkalabas namin ng aming kwarto, siya naman ngayon ang may hawak ng camera para sa aming vlog! Andito kami ngayon sa harap ng kwarto ni Ken.

"Tik-ti-laok! Hoy chiKEN! Gumising ka na. Ikaw nga dapat yung nanggi-gising sa amin, manok ka!"

"Corny mo Jah." Cute na sabi ni Kuya Josh.

"Natatawa ka din lang ehhh! Hahahhahaa tsaka umamin ka Kuya sa kanila, nagseselos ka sa amin ni Ken noh? HAHAHAHAHA!"

"H-hoy halla, hindi ah! B-bakit naman sana?"

'Aray Jah, hindi naman masaket na ikaw lang ang may nararamdamang special kay Josh. Kalma self.'

Hindi ko na lang pinansin ang statement ni Josh at kinatok na ng pagkalakas lakas yung kwarto ni Ken.

"Wazzzuppp mga buang, napaka-ingay niyo! Ang aga-aga pa! Ang sakit niyo sa tenga!" -si KEN!!!!!

Dali-dali ko naman siyang niyakap sa harap ni Josh. BLEHHHH~ Manigas ka Kuya Josh, di pala nagseselos ah!

"Napakaharot Jah! Tara na kila Sejun, baka mamaya naka-ilan na yun!" Pag iiwas ni Kuya Josh sa amin. He is even avoiding eye contact with me. Selos siya! Hahahahahaha!

"Tara na Ken!" Sabi ko at sinara naman na ni Ken ang pinto ng room niya.

"Hoy Jah, ikaw na maghawak ng cam, nangawit ako!" -Josh yelled at us.

'Hindi pa ba nagseselos ang tawag mo jan kuya Josh?'

Kinuha ko naman ito sa kamay niya and accidentally I touched his hand. Feeling ko nakuryente yata ako doon ah.

"Gisingin niyo na, ano pa hinihintay niyo? Tskkk."

"Galit na galit Ken? Ikaw kaya gumising sa kanila." Utos ni Josh. "Hoy Sejun! Hoy Stell! Gising na!"

"Mga Kuya, tara na at lumamon! HAHAHAHAHA!" Tawag ko sa kanila sabay katok sa pinto.

Maya-maya pa ay may nagbukas na ng pinto.

"Good morning Guys!" Sabi niya sa amin at napansin niya yung hawak kong cam. "Sa Vlog?" Tumango naman ako. "Hi it's me, your Sunshine Boy, Heavenly Voice, Stell~"

"Wow hahahaha! Aga-aga, may pasample na birit mula sa ating main vocal ah! Blessed na blessed ang A'Tins!" -Ken.

"Ibang-iba ang aura mo ngayon Stell ah. Blooming ka po!" Nagblush naman si Kuya Stell sa sinabi ko. Halluh, kinilig? Hahahahaha.

"Si Sejun? Tulog pa?" Asked Josh at walang ano-ano'y pumasok kami sa kwarto nila at nag-inspect.

Gulat na gulat naman ang reaction ni Kuya Stell at sumenyas na huwag kunan ang buong area ng kwarto nila. Ang gulo kasi eh! HAHAHAHAHA

SB19 IMAGINESWhere stories live. Discover now