Hoy, ikaw. (Hey, you.)

36 1 0
                                    

Author's POV

Nung gabing iyon, mahimbing nakatulog ang dalawang magkaibigan sa kaniya-kaniyang mga bahay. Si Josh, dahil sa sobrang pagod nakatulog naman agad. Si Justin bagsak rin agad sa kama.

Kahit gaano pa kagusto ni Josh matulog pa ng mahaba, kailangan niyang gumising ng maaga para sa work niya. As for Justin, gumising siya ng around 8:00a.m since tanghali pa klase niya.

He felt very weird being back at the university again. Isang araw lang siya nag-absent pero it felt like months for him. In fact he felt like the whole campus have changed. It was like the first day of college all over again.

Nasa-isip ko lang ito, he thought

Naglalakad siya papunta sa building kung saan ang klase niya nang may tumawag sa kanya, "JahhhhhhSssstinnn!~"

Tumalikod agad, to the point na para na siyang umikot, pero hindi niya alam kung sinong tumawag sa kanya out of the students walking, hindi niya tuloy alam kung kanino siya sasalubong. Biglang,"Oy jah!", sabi ng babae na nasa harap na niya.

He flinched at the sudden outburst of a tiny girl in front of her. She laughed, "grabe magulat? Iwas iwas rin sa kape~".

Tinititigan lang siya ni Justin, nagtataka. "Uy jah. Okay ka lang? Alam kong maganda ako pero baka matunaw naman ako."

Justin involuntarily chuckled, "sira." The girl smiled, "so tara na? Baka malate tayo." She linked her arms around his which took him by surprise.

He had no choice but to be dragged by her. Medyo naguguluhan si Justin sa nangyayari, it clearly shows na she knows him, pero hindi sure si Justin kung kilala niya yung babaeng medyo mahigpit sa paghahawak sa braso niya. She doesn't look familiar whatsoever pero alam niyang in the back of his head kilala niya yung babaeng nagsasalita ngayon

Once they found the room, she went straight to a chair while Justin was left at the door, staring blankly at her. Iniisip niya parin kung sinong yung babaeng iyon. "Oy, ano pang ginagawa mo dyan? Umupo ka dito." patting the seat right next to her.

Nang nakaupo na si Justin, "Boi, okay ka lang ba? Lutang ka yata?". Justin awkwardly smiled, "oo..boi? Heh. Nag-absent eh, hindi nagamit ang utak. Hehe."

Why am I acting so chummy with her when I don't even know her?

She giggled, "oo nga eh, tatlong araw mo rin hindi nagamit utak mo." His eyes widen at the time frame she indicated, "W-what? T-tatlong a-araw?". She scoffed,"Oh, bakit nauutal?"
"Wala..it's just" Justin paused for a minute, trying to clear his head. "Sabi mo tatlong araw?"
Tumango siya parang bata, "Yup!"

Wth? Why can't I remember?

"Jah? Okay ka lang ba? Namumutla ka yata..". Hindi alam ni Justin kung bakit pero he was abruptly having cold sweats. "Medyo nahihilo lang ako."
"Gusto mo bang dalhin kita sa infirmary?" nag-aalalang sabi ng dalaga.

He tried to smile to his best capability, to assure her, "ako na lang. Mag stastart na yung klase. Paki excuse na lang ako hah."

Hindi na niyang nagawang hintayin magsalita yung babae na nagsasabing kaibigan niya. Ang objective niya lang ay humarurot palabas ng classroom.

=========

Tumakbo ng tumakbo si Justin palayo sa building na kanyang pinanggalingan ngunit napahinto siya nang narealize niya na wala siyang idea kung saan siya pupunta.

Going to the infirmary sounds good right now for Justin, pero nagdadalawang isip siya.
He doesn't want to waste his time lying on a bed dahil lang sa mild(?) headache, for that reason he just went to the nearest cafe instead. He doubted it na kaya nilang sagutin ang mga problema niya.

"Isang Choco Mousse Frappe please, large." He ordered then handed a thousand bill.
After punching his orders and giving him his change, the cashier handed him a buzzer to indicate if his order is ready. Nakahanap naman si Justin ng upuan in the middle of the cafe, wala pang masyadong students dahil halos lahat sila na sa class na. 

He's very agitated, especially sa nalaman niya na halos tatlong araw siyang hindi pumasok.

Bakit wala akong maalala?!

Tamang tama yung pagka-buzz ng buzzer since makakatulong talaga ang frappe sa pag soothe sa kanyang nerves. If it wasn't for the coldness of it, nilagok na ni Justin ang frappe.

Now think, kung nag-absent ako san naman ako pumunta? May idea kaya family ko na nag-absent ako sa mga araw na iyon? Si Josh kaya??

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone sa bag niya at tinext si Josh kung busy ba siya sa work. Kailangan siyang tawagan at emergency iyon.

"Oy!" Panggugulat ng isang babae. Justin almost jumped right off from his seat sa sobrang gulat, "AY MAIS!"
Tumawa ng malakas yung babae at umupo, facing justin "akala ko ba sa infirmary diretso mo?"

Napahawak si Justin sa dibdib niya, medyo humihingal, "badtrip kang babae ka! Bakit ba ang hilig mong manggulat?!"

She can't help but chuckle, "again jah, iwas iwas sa kape kasi~ saka, hindi ka pa na sanay sa akin. Lagi tayong nag gugulatan diba? It's our thennnnnggg~".

Biglang napakunot ang babae, "hindi ka nga masyadong nagugulat sa akin eh, you said my acts were so predictable. Pero mukhang nagbago yata ngayon?" Nag smirk bigla ang mokong.

Justin sighed, trying himself not to get pissed of at this situation. Honestly, hindi naman siya galit sa  panggugulat ng babae sa kanya, deep inside of him, he actually finds it funny. Galit siya sa fact na his memory kept failing him.

"Uy galit ka ba?" tanong ng babae.

He handed her a 500 bill, "ito bumili ka muna, libre ko. Mag ccr lang ako."

Her mouth smiled so wide, that any sane person may found it creepy. However, Justin finds it somehow adorable and giggles at her reaction.

What the heck is wrong with me?

Dumiretso yung babae sa counter para mag order samantalang si Justin diretso pasok ng cr. Hindi niya alam kung ano dapat niyang gawin sa loob, basta na lang niya binuksan ang gripo at binuhusan ang mukha niya ng malamig na tubig, repeatedly. Right on cue, tumawag si Josh at syempre agad agad naman itong sinagot ni Justin after niyang isara ang gripo.

"Bro? You alright? What's the emergency?"

Kahit anong gawin pangpapanggap ni Justin na kalmado siya, hindi niya maitatago ang pagkabilis at pagkalakas ng tibok ng kanyang puso. Swerte na lang at wala si Josh sa tabi niya kundi rinig na rinig niya ito. "Hindi ako okay boi!"

"Bakit anong nangyari?" Mahinahong tanong ni Josh.

"Josh, hindi ko alam kung bakit pero...may mga bagay na hindi ko maalala."

"Hah?! Anong pinagsasabi mo?"

He sighed in frustration and hissed quietly since naalala niya nasa cr pala siya, "there are certain things that I don't know or can't remember."

"Like what?" Josh asked straightaway.

"Wait, may isesend akong pictire sa'yo tapos sabihin mo sa akin kung sino siya."

"Okay" then he hanged up.

Lumabas agad si Justin sa banyo, at sakto kakatapos lang mag order ng babaeng kasama niya. From afar he sneakily took a photo of her, emphasizing her face so Josh can easily recognize her. He attached it on a message and send it to him.

Tumawag agad si Josh. "Ano? Kilala mo?" Justin asked, getting impatient.

"Aba'y oo. Si Sam yan. Girlfriend mo boi!"

"ANO?!?!"

Noon Hanggang Sa Huli [OT5 SB19 FF]Where stories live. Discover now