Chapter Five

176 7 0
                                    

(Son Chaeyoung as Rae)

ARIES' POV

Malapit ng mag lunch break and wala pa rin akong reply na natatanggap galing kay Ziah.

Naka tuon lang ang mga mata ko sa phone ko, paulit-ulit na binabasa ang naging reply ko sa kanya kagabi.

:it's fine Ziah :) I understand. Just let me know if may v.c tayo bukas okay? :)

It had been hours pero hindi pa rin siya online. First time siyang ganito, usually kasi ay nag a-update agad siya kung bakit siya naging busy at kung ano pa.

"may bagong student sa kabilang section." rinig kong usapan ng mga kaklase kong lalaki.

Napa angat ang ulo ko, umalis na pala ang teacher namin.

"ou nga, at parang pinagti-tripan siya ni Rae." sagot pa ng isa.

Wala naman dapat akong pakialam kong sino man ang taong tinutukoy nila pero right now, I'm curious.

"nakita ko siya kanina, ang ganda nga kahit simple lang ang damit na suot..galing daw siyang U.S." sabi pa ng isa kong kaklase.

"sa cafeteria sila una nagkita, nabunggo yata nu'ng Elizabeth ba 'yun? basta nabunggo niya si Rae kaya ayun, galit na galit." tsismis naman ng isa, parang d mga lalaki kung maka tsismis tung mga 'to ah.

"Elizabeth? diba Elias name nu'n?" sabi naman nu'ng isa.

"mga sira kayo! narinig ko introduction nu'n kanina habang papunta ako dito, Eliziah pangalan nu'n!" sabat ng isa.

Napatayo naman agad ako sabay lapit sa grupo ng mga nag-uusap.

Takot na takot sila ng nasa harapan nila ako.

"s-sorry Aries, hindi na kami mag-iingay." sabi nu'ng naka rinig sa pangalan nung new student.

Possible ba na si Ziah 'yun? Galing U.S at same sila ng pangalan eh.

"ikaw." sabi ko du'n sa lalaki na halos mamutla na sa takot.

"anong buong pangalan ng Eliziah na sinasabi mo?" tanong ko.

"b-bakit?" tanong niya sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"baliw ka ba?! sagutin mo tanong ni Aries, 'wag mo siyang tanungin pabalik!" sabi ng nasa tabi niya.

"ah, eh..Eliziah Montenegro, 'yun 'yung full name nu'ng babae." sabi niya at kasabay nu'n ay ang sigaw ng isa ko pang kaklase na babae.

"si Rae! may kinorner na naman sa lockers!!!" sabi nito kaya dali-dali akong tumakbo papunta du'n.

Lagot ka sa'kin Zamora pag ginalaw mo si Ziah!

Nakarating ako agad sa may lockers at hindi ako napansin ng mga estudyante, abala sila sa pagtingin sa kung ano man ang nangyayari.

Sumilip ako kung si Ziah nga ang kinorner ni Zamora and my blood boiled ng makita kong siya nga.

"alis jan." sabi ko sa estudyanteng nasa harap ko.

Narinig naman ng iba ang boses ko kaya nagsitabi sila.

Naglakad ako papunta sa kung nasa'n si Ziah.

Zamora was about to slap her face ng hawakan ko ang kamay nito.

Rinig ko ang gasps at bulungan ng iba kung bakit ako nandito pero wala akong pakialam, naka tuon ang pansin ko kay Ziah na alam kong naka tingin na sa'kin ngayon.

"Ari?" takang tanong niya.

"touch her again and I'll kill you." kalmadong sabi ko kay Zamora.

Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero mahigpit ang hawak ko dito.

"do you understand me?" tanong ko sa kanya.

"teka nga!" sigaw niya sabay hila sa kamay niya.

"sino ba siya at parang concern na concern ka? and what, Ari? she called you by that? are you two together?" naka ngising tanong nito.

"do you understand me Zamora?" tanong ko ulit sa kanya.

Rolling her eyes ay hindi ko napansin na hinawakan niya sa braso si Ziah.

"ops?" sabi niya ng naka ngisi pa rin.

I punched her first at gumanti naman siya.

Rinig ko ang sigawan ng mga estudyante na para bang naka pusta sila sa mga manok nila.

Most of them were cheering for me.

Nakapaibabaw ako kay Zamora habang sinusuntok siya ng maramdaman kong may humila sa'kin.

"I told you to stop Ari!!!" Ziah said habang hinihila ako palayo kay Zamora.

I stood there, back facing her.

Naka ngisi paring tumayo si Zamora while I stared at her deadly. Kung nakakapatay lang ang tingin, patay na siya kanina pa.

"don't you dare test my patience Zamora." sabi ko.

"well, let's see." sabi niya sabay umalis at tinalikuran ako.

Narinig kong umiiyak si Ziah sa likuran ko kaya humarap ako sa kanya pero sampal galing sa kanya ang natanggap ko.

"I hate you." was her last words bago niya ako iwan.

I felt the pain, hindi ng suntok ni Zamora at sampal ni Ziah kundi ng salitang binitiwan niya.

She hates me?

I realized people were still staring kaya inangat ko ang ulo ko at sinamaan sila ng tingin.

"what the heck are you all looking at?! move!" sigaw ko na agad nilang sinunod.

Naglakad ako papunta sa classroom at kinuha ang bag ko.

Tatambay ako sa rooftop until I clear my mind.

Habang nasa rooftop ako, I can't help but let the tears fall.

I hate you

I hate you

I hate you

I hate you

Her words keeps on ringing in my ears.

Ngayon niya lang sinabi 'yun and maybe she meant it.

Sino ba namang tao ang gusto pa rin ako kapag nalaman nilang ganitong klase ng tao ako.

I deserved that slap, I deserved the pain. Pero hindi niya deserve ang masaktan rin.

I have to do something soon or else I'll lose her and I don't think kakayanin ko pag nangyari 'yun.

Feel SpecialWhere stories live. Discover now