Chapter 2 Him

47 3 3
                                    


Chapter 2 Him

Umalis ako SA lugar na iyon, at pumunta muna SA ilalim ng tulay na aking nakita, para magpahinga, dahil kumikirot pa ang aking sugat.

"Shit!". Sigaw ko nang biglang kumirot Ng matindi ang sugat ko SA tagiliran Ng bewang ko at ulo. Napakagat ako SA ibabang Lani ko, upang pigilin ang nais na ungol na lumabas dahil SA sobrang sakit. Nagdidilim na naman ang aking paningin, pinilit Kong timayo pero hindi ko talaga Kaya, may nakita akong kahoy, para maging saklay ko, kailangan kong lumaban, Hindi dapat ganito ang maging kamatayan ko.

Ilang sandali pa akong nagpahinga ulit, para kahit konti magkaroon ako Ng lakas, may narinig akong parang may papalapit SA akin, Pero nagdidilim talaga paningin ko, hirap na hirap ako.......

Someone's Pov

"Tsk!", Kahit kailan ang tigas nang ulo ng babae na Ito". Bulong ko habang yumuyuko para kuhanin Ito at jargahin papunta ulit sa aking mansion.

"Buksan niyo ANG pinto bilis". Utos ko SA mga tauhan ko, Diretso tayo SA Hospital ni Daddy, bilis".

"Masusunod Young Lord". Sagot nito

"Uhmmmm". Rinig Kong daing ni Khim, I know her, matagal na, Yes ako ang mortal niyang kaaway SA Fraternity at ako ang master, we're young pero gusto ko na Siya matagal na, Kaya lagi siyang manalo SA laban namiN, dahil talagang nagpapatalo ako, kahit bugbog sarado ako dito ok lang, I like her dahil wala siyang kinatatakutan, pero ang ayaw KO SA kanya ang sobrang kaangasan niya at matabil na dila.

Hinipo ko Ito, at nagulat akoNg sobrang init na nito, at putlang puta, "bilisan niyo, papatayin ko kayo, kapag may nangyaring masama SA future wife ko!". Sigaw ko SA kanila na naglakihan ang  mga mata dahil sa gulat.

Blaggggg.....bigla akong nagulat dahil may bumunggo sa aming sinasakyan, at pinagbabaril Kami, mabilis ang kilos ko pati tauhan ko, nagpalitan Kami nang putok ng baril, pinatawagan ko ang aking Ina na si Alexa para magpadala ng ba-backup sa amin, dahil nakita Kong tatlong sasakyan ang sumusunod SA Amin.

Hanggang may mahawakan akong basa, at dugo Ito, pero hindi galing SA akin, kundi Kay Khim, may tama ito SA ulo at SA braso, Napaluha ako dahil parang hindi na siya humihinga.

"PUTANGINA!". Sigaw ko at nakita ko na ang pinadalang backup at Ina ko, nakikipag barilan na sila SA kalaban, Kaya sinabihan ko ANG tauhan ko na umalis na kami at dumeretso sa Hospital namin.

Agleron's Hospital

"BILISAN NINYO, Papatayin ko kayo lahat kapag Hindi nabuhay si Khim"! sigaw ko sa mga nurse na naroon. Agad silang nagsikilos at walang sinayang na oras, agad na dinala SA operating room si Khim.

Ilang oras ako nag-antay nang magiging resulta, kasama ko na 'rin ang Ina ko pati na 'rin ang Kapatid Kong si Daryl, kalalabas lang nito galing sa University na pinspasukan nito, at dito dumeretso dahil dito Siya mismo nag OJT SA sarili naming Hospital.

Lumipas pa ang ISA, dalawang oras, bago lumabas ANG aking ama na mismong nag opera Kay Khim.

Lumapit ito SA amin Kaya tumayo na ako SA aking inuupuan.

"Dad ano balita"? Tanong ko

"Anak comatose Siya, hindi ko alam, kailan Siya magigising, malala ang lagay niya, kilala mo ba sino kamag-anak niya? Tawagan mo na". Sabi ng sma ko.

Naisip ko si Kendie, ang laging kasama nitong lalaki na lampa, agad akong nagutos sa tauhan ko upang hanapin Ito.

Gagantihan ko, papatayin ko sino man ang may pakana SA pag sugod SA Amin, uubusin ko sila. galIt na sabi ko SA aking isipan.

"Anak alam ko ANG nasa isip mo, umalis Ka na SA Fraternity na iyan at pamunuan na ang ating samahan, pamunuan mo na kahit bata Ka pa, ALAM Kong Kaya mo na, maganda ang pagtuturi KO sayo at nakita Kong deserve mo nang pamunuan ito, Be the Lord, Be the Mafia Prince" Sabi Ng aking inang si Alexa

"Mahal ang bata pa Ng anak natin, bente anyos pa lang". Sangga ng ama kong si Andrew

Nagkasa ng baril ang ina ko at itinutok sa ama ko.

