CHAPTER 3

13.8K 523 99
                                    

Chapter 3

"Kanino na naman galing 'yan, Anak?"

Bungad na bungad agad ng pagpasok ni Star sa bahay nila ay iyon agad ang tanong ng Mama Catherine niya. Buntis ang Mama niya at malapit na ang kabuwanan nito sa pang anim na kapatid niya.

"Mano po, Mama." nagmano muna siya bago ilapag sa sofa ang malaking teddy bear na hirap na hirap siyang bitbitin.. Tinulungan na nga siya ng mga pinsan niya na maiuwi 'yon at panay ang tanong sa kanya kung kanino galing, pero wala siyang masagot. Nagdadahilan siya na binigay ng mga kaklase niya kahit hindi.

"Hindi mo ako sinagot." ani ng Mama niya.

"S-Sa kaklase ko po.. Bigay nilang lahat." aniya na hindi makatingin ng maayos sa ina.

"Is that true?"

Tumango siya at tumingin rito. Naniwala naman na ito agad at tumango.

"Anyway, magpalit ka na at bantayan mo muna ang mga kapatid mo. Pupunta lang kami ng Tatay mo sa mga Lolo mo."

"Kela Lolo Dimitri po?" bigla siyang naging maagap. Gusto din niyang sumama para makita ang lolo niya at magpaturo rito.

"Yes, pero hindi ka sasama. Alam ko na ang nasa isip mo, Star."

Napasimangot siya kaya napangiti ang Mama niya at tumayo.

"Bantayan mo muna ang mga kapatid mo. Hindi ka din matuturuan ng lolo mo dahil busy iyon."

Napatango nalang siya, "Sige po, punta lang ako sa room ko, Mama."

Tumango ito kaya naman dumeretso na siya sa room niya. Nilapag niya ang malaking teddy bear sa kama niya at 'tsaka siya naupo bago tignan ito.

"My room is full of your gift." aniya sabay buntong-hininga. Hindi niya alam bakit siya nireregaluhan ng misteryosong taong iyon. Tuwing matatalo siya ay palaging may regalo. Para bang ito ang paraan nito para i-comfort siya.. Hindi alam ng Mama niya o nang Tatay niya na sumasali siya sa archery competition sa school, tanging lolo at mga pinsan lamang niya ang nakakaalam. Kaya hindi din siya makapagsabi sa mga magulang ng nararamdamang lungkot tuwing siya ay nabibigo.

"Ate!"

Napalingon siya sa pinto at nagpasukan ang mga kapatid niya na kinabuga niya ng hangin. Tiyak na mangungulit na naman.

"Wow! Big teddy!"

Napatayo siya ng mag-akyatan sa kama niya ang mga ito at agad na niyakap ang teddy bear niya.

"Ako muna yakap kay Teddy, Sadie!" sabi ni Surie.

Umiyak naman si Sadie, "Gusto ko din yakap si Teddy."

"I want to!" sabi naman ni Sue na nahiga sa teddy habang ang dalawa ay sa magkabilang gilid na nag-aagawan.

"Hoy! Kay Ate 'yan. Mamaya masira niyo 'yan." sita ni Skyler sa tatlo. Mas malaki ang pag-uunawa ni Skylar sa tatlo na mas bata sa kanya kahit na walong taon pa lamang siya.

"Hayaan muna." pigil ni Star at hinubad ang bag at pinatong sa table niya. Binuksan niya ang kurtina at napatingin sa dagat. Ito ang the best sa room niya, kita ang magandang dagat ng bf island sa pwesto ng room niya.

"Ate, saan galing ang teddy bear mo? May gift ka na naman? May ligaw ka na ba?" sunod-sunod na tanong ni Skylar.

"Wala akong ligaw." agad na humarap siya rito, "bakit mo naman nasabe?"

Humalukipkip ito, "Kasi, tanda ko kada buwan na uuwi ka ay may regalo ka parati. Bag, shoes, dress, cake and flowers, tapos ngayon ay teddy bear. Hindi mo naman sinasabi sa amin kung sino."

Waiting For A Star To FallWhere stories live. Discover now