Chapter 7 - Toyang

125 13 45
                                    

Chapter 7.

First day of being in friendship with Limaya, not bad.

Hindi ko masasabi na normal ang araw na 'to dahil hindi magiging normal ang araw na 'to dahil puro k'wento ang ginawa niya buong araw. Ang gulo. Sobrang dami niyang dinaldal sa akin habang naglulunch kami kanina. Kesyo raw tuwang-tuwa siya't kaibigan niya na ako. Tuwang-tuwa raw siya na mapapasaya na niya ako sa wakas.

And I doubt about that. Hindi ako nagdadalawang isip na baka hindi niya ako mapasaya, 'cause actually, she already made me happy. Pero nagdodoubt ako na baka hindi rin ito tumagal. Happiness always ends in a right time. At 'yun ang nakakainis sa kaligayahan, binabawi rin kaagad.

Every time that you're in the climax or the exciting part of being happy, you'll always end up being sad. That's the twist of being happy. Maya-maya lang magiging malungkot ka na rin. 'Yung kasiyahan na naramdaman mo parang pautang lang. Minsan may interes pa.

Ang daming k'wento ni Liwayway kanina. Pagpasok pa lang naming magtotropa, gaya ng mga ginagawa niya noong mga nakaraang araw, naghihintay na agad siya sa gate ng university. Naabutan pa nga namin siyang nakikipagdaldalan sa security guard na hindi paawat sa pagtawa habang kausap siya. Tumigil lamang sila sa pagkukuwentuhan nang makita kami ni Ligsa na papasok na ng school.

"Oy! Good morning best friend!" Maligayang saad nito. For the nth time, I saw her genuine smile na para bang nakakahawa. Pakiramdam ko tuloy naging good mood ako dahil lang sa ngiti niya.

"Morning," maikli kong tugon bago tumuloy sa paglalakad papasok ng university. Nginitian ko lang 'yung security na halatang nagulat dahil sa ginawa ko. Madalas kasi kapag binabati niya ako ng magandang umaga, I refused to reply. Kung sasagot man ako, parang masama naman ang loob ko at hindi bukal.

"Teka? Best friend?" Takang tanong ni Chervo. Humawak siya sa balikat ko pero agad niya rin itong tinanggal. "Anong best friend? As in magkaibigan?" Dagdag pang tanong nito.

"Oo! Sabi sa'kin ni Calvin no'ng isang araw magkaibigan na raw kami. Alam niyo ba, siya pa nagtanong sa'kin kung p'wede--"

"Shut up, Lira," pagpapahinto ko sa kaniya. Huminto naman siya at humagikgik lang. Naiwan pa ring hindi makapaniwala 'yung dalawang ungas.

Tinama pa niya ako dahil hindi raw Lira ang pangalan niya. Tingin ko dapat ko ng buksan ang paki ko sa babae na 'yon. After all, I think I should return some of her care for me, right?

Magkakasama kaming apat sa unang subject. Iisa lang kami ng strand na apat which is STEM. Nagkaiba-iba nga lang ng course. Hindi ko nga alam kung bakit kami magkakasama sa iisang subject. Eh hindi naman related ang courses namin. Siguro gano'n talaga sa senior high. Parang kadugtong lang ng grade 10.

Jeremy is taking Engineering. Hindi ko lang maalala kung anong engineering 'yung kinukuha niya dahil nang sabihin niya sa amin 'yung course niya it's either wala akong pakialam o tulala habang iniisip siya. O baka wala ulit akong pakialam.

Si Chervo naman, architecture ang kinuha. Kaya palagi silang magkasama ni Jeremy ay dahil halos lahat ng subject pinapasukan nila. Sa dalawa o tatlong subject ko lang sila nakakasama, at isa rito 'yung subject namin ngayon.

Sabi pa nga nila dapat sa unang project nila ay magkasama sila. Tingin ko pa nga kapag nagkataon sila pa ang magkakatuluyan. Mas'yadong mga bading. 'Yung ginawa nila no'ng nakaraan, nirant daw ng mga babaeng laway na laway daw sa kanila. Gano'n daw sila kasikat.

At tingin ko totoo na sobrang daming nabaliw sa pangyayari na 'yon. May mga videos pa nga na kumalat pero wala lang kila Chervo at Jeremy ang mga 'yon. The characteristic of theirs that I admire the most. Hindi sila sensitive at wala rin silang pakialam as long as alam nila kung anong totoo. They were not affected by the videos and rumors na nakarating na sa college department ng university.

The Way She Look at MeWhere stories live. Discover now