Epilogue

148 9 20
                                    

Epilogue.

"S-si Ligaya!? A-asan si Ligaya!?" Agad kong saad nang makitang nakahiga ako sa hospital bed. Hindi ako nagsayang ng oras, agad akong umupo mula sa pagkakahiga pero agad ko ring naramdaman ang matinding pagkahilo.

"Anak, huwag ka munang tumayo," sabi ni Papa. Nakita kong nakayakap si Mama sa kaniya at umiiyak.

"Na-nasa ICU si Ligaya kuya. Do-don't worry, she'll be okay. Magpahinga ka muna, a-ang dami mong sugat," sabi ni Cassy na nasa tabi mismo ng higaan ko. Nakita kong mugto rin ang mga mata niya. Halatang kanina pa siya umiiyak tulad ni Mama. "Huwag ka munang kumilos, hu-huminahon ka baka lumala ang lagay mo."

"I-I can't be calm. Pu-pupuntahan ko si Ligaya," madiin kong saad bago marahas na tanggalin ang dextrose sa likod ng palad ko. Sobrang sakit no'n kaya napangiwi na lang ako. Hindi ko ininda 'yon at bumaba sa hospital bed.

"A-anak ple-please. Ang mga doktor n-na ang bahala sa kanila," umiiyak na sabi ni Mama. Naaawa ako sa kaniya. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko kung anong nangyari kay Ligaya. Iniisip ko pa lang, nababaliw na ako.

"M-ma, I don't want to stay here. Gu-gusto kong makita si Ligaya," halos maiyak kong saad. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko. I want to see her. I want to know kung ayos lang ba siya, kung anong nangyari sa kaniya. Kung tulad ko ba ay ayos lang siya. "P-pa, please," wika ko habang nakatingin kay Papa.

Huminga si Papa ng malalim bago yakapin ng mahigpit si Mama na hindi pa rin tumitigil sa pagiyak. "Cassy, samahan mo ang kuya mo sa labas ng ICU. Bumalik kayo agad dito," utos ni Papa kaya tumango na lamang si Cassy. Inalalayan ako nito na makalabas ng k'warto. Huli ko pang nakita bago makalabas ang pagalo ni Papa kay Mama. Iniupo niya ito sa sofa at pinatahan.

"Ku-kuya, buti nadala agad kayo sa ospital. Baka kung hindi... hindi ka na nakasurvive. A-ano bang nangyari?" Tanong niya sa akin habang inaalalayan ako. Sobrang bagal ng lakad ko. Bawat hakbang ko, pakiramdam ko may bumabaong matalim na bagay sa hita ko.

"A-ayos naman ako ah. Anong hindi nakasurvive?" Tanong ko sa kaniya.

"Kuya mukha ka lang okay, pero hindi. A-ang dami mo kayang tahi sa hita at tagiliran. A-ang daming dugong nawala sa'yo. Kung hindi kayo agad nadala sa ospital... ba-baka wa-wala ka na ngayon," sabi ni Cassy bago siya umiyak. Napatingin ako sa kaniya. Nakayuko siya kaya natatakpan ang mukha niya ng buhok niya.

"Stop crying Cassy. I'm here, I'm okay," sabi ko kahit pa sobrang sakit talaga ng hita ko. That explains why, may tahi pala ako sa hita.

Tumango na lamang siya bago ako yakapin. "Hindi mo alam kung gaano mo pinakaba sila Mama. Hi-hindi pa tumitigil sa pagiyak si Mama simula nang dumating kami rito sa ospital," sabi niya sa akin. I hugged her too, allowing me to smell her scent.

"Pa-paano niyo pala nalaman kung saang ospital kami dinala?" I asked after we parted.

"It's because of your phone. Remember? Tinawagan mo ako. Then someone grabbed your phone at siya ang nagsabi kung saan ka nila dinala. Which happens to be the same hospital kung saan dinala si ate Ligaya," pagpapaliwanag niya. Tumango lang ako bago kami muling naglakad.

Nakarating kami sa tapat ng ICU. Sabi ni Cassy, narito raw si Ligaya. Pero walang kahit sinong naghihintay sa doktor na kamag-anak ni Ligaya. "I-I'll wait here Cassy. Wa-wala ng pamilya si Ligaya. I want to know if she's okay," saad ko. Tumango siya at inalalayan akong makaupo sa upuang malapit sa ICU.

We waited for about fifteen minutes. Nanatili kaming tahimik ni Cassy hanggang sa may doktor na lumabas sa ICU. Agad akong napatayo kaya nagmadali si Cassy para matulungan ako.

"Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong nito sa amin.

"Hi-hindi po. I'm the boyfriend," saad ko kaya nagiba ang itsura ni Cassy. Para bang gulat. Sinuri rin niya akong mabuti kung nagsisinungaling ba ako o hindi. I held her hand and gently pressed it para malaman sabihing huwag nalang muna pansinin ang sinabi ko. After all, balak ko rin namang sabihin sa kanila. "Ano pong lagay niya? Tell me, she's okay right?"

The Way She Look at MeWhere stories live. Discover now