Red Chapter (The Lovely Beginning)

154 66 6
                                    

“Bakit kailangan pa nating magpakilala isa-isa? Eh tayo lang din naman yung magkaklase simula Grade 7 ah?" Irita kong tanong kay Jane.

Ewan ko nga kay Ma’am Sheela. Grade 11 na tayo. Susssmeee naman! Siguro may transferee no?"  loka-loka nyang sagot.

Traansferee? Wow! Umalis sa school – oo, meron. Pero yung taga ibang school lumipat dito? C’mon, it’s unbelievable!”  Agad kong sagot kay Jane.

Oyy! Grabe ka naman sa school natin Mikoy!” singit ni Sarah sa usapan namin.

“Totoo naman ee. Tsaka it’s not Mikoy. So grooooss! It’s Mica. As in Micaela!”  Sabi ko sabay irap kay Sarah.

Micaela? Gooosh! Mikoy, may i+l0g ka! Wag kang umasa.” Agad kantyaw sakin ni Gino.

Tawanan lahat.

Wooooow! Oo, may i+l0g ako, pero mas maputi pa ‘to sayo. HAHAHA!”  agad kong sagot.

Mas lalong nag ingay yung buong klasroom namin.

Tsaka bakit ka ba nakikisabat? Eh usapan to ng mga mapuputi. Alissss ka nga!” Dagdag ko pa.

Kahit ako mismo natatawa sa mga pinag gagawa namin.

Gino, alis ka na!  Bilissss! Baka masipa ka ng Kabayo!”  Biglang sigaw ni Rica.

Nagkakagulo na kami sa loob. Maluha-luha na ako sa katatawa.

Rica, pag tinadyakan kita sa puson, laglag napkin mo na yan. Hahaha! Umayos ka.” Sabi ko kay Rica.

Tawang-tawa ang lahat. Sobrang saya namin nang biglang…

Dyaaaan na si Ma’am!”  sigaw ni Joshua.

*Boooogsh! Blaaagsh! Afhgbbjhk. Biglang transform namin.

Wooow! Tahimik ah? Parang kanina lang halos marinig na yung ingay nyo sa buong Senior High building ah?”  Kalmadong sabi ni Ma’am habang nakatayo na medyo nakasandal sa bungad ng pintuan.

Ewan ko sa kanila Ma’am! Sinabihan ko na sila yan Ma’am na huwag maingay kasi may klase sa kabilang section.”  Bida-bidang sabi ni Sarah na may kasamang ngisi. Ngunit na bash siya. HAHAHAHA

Shhhhh! Tama na yan. Mahiya naman kayo kahit konti sa ating transferee.” Sabi ni Ma’am.

Hayst! Ganun talaga kami sa section namin ee. Ganun kami mag asaran pero syempre walang pikonan. Kumbaga part lang yun nang pagpapatawa at pagbibigay buhay sa aming klasroom. Kilala na kasi namin yung isa’t isa. Magkaklase na kasi kami simula Grade 7 hanggang ngayong Grade 11 ee. Iisang strand (General Academic Strand) nalang din yung kinuha namin para magkakasama parin kami.

Kaya walang samaan ng loob. Pero kahit ganyan kami mag asaran, kung may problema naman kami ay nagtutulungan naman kami. Kapag may inutos na ipagawa sa amin, syempre – hindi namin gagawin yun. Chuss! Syempre gagawin namin yan with passion.

Maingay kami, oo. Pero pag pinagalitan kami – tahimik muna yan. Pero pagkatapos, wala na. Ingay ulit! Gagayahin pa kung paano nasermonan ni Ma’am/Sir. Hay naku. Wala ee. Ganun kami magmahalan ee. Pero wait, sinabi ba ni Ma’am na may transferee?

May transferee daw!” Excited na sabi sabay hampas sakin ni Jane.

Sana lalaki! Sana lalaki! Sana lalaki! Sana lalaki!” Bulong naming tatlo. Katabi ko sa kanan si Sarah at si Jane naman sa kabila. Tuloy-tuloy lang kami sa pagbulong nang bumulong din si Gino at Joshua sa may likuran namin.

The Runaway Best ManWhere stories live. Discover now