Kabanata V

4 0 0
                                    

Aica's POV

Bumangon ako ng maaga pero walang Dark ang nadatnan ko sa bahay, ultimo anino nya ay hindi ko na nakita simula nung araw na iyon. Wala na kahit na sulat pamamaalam, hindi ko alam kung kailan sya makakabalik o kung nasaan sya, lahit si Nathalia ay walang alam.

Masaya dapat ako dahil lahat ng nangyari ay naayon sa plano ko, pero hindi! Naiinis ako, nalulungkot, naasar! Kahit hey bro! Wazap bye bye! Wala akong narinig!

Lumipas ang araw at natapos na ang preperasyon. Ngayon na ang nakatakdang araw, araw na kailangan ko ng gawin ang misyon..

Sakay ako ng yate ng El Fuenco at dadalhin ako nun sa kabilang isla. May motor din ako na gagamitin ko at ilan sa mga armas na magagamit ko.

Ako si Aica Creznaya Valdez, pwede nyo akong tawaging Aica o Naya. 5 taon na ang nakalilipas nang maging isang ulilang lubos ako dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nadatnan kong nakahandusay ang bangkay ng mga magulang ko sa mismong bahay namin, puno ng tama ng baril ang katawan nila at talagang hindi sila hinayaang mabuhay.

Tinanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang isla El Fuenco, parang nung kailan lang nagmamakaawa pa ako kay Dark na isama nya ako.

Flashback

"Please po kuya, isama nyo na ako! Promise hindi ako pasaway!" Pakiusap ko sa kanya

Grade 7 pa ako pero masasabing dalaga na ako dahil sa magandang hibog ng katawan ko at magandang mukha na minana ko sa lola ko.

"Masamang tao ako! Kung sasama ka sa akin, magsisisi ka lang." Mahinang sagot sa akin ng lalaki na nakatalikod sa akin, hindi ko sya kilala pero meron sa puso ko na nagsasabing kailangan ko syang makilala ng lubos.

Nakilala ko sya nang muntik na akong marape sa iskinita dahil may hinahabol akong lalaki na hinihinala kong pumatay sa mga magulang ko. Hinarang ako ng mga lalaki at sya ang tumulong sa akin. Ilang beses nya ng sinabi na sindikato sya pero hindi ako naniniwala dahil bukod sa tinulungan nya ako ay ubod pa sya ng gwapo! Mas maniniwala ako kung sasabihin nyang freelance model sya at may pamilyang binubuhay kaya bawala akong makigulo.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako naniniwala? Tsaka wala akong paki kung totoo man yan! Alam ko na mabait ka, kuya." Nakangiting sabi ko at medyo nagpacute pa

Tinitigan nya lang ako, ang dilim ng mga mata nya, kulay kalangitan yun pero napaka dilim, hindi mabigyan ng liwanag ang magagandang mata.

"Tsk. Fine, pero sa isang kondisyon." Nakatitig sa mata kong sabi nya

"Anything!" Nakangiting dagdag ko

"Promise me na mag eensayo ka ng mag eensayo at wala ka ng ibang gagawin o pagkakaabalahan. Hindi ka na rin basta-basta makukuha ng nga kamag-anak mo." Saad nito

Ngumiti naman ako sa sinabi nya. Umpisa pa lang, alam ko na sa sarili ko na kahit kunin pa nila ako sa taong to ay hindi na ako sasama pa.

"Masusunod po! Tsaka, bukal sa puso akong mag eensayo, at gusto ko pong ikaw ang magturo sa akin. Para paglaki ko, pag nakita ko na yung taong gumawa nun sa mga magulang ko, gaganti ako." May inis sa humalo sa tono ko nang bitawan ko ang huling kataga.

I am not just doing this because I feel something for him, but also because I know he can help me to catch those merciless people who killed my parents.

End of Flashback

Ito na nga kuya, dumating na ang araw na malapit ko ng matuklasan ang misteryo sa pagkamatay ng mga magulang ko. Salamat sa pagtuturo mo, at patawad dahil ang lihim ako sa kabila ng pangako kong hindi ako sasali sa grupo mo.

Your Dearest KarmaWhere stories live. Discover now