CHAPTER 8

8.4K 456 74
                                    

CHAPTER 8


Hinatid ni Dice Von si Star malapit sa bahay nito. Hindi sa mismong bahay nito dahil baka makita pa siya ng parents ni Star. Tinignan niya ang dalaga na nagpaalam na sa kanya. Kung siya lang ay ayaw niya mawalay ang dalaga, pero ang tagal pa ng hihintayin niya bago mangyari ang gusto niya.

"Salamat po sa pagtuturo sa akin at pagbibigay ng pana. Pangako po iingatan ko ito." masayang sabi ni Star habang hawak ang pana na bigay niya.

"Walang anuman, Baby. Basta tandaan mo na lagi lang akong narito para sa 'yo. Tandaan mo din na hindi ako aalis sa tabi mo."

Naguluhan man si Star pero baka ang ibig sabihin lamang ni Dice Von ay manatiling kaibigan hanggang huli. Natuwa siya at tumango.

"Sige na. Bago ka bumaba ay mag-goodbye kiss ka muna." sabi ni Dice. Dahil sa isip ni Star na normal lang iyon, ay hahalikan niya sana ito sa pisngi ng sumalubong sa kanya ang labi nito. Nagulat man siya ay hinayaan na niya. Nang bitawan nito ang labi niya ay ngumiti ito at hinaplos ang mukha niya, "bukas ay sunduin kita para sabay tayo sa school."

Agad na umiling siya, "Huwag na po. Sabay-sabay po kami ng mga pinsan ko pumasok." sabi niya. Actually, nahihiya na siya rito.

"Kung ganon magkita nalang tayo sa school." sabi nito kaya tumango siya at ngumiti. Bumaba na siya at pagkasara ng pinto ay kumaway siya. Binaba nito ang bintana at sinilip siya, "you did well today. Keep it up!" sabi nito kaya hindi niya mapigilan na mamula sa papuri nito. Ngumiti ito at umayos na ito ng upo bago patakbuhin ang sasakyan paalis.

Naglakad na siya papunta sa bahay nila ng makita niya ang mga kapatid niya na nakaupo sa hagdan at nakalumbaba tila ba malungkot.

"Anong ginagawa niyo?" tanong niya. Nang mapatingin ang mga ito ay agad na natuwa ang mga ito at naglundagan sa kanya.

"Ate! We miss you!" sabi ni Skylar, Suri, Sadie, at Sue.

Natawa siya at pinaghahaplos niya ang ulo ng mga kapatid niya.

"Bakit niyo naman ako namiss? Sandali lang akong nawala." sabi niya.

"E, kasi Ate. Every weekend ay palagi tayong naglalaro. Tapos ngayon umalis ka kasi nag-papractice ka. Wala kaming kalaro." sabi ni Suri na nakayakap sa braso niya.

"Kayo naman. Pwede pa naman tayo maglaro kahit hapon na. At ang dami-dami niyo at ako lang nawala ay nalungkot pa kayo. Hindi ba kayo makakapaglaro ng wala ako?"

"Hindi!" sabay-sabay na sabi ng mga ito kaya natawa siya.

"Okay. Magpapalit lang ako at maglalaro tayo." sabi niya kaya natuwa ang mga ito.

"Yehey!"

Natawa lang siya at pumasok na sa loob habang nasa labas ang mga kapatid niya. Naabutan niya ang parents niya na naglalambingan. Nakita siya ng mga ito at agad na nagbitaw ng labi.

"Anak, nariyan ka na pala." sabi ng Tatay niya.

"Opo." lumapit siya sa mga ito at nagmano, "malungkot po ba kayo?" tanong niya.

"Huh?" react ng magulang niya.

"Ikikiss ko po kayo para hindi kayo malungkot." lumapit siya sa mga ito at kiniss niya ang Mama niya sa lips na kinagulat nito. At ambang ikikiss niya rin ang Tatay niya ng pigilan siya nito sa mukha na kinataka niya.

"Anak, paano mo naman nasabi na malungkot kami kaya kami nag-kikiss ng Mama mo?" nagkatinginan pa ang mga magulang niya bago siya tignan muli para hintayin ang kasagutan niya sa tanong nito.

"Hindi po ba nung malungkot si Mama ay kinikiss niyo siya? Kaya akala ko po malungkot po kayo ulit."

Natawa ang Tatay niya at napakamot sa ulo, "Pwede din, Anak. Pero may iba't-ibang klase kasi ng halik."

Waiting For A Star To FallWhere stories live. Discover now