"Tsk, Tama na 'yan. Sabi ko SA kanila

"Mahal nagbibiro lang ako, alam mo naman na Your my Queen, My Love, My Hon---- Ayyyyy!

Biglang nagpaputok ang Ina ko SA paanan ni Daddy Kaya naputol ANG sasabihin Ng aking ama.

"Tigil tigilan mo ako sa kabwisitan mong sinasabi, mahiya Ka sa nakakarinig"! Sabi Ng INA ko SA ama ko habang sobrang Sana nang tingin dito. Umalis na ako SA harapan nila at sinilip si Khim. At umalis ako at nagkasa ng baril, at naramdaman kong sumusunod ANG ina ko SA akin. Magbabayad ang may gawa nito.

Kendie's Pov

"Tangina asan na ba ang babaeng iyon kahapon pa wala". Bulong ko SA sarili ko. Pumunta ako sa  Underground na pinupuntahan nito lagi, pero "di ko siya nakita Doon, ano Kaya nangyari sa impaktang iyon, namatay na kaya?, Imposible dahil masamang damo iyon, asan na Kaya---- "Fuc* " nagulat ako dahil biglang nasira ANG pinto at may pumasok na tatlong lalaki.

"Ikaw ba si Kendie"? Tanong Ng ISA

"Kahapon Kendie pa name ko, ngayon Kentot na, Kaya umalis na kayo". Bulyaw ko SA MGA Ito.

Nanlaki ang Mata ko, dahil nagkasa Ng baril Yung isa SA kanila.

"I'm Kendie, nice to meet you everyone", mabilis Kong Sabi.

Tinutukan ako Ng baril ng isa at sinenyasan na maglakad, Kaya sumunod ako.

Sumakay kami sa kotse nilang dala at pinaharurot na Ito ng isa SA kanila,

"Mga kapatid saan ninyo ako dadalin, Baka hinahanap na ako ni Khim, wala ako SA bahay, mababatukan na naman ako non". Kausap ko sa isang katabi ko. Tinignan Lang ako nito nang masama, Kaya napalunok ako at nanahimik na Lang. "Asan Ka na ba kase Khim, kailangan Kita ngayon" anang isip ko, tagapag tanggol ko si Khim, 18 year old na kami parehas ngayon, 10 years na kami magka kilala, Doon palang SA bahay  ampunan, at nung mag kinse anyos  Kami, tumakas kaming dalawa at napadpad SA Recto.

Agleron's Hospital

"Kapatid ano gagawin natin dito, mag pa test ba kayo? Nag dodroga ba kayo? Kung ako naman, hindi po ako gumagamit niyan". Tanong ko SA kanila. Tinignan Lang nila ako.

Huminto Kami SA isang room, at kumatok yung isa.

"Sino 'yan"? Salita Ng Kung sino SA loob

"Young Master andito na po ang taong pinahahanap niyo, si Kendie". Sagot ng katabi ko.

"Papasukin mo" sagot Ng tinawag nilang Young Master SA loob

Pumasok ako at nagulat ako SA aking nakita, si Khim nakahiga SA kama at maraming mga nakalagay sa buong katawan.

"Khim"! Sigaw ko at lumapit ako at niyakap Ito, habang unatungal

"Khimmmmm ano nangyare sayo, masama Kang damo, 'di Ka mamatay Di ba"? Kausap ko dito, at biglang may bumatok SA akin.

"Ulul Kung makaiyak Ka parang nasa burol Ka, at parang 'di lalaki, eskandalosong unggoy" sita nito SA akin.

"At sino Ka Naman"? Tanong ko dito

"Future Husband". Sagot nito

"Ulul future husband?, Nagpapatawa ka, barako 'yan, Baka mapatay Ka Lang nito, pusong bato pa Ito, kilala ko Ito, Hindi Siya magkakagusto SA isang katulad mo". Tinignan ko Ito mula ulo hanggang paa. "NAKA JUMPER KA, BADUY, LAKE PA NG EYEGLASSES MO"! Sigaw ko dito.

Nagkasa ito Ng baril at itinutok SA ulo ko.

"Pero Brad may itsura ka---- Este gwapo", mabilis Kong Sabi dito dahil, kakalabitin na nito ANG gantsilyo Ng baril.

"Umayos Ka uranggutan, pasalamat Ka kaibigan ka ni Khim, Kung hindi kanina Ka pa nasa morge.......

The Sadists Lady BossWhere stories live. Discover now