6

914 24 20
                                    

Dahyun's POV:

Napaiktad ako sa pagkakahiga sa sofa nang maalipungatan ako. Agad akong napalingon sa tabi ko ngunit wala si Sana. Wait, totoo ba yung nangyari kagabi? Nananaginip lang ba ako?

Teka, teka, teka. Nasaan si Sana? Kasama ko siya kagabi, diba? Magkasama kaming nakulong sa loob ng studio na 'to tapos may nangyaring...the hell?

Kinabahan ako nang bigla kong maalala ang mga nangyari kagabi. Sandali, may nangyari nga ba? Napatingin ako sa sarili kong katawan, kumpleto ang suot kong damit kaso parang may kakaiba sa feeling ko ngayon.

Hindi ko napigilang mapahawak sa ulo ko dahil sa kung ano-anong naiisip ko. Panaginip lang ba yung nangyari samin? Nagkakamali lang ba ako? Dala lang ba ng gutom 'yon?

"Dahyun, umayos ka. Nahihibang ka na ba?!" Inis na sabi ko sa sarili ko.

"Ah, eh. Boss, excuse me." Agad akong napatingin sa janitor na nakatayo sa harapan ko dala ang pang-mop ng sahig.

"Kuya, may nakita ka bang babae dito kanina?"

"Wala po, Boss. Kadarating ko lang rin po para maglinis dito sa Studio."

"Ikaw ba ang nagbukas ng roll-up door na 'yon?" Kasama ko ba talaga kagabi si Sana o hallucination ko lang 'yon dahil sa sobrang stress sa kanya?

"Hindi po, nagulat nga po ako na bukas na po yung roll-up door nang dumating ako. Ano po bang ginagawa niyo dito? Pasensya na po kayo, kailangan ko na po kasing maglinis. Malalagot na naman po ako kay Ma'am Jihyo."

Lahat pala talaga kami nakakaranas ng hagupit ng sermon ni Jihyo.


"Nag-shoot kami dito kahapon. Ako yung photographer na nagtatrabaho kay Jihyo."

"Diba po kahapon pa yung last shoot dito sa studio ni Ma'am Jihyo? Inabot po kayo ng umaga dito?"

"Naku, hindi. Binalikan ko lang kanina 'tong gamit ko, naiwanan ko kasi kahapon. Nagkataon namang bukas na yung roll-up door ng studio kaya pumasok na ako sa loob." Palusot ko sa kanya na mukhang naniniwala naman sa sinasabi ko.

Bakit kailangan kong magpalusot? Jusko. Ayokong makaabot kay Jihyo ang tungkol sa pagkakakulong ko sa lugar na 'to, baka paulanan na naman ako ng sermon.

"Ganun po ba? Sige po."

"Mauna na ako, Kuya. Salamat." Nagmadali na akong umalis dahil baka tanungin pa niya ako kung bakit mukhang bagong gising lang ako.

Kung 'di si Kuyang Janitor ang nagbukas ng roll-up door, sino? Si Sana? Imposible.

Sa labas nakakandado ang pinto. Isa pa, kasama ko si Sana sa loob. Kasama ko ba talaga siya o nasisiraan na ako nang bait? Hindi ko na talaga alam.

Nang maramdaman ko muli ang gutom, sumakay na ako ng taxi para dumiretsyo sa apartment ni Chaeyoung.

Ilang beses akong nag-doorbell bago niya ako tuluyang harapin, gulo-gulo pa ang buhok niya.

"Ano na namang ginagawa mo dito, Bro?" Pumasok na ako sa loob kaya naman wala na siyang nagawa kundi hayaan ako.

"May pagkain ka ba diyan? Gutom na gutom na talaga ako." Halos nangangatal na tanong ko sabay diretsyo sa kusina para buksan ang ref niya.

Love Me, Touch Me, Kiss Me (LM, TM, KM)Where stories live. Discover now