Sa Canteen

58 49 2
                                    

Matapos mag lecture ay pumunta muna kaming mga lalaki sa canteen para mag meryenda. Kasama ko sina Gino, Joshua, Johnmark at Joem.

Habang sa canteen ay may mga nagtitiliang mga Senior High TVL na nandoon. Nailang ako nang kaunti kasi bigla nalang silang nag ingay nung dumating kami.

Habang pumipili ng bibilhin ay tinawag nila si Gino at lumapit naman ito sa kanila tapos parang may binulong. Ako naman ay bumili ng turon at C2.

Habang inaantay ko ang sukli, lumapit sa akin si Gino.

Pre, may gusto daw sayo yung babae nayun oh! Sabi ni Gino sabay turo sa babaeng pinagkakantyawan ng mga kasama niya.

Pang sira naman oh! Ewan ko sayo. Nahihiya ko pang sabi.

Kawayan mo bago tayo umalis. Para naman sumaya si Mariah Kate. Sulsol sakin ni Gino.

Palabas na kami matapos naming bumili nang sikihon ako ni Gino. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Kumaway ako sa sinasabi niyang Mariah Kate.

Pagka lagpas namin ay bigla nalang silang nagtilian.

Lumingon pa ako saglit at nakita kong pinagkaka guluhan nila ang babaeng kinawayan ko. Hayst!

Grabe ka talaga Pre! Ilang weeks ka palang dito pero may nagkakagusto na sayo. Sabi ni Joshua.

Oo nga. Ako nga, apat na taon na ako dito pero wala paring nagpaparamdam sa akin. Singgit naman ni Johnmark na nagpatawa sa amin.

Paakyat na kami sa 2nd floor nang makasalubong namin ang mga kaklase naming babae na papunta din sa canteen.

Nang sa taas na kami ay dumaan kami sa katabing classroom namin.

Nagyaya sila Gino na mag ML kasama ang ibang section.

Tara Pre, laro tayo. Yaya sa akin ni Joshua.

Sige Pre. Kayo nalang muna. Naka charge pa kasi cellphone ko ih. Sagot ko naman.

At nag simula na nga silang maglaro. Maya-maya pa ay bumalik na ako sa classroom. Para icheck yung cellphone ko at mag pahinga muna.

The Runaway Best ManWhere stories live. Discover now