Chapter 8

490 6 0
                                    

When entered into Alice's mansion, I look for Ate Nelly one of the Filipinos in the mansion. Usually kasi one day off lang siya and that is every weekdays kasi di pedeng mawalan kasambahay sa mansion. I found her in the kitchen.

"Hi ate Nelly, kumusta?

"Hello Mands, ok lang naman. Kumusta weekend mo?"

"The usual lang te, asan si Alice" Alice prefers to be called on her name ayaw niya ng may maam or madam. Ok na lang name basis lang.

"Ayon nag siesta pag kakain niya ng lunch.'

"Ininom niya ba vitamins niya"

"Oo after ng breakfast niya"

"Good, asan na ung iba?"

"Naku wala pa, baka mamayang gabi pa un. Ikaw lang naman umuwi ng maaga sa mga yun"

"Eh, ate 2 days off naman ko. Sila naman one day lang"

"Sabagay"

"Saka ayoko na gumala sayang ang pera" and I laugh after I said that.

"Sus, ikaw pa mawalan eh laki ng lupain nyo sa Pinas" natatawang sabi neto. Nagkukwento na rin naman ako kay ate nelly ng buhay ko.

"Ay naku ate sa tatay ko un hindi sa akin. Saka mejo maliit lang kita ngayon sa kopra kaya todo kayod ako" sabi ko naman sa kanya.

"Sabagay, pero ikaw dalaga ka pa at wala ka pang binubuhay na pamilya kaya maswerte ka pa din" Si ate Nelly ay nasa late 40's na medyo matagal na ding naninilbahan kina Alice, may 3 siyang anak at isang sugarol at magiinom na asawa. Kawawa nga itong babaeng to kasi puro padala wala naman kinapupuntahan ang pera. Nung una padala siya ng padala kasi akala niya may bahay na sila, ayon pala hindi ginagastos sa tama yung pera. Tapos ang mga anak neto akala niya nag-aaral aba hindi pala at puro bulakbol. Yung 2 nyang anak na lalaki ke aga aga ayon mga nakabuntis kaya may 5 na siyang apo at siya ang bumubuhay sa lahat ng ito. Ung anak na lamang niyang babae ang mukhang may pag-asa si ate kasi masipag mag-aral. At nasa college na si Norabelle.

"Hindi rin masyado ate Nelly, by the way maiba ako. Yung anak ba ni Alice na lalaki eh hindi talaga pumupunta dito?"

"Naku sa sampong taon ko dito madalang pa sa patak ng ulan un pumunta dito. Masyado atang busy sa mga negosyo nila. Aba nagpapayaman ng husto eh"

"Ay ganon ba?"

"Naku oo kaya nga nagtatampo si Alice dun madalas kasi sa opisina na lang ni Blake siya nakikita. Saka siguro naiirita dun sa nanay niya kasi lagi na lang siyang sinasabihang mag-asawa. Itong naman si Blake eh mukhang wala ng balak mag-asawa, bakit mo naman naitanong?

"Wala lang po curious lang po ako"

"Ay naku, siguro crush mo ano?, napaka poging bata nakita mo mga picture niya sa may family room? Malamang boto sayo si Alice, aba ilang buwan ka pa lang dito pero kapalagayang loob mo na agad"

"Crush agad? Di po ba pedeng nagtatanong lang." natawa lang si Nelly sabay sabi.

"Alam ko laging asa labas ng bansa ung si Blake lately kaya si Alice eh hindi ito napupuntahan sa office. Pag andito na yun malamang makita mo siya in person kasi isasama ka ni Alice sa office"

"Naku wag naman sana" sa isip isip ko.

"Ah naku ate Nelly ako ay pupunta na muna ng kwarto ko, mamaya ko na sisilipin si Alice at malamang tulog pa yun"

"Sige at ako ay maghahanda ng merienda mo"

"Wag na po at ako naman ay busog pa. Saka mamaya maya mag gygym ako" Isa sa pinagpapasalamat ko dito sa mansion na ito ay ang gym sa may second floor. Sobrang kumpleto neto sa gamit.

Flirty and ThirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon