EPISODE III

20 5 0
                                    

"KAYLA MENDOZA"

Abala si Denny Ann sa pag-aayus ng biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid.
Pagbukas niya ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si David.

"Good luck sis!" Ngiting bati nito sa kanya.

"Salamat, halika pasok ka muna!" Sabi niya sa kaibigan at binuksan niya Ito ng malaki upang makapasok sa loob.

"Kamusta naman sa MIB kahapon? Nanermon ba nanaman si Miss Rita?" Tanong niya sa kaibigan.

"Wala namang pinagbago! Ikaw ba? Kamusta? Hindi kaba niya nahalata? Remember Denny Ann. Hinahanap ka pa din nung pumatay kay Miss Georgina." Paalala ng kanyang kaibigan.

"Alam ko Po, Hindi ko naman nakakalimutan yun. Isa pa may lead na ba si Miss Rita sa killers?" Tanong niya.

"Wala pa din. Sandali yung buhok mo hindi bagay sa Damit mo! Palitan natin." Sabi ng kanyang kaibigan.

THROWBACK,

"Miss Rita, ayus lang wag Kang mag-aalala! Walang nakakakilala saatin dito!" Sabi ni Denny Ann habang namamasyal sila sa isang Mall.

"Don't call me on my real name, Just call me Najuvia!  That's my screen name when I was an agent." Sabi ng babae sakanya.

"Wierd, but parang pamilyar po ang name na Yan?" Sabi niya habang nakatitig sa babae.

"Enough, kelangan na nating mamili ng mga gamit mo for your new identity." Sabi ni Rita sabay hila Kay Denny Ann papasok sa loob ng isang clothing store.

Habang abala silang namimili ng mga damit, si David Naman ay naka assign upang e-survielance ang paligid ng mall kung may mga kalaban!

"David, base sa huling sinabi ng kapatid ko! May traydor sa MIB Kaya mag iingat kayo. Wag na wag kayong mag bibigay ng ano mang detalye tungkol sainyong mga sarili! Lalo kana Denny Ann, lalo't nakita mo Kung Sino Ang mga taong pumatay sa aking kapatid. Hindi mo ba talaga naalala ang mga mukha nila?" Tanong ni Rita sakanya. At umiling-iling lang Ito bilang tanda ng walang naalala.

Nang biglang may makitang pulang dots si David sa paligid ng mall, at agad niya itong ibinalita kay Rita.

"Miss Rita can you hear me?" Sabi niya habang sinisigurado niyang nakakonekta pa siya sa kanilang lider.

"Yes I am here, bakit?" Sagot ng babae sa kabilang linya habang halata itong bumubulong.

"I see red dots in your area! Mga lima sila!" Sabi niya.

"Okay, guide us para makabalik kami dyan sa Van!" Sagot ng babae at agad niyang hinila si Denny Ann habang namimili ng mga damit.

"let's go, nandito sila!" Sabi ni Rita sa dalaga.

"Po? Papano Yung mga items? Binayaran nyo na yun!" Pag-aalalang Sabi ng dalaga.

"Makukuha natin yan kapag buhay pa tayo. Sa ngayon kelangan nating umalis para walang sibilyang madamay!" Sabi nito na halatang galit.

"Okay, Hello David nasaan na sila?" Tanong ni Denny Ann.

"Guide us david!" Sabi ni Rita habang nakahawak sa kanyang earphones.

"Okay girls, 234 ft Yung nasa westside. While Yung dalawa, malayo pa! Mag Elevator kayo, bakante at walang tao. Ill access their system, para makapasok kayo." Sabi ni David habang pinipindut ang mga keyboards sa laptop nya.

"Nandito na kami sa Elevator, open it now!" Sabi ni Denny Ann.

"Okay, hold on!" Sagot ni David habang pawisan itong nakatitig sa screen ng laptop nya.

Her name is Denny AnneWhere stories live. Discover now