Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

| o5 : Breadcrumbs |

17.2K 1.2K 731
                                    


----- CHAPTER o5 -----


My mouth watered at the sight of the crab recipes that I stumbled on. I scrolled away until I had the urge to check on Bailey, who is just lying next to me. Nang makitang tulog na siya, dahan-dahan kong isinara ang laptop ko at lumabas ng kuwarto.

Bumaba ako sa sala at nadatnan ko si Tito Maynard na naghahanda ng pagkain sa mesa.

"Tits naman, it's already midnight, kakain ka pa?" biro ko.

"Hindi ka pa naghahapunan kaya kumain ka muna. Si Bailey, tumahan na ba?" may pag-aalala sa mukha ni Tito habang nagsasalita. Ugh bakit ba ang mga mabubuting kagaya niya ang nagkakasakit? Pwede ba 'yong mga kriminal na lang?

"Cried herself to sleep. Hindi na siguro 'yon kakain." Naupo ako at sumambulat sa akin ang ilang piraso ng fried chicken. Naalala ko bigla ang putol na kamay at paa na nakita namin.

"On second thought, parang ayoko munang kumain." Idinaan ko sa tawa ang kilabot na naramdaman ko.

"Wren, magsabi ka nga. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit nagkaganoon si Bailey? Alam kong iyakin siya mula bata pa, pero sa klase ng iyak niya kanina, bakit parang may kakaiba? May nangyari bang masama?" usisa ni Tito at naupo sa tabi ko. He looked at me with dead serious eyes, one that I rarely see from him.

Naipatong ko ang siko ko sa ibabaw ng mesa at nasapo na lamang ang noo ko. I heaved a sigh, realizing there's no point in lying. "May nakita po kasi kaming putol na kamay at paa sa waiting shed."

"Ano?!" gimbal na bulalas ni Tito. "Sigurado ba kayo sa nakita n'yo? Tumawag ba kayo ng pulis?"

Tumango ako. "I called Stu. Siya na raw ang bahala kaya inuwi ko na rito si Bailey kaysa ba naman mag-isa 'yon sa bahay nila."

Bumuntonghininga si Tito at umiling-iling. "Sa lahat ng pwedeng makakita, bakit kayo pa. Sana naman hindi totoo iyong nakita ninyo. Hindi ba nga ay uso ang mga prank ngayon sa internet?"

"Sana nga . . ." sabi ko na lamang dahil baka madulas pa ako. Technically, medyo tama si Tito. Kung alam lang niya ang kinalaman ko sa nangyari ngayong gabi.

Poor Bailey. Siraulo 'tong sina Meow, hindi nagsabi na gagalaw na pala sila. At sa lahat ng pwedeng makakita no'n, si Bailey pa. Humanda talaga ang mga 'yon sa akin bukas.

All of a sudden, the doorbell rang. Mabilis na nakunot ang noo ni Tito. Sino ba namang siraulo ang pupunta rito nang ganitong oras?

"It's probably Stu," hula ko at saka tumayo para puntahan ito.

Tama ako. Pagbukas ko ng gate, bumungad sa akin si Stu na suot ang kanyang police uniform, bagsak ang mga balikat, at may pag-aalala sa mga mata. "Si Bailey?"

"Your sister is fine. Nakatulog na," I assured him as I rolled my eyes. What better way to convince someone his sister is fine than to act like a total asshole about it.

Saglit siyang tumingala at bumuntonghininga. Ibinalik niya ang tingin sa akin at wala akong ibang nakita sa mga mata niya kundi pagod. "Wren, pwede bang dito muna si Bailey? Hindi pa kasi ako pwedeng umuwi at ayoko namang mag-isa siya sa bahay."

Tumango ako na agad niyang ipinagpasalamat.

"Susunduin ko lang siya bukas ng umaga," aniya pa kaya tumango ulit ko.

Nagsimula siyang maglakad palayo, patungo sa motorsiklo niya. Naalala ko bigla ang nangyari sa mga magulang nila. It must be tough on their own, tougher on him since he's the older one.

How To Make A Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon