CHAPTER 3

1.8K 80 17
                                    

"Kanina pa kita ginigising!" nakasimangot na ani Vanna,

"Bakit ka nandito?" tanong ko,

"Aba parang labag pa sa loob na ginising kita ah? buti pa nga ginsiing ka kung hindi baka poreber ka ng logtu."

"Gaga."

Tumayo ako para buksan ang bintana. Hindi parin mawala sa isip ko ang panaginip ko. Ano bang ibig sabihin ng panaginip na 'yon.

"Binisita ko si tita, nagdala ako ng pagkain para hindi ka na malate kakaluto." nakangiwing aniya,

"Si mama lang pala ang dinalaw mo bakit mo pa ko inistorbo." asik ko,

"Bahala ka nga, maligo ka na." aniya, tumango nalang ako tsaka s'ya lumabas ng kwarto.

Mula paggising at pagligo ay ukupado ng panaginip ko ang isip ko. Kakaiba ang lugar na 'yon, ang mga gamit ay hindi kagaya ng sa pilipinas. Iba rin ang itsura ng mga tao, kakaiba ang pangalan at halos lahat ay sundalo.

May parte sa akin na ayaw nang maulit ang panaginip na 'yon, ngunit ang lalaking nagngangalang Lucas ang tumutulak sa akin upang gustohin na muli silang mapanaginipan.

Saktong alas otso ng umaga nang makarating kami sa school. Iwinaglit ko muna sa isipan ko ang panaginip ko tsaka nag-pokus sa paglalakad.

"Astig, may kasama akong ulap!" biglang namamanghang anas ni Jane,

"pinagsasabi mo?"

"Lutang ka eh!"

Napa-irap estrada nalang ako, leche talaga ang kaingayan ng babaeng 'to.

"Dahil ba 'yan kay Razi?" tanong n'ya,

Naalala ko na naman ang panggagago sa akin ni Razi. Kung tutuosin ay hindi ko na naisip na ginago pala ako, dahil nga siguro sa panaginip ko.

"Wala na sakin 'yon." sambit ko, masakit parin syempre.

"Wala na? ang bilis naman? parang kidlat ah?"

"Manahimik ka na nga." sambit ko tsaka tuloyang pumasok sa room,

"Riccantot!!"

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ng president namin.

"Ano?"

"May practice daw kayo sa dance troupe."

"Pagod ako, hindi na muna ako sasali."

"Kailangan 'yon para sa founders' night."

Napa buntong-hininga nalang ako. Oo dancer ako, kahit ganito ako ka sira ulo may talent parin ako. Nagkataon lang na pagod ako kaya inaayawan ko ang hilig ko ngayon.

"Balita ko dance troupe member rin daw si Trazer." ani Jane, agad akong napalingon sa kan'ya,

"T-Talaga?"

"Kita mo na, kalandian oh, narinig lang yung pangalan ng pinaka-aasam n'yang lalaki nagpagting agad yung tenga."

Nginiwian ko nalang s'ya tsaka muling nilingon ang president namin.

"Anong oras ang practice?" tanong ko,

"Ngayon mismo." sagot n'ya kaya agad kong niligpit ang mga gamit ko,

Nagsimula na akong maglakad papunta sa Gym. Biglang nawala ang pagod ko. Matagal na akong curious kay Trazer, hindi ko s'ya gusto pero may kung ano sa akin ang nagtutulak na makita s'ya ngayong araw.

"Okay, warm up muna tayo!" rinig kong sigaw ng dance troupe leader, "Oh Ricca, come on." tawag n'ya sa akin,

Naglakad na ako papunta sa bench at inilapag ang mga gamit ko, tsaka ako sumali sa warm up, saktong pumasok akong naka P.E kaya hindi na ako nagpalit.

132 YEARS OF REINCARNATION (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon