Chapter 5

4.1K 283 32
                                    

                                                                          ANG PAGLINLANG SA PAMUNUAN

                              Halos walang pagsidlan ng tuwa si Tarik ng makita ang bungkos-bungkos na salaping dala nina Agut at Digo.

" Ito ang sinasabi ko!," sambit nito na halos manlaki ang mga mata," Ito ang maglalagay sa atin sa kapangyarihan dito sa mundong ito. Sasambahin tayo ng mga tao kapag dumami ang hawak nating ganito! Simula ngayon ay hindi na tayo mag-aabala sa mga kaunting salapi lang. Doon tayo kung saan limpak-limpak ang makukuha natin."

" Tinamaan po ng sandata nila si Digo," sabi ni Agut.

Napatakbo si Dita papunta kay Digo upang tingnan ang sugat nito.

" Malalim ba ang sugat? Malubha ba yan? Ano ang nararamdaman mo anak?" sunod-sunod na tanong nito.

"Daplis lang 'to 'Nay," sagot ni Digo," Hindi naman po gaanong malubha."

" Kayang-kaya yan ni  Bengbeng," sabat ni Tarik habang abala sa pagbibilang ng mga salapi.

" Ano ka baTarik? " pagalit na sabi ni Dita," parang wala lang sa 'yo ang sinapit ng anak mo! Paano kung may lason ang tumama sa kanya?"

" Walang lason ang bala ng mga sandata ng mga tao," sagot ni Tarik, " Isa pa, kailangan nilang masanay sa ganyang klase ng sugat. Ang bilin ko lang, huwag kayong magpapatama sa ulo. Malakas ang sandata nila dito. Oras na tamaan kayo sa ulo, patay agad kayo."

" Walanghiya ka talaga Tarik!" sabi ni Dita at nagdadabog na umalis.

" Ilang beses ko ba sasabihin, Ben ang pangalan ko!," sigaw ni Tarik sa asawa, " Patay na ang engkantadong siTarik. Ang narito ay si Ben, ang pinakamayamang tao sa lugar na ito, at ikaw naman si Linda, ang asawa ko!"

" Lalabas pa po ba uli kami ni Agut para kumuha ng marami pang salapi?" tanong ni Digo.

" Hindi na," sagot ni Tarik, " magpahinga muna kayo. Ipagamot mo kay Bengbeng ang sugat mo."

"Opo," sagot ng dalawa at naglakad palabas ng silid.

" Papuntahin mo dito sina Itoy at Dasig." pahabol na utos ni Tarik. " Sila naman ang uutusan ko."

                           Pagkatapos kausapin ni Tarik sina Itoy at Dasig ay agad itong lumabas ng bahay bitbit ang isang plastic na supot. Naglakad ito papunta sa isang tindahan malapit sa kanila.

"nandiyan ba si Rigor?" tanong nito sa tindera.

"Nasa loob po." sagot ng tindera," Pasok po kayo."

Pumasok si Tarik at agad dumiretso sa likurang bahagi ng bahay .

"Boss Ben!" bati sa kanya ng mga nag-iinuman doon sa loob, " Kanina ka pa namin hinihintay."

" Ito na ang ipinangako ko sa inyo," sabi nito sabay abot ng supot.

Inabot ni Rigor ang supot at agad sinilip ito. Napangiti ito ng makita ang mga  bungkos ng pera sa loob.

" Ang bilis ah!," sambit nito, "Ipinatira mo na agad? Kagabi lang natin pinag-usapan to ah."

"Hindi pa," sagot ni Tarik, " Gagawin pa lang namin pero gaya ng sabi ko, uunahin ko na ang bayad para sa impormasyon na ibinigay mo."

" Salamat Boss Ben," nakangising sagot ni Rigor, " kapag ganyan ang usapan, lalago itong partnership natin."

" Mauna na ko sa inyo," paalam ni Tarik, " may gagawin pa ako."

"Tagay ka muna," alok ni Rigor. " Pampainit ng katawan."

Ang Huling PakikipagsapalaranWhere stories live. Discover now