Chapter 3

4 2 0
                                    

Athene's POV

11:35 am

Maingat akong lumabas ng kwarto ko, dala-dala ang bag ko. Tumingin ako sa left at right to make sure no one's around.

Sinadya kong ngayon tumakas kasi ganitong oras busy ang mga guards sa pag-roronda, ang mga maids busy din sa kusina, at kapag dumating na si nanay at kumatok, akalain niyang natutulog ako. Kapag kasi natutulog ako, di niya ako gagambalahin.

I made sure walang ingay sa aking pag-lalakad patungo sa backdoor para hindi ako maka-attract ng unwanted attention.

Siguro si Sir Lister o si Sir Je-ar ang nasa back gate ngayon. Sila yung guards na naka-assign mag-bantay sa back gate. Pero I don't have to worry about them, I can handle them naman kasi close naman kami e, I can just sweet talk them.

Mabilis akong naglakad patungo sa back gate sinubukang tanawin kung sino ang nagbabantay. Pero surprisingly, wala silang dalawa. Napangisi ako. Heaven is with me in this one huh. Clearly, ayaw nilang mapunta ako sa— ano tawag do'n? Imitheos Legacies ba yun? Anong klaseng skwelahan ba kasi yun. As much as I'm curious of it, ayaw ko pa din mag-aral dun, kaya I have to neglect this curiosity.

I lowered my hoodie as I walked through the subdivisions gate-- yeah nakatira kami sa isang subdivision. This subdivision is our family's, nandito lolo ko and his siblings, mga pinsan ko, tita's and tito's. Pero syempre— lahat sa side ng papa ni mama, 'di ko knows kay lola eh. 

Pag-labas ko sa subdivision namin, may jeep agad akong nakita na saktong papunta sa Bus Terminal. Hindi na ako nag-sayang ng oras at pinara ko na ito at sumakay na.

Nang nakarting na kami sa bus terminal, agad-agad akong bumaba. Feeling ko nagka-bruises na ako dahil sa braso nung katabi ko, siksikan kasi kanina kaya lagi akong na-sisiko ng katabi kong lalaki.

Agad akong pumasok sa terminal dala-dala malaki-laki kong bag at kumuha ako ng ticket pa punta sa probinsya ng kapatid ni lolo na hindi sumabay saamin sa Subdivision— well, I will not go exactly where my lola is,  but sa close friend ko na 'di kilala ni mama. 'Cause I'm sure she'll go to my lola first to find me, it could buy me some time.

I saw some stores na nagtitinda ng pagkain, but I saw a bus going to the province na malapit na yatang mapuno. Kaya instead of buying food, I quickly got on it, baka mapuno pa, nag-baon naman ako ng chips.

Upon entering the bus, I saw that my favorite spot was not occupied, the end seat, kaya mabilis akong umupo dun. I took out my AirPods and my phone, and isang nova.

Pagkagat ko ng isang nova agad namang umandar ang bus. I'm so right on time. I played some music on my phone, and ate my nova while looking outside the window.

Tiningnan ko ang aking relo, it's already 1 pm and I haven't eaten lunch yet.  Malayo-layo pa kila lola, mga 6 hours pa and this bus is nonstop kaya I can't buy anything pa. Anyways, kaya ko namang 'di kumain, pagdating nalang ako kakain.

Since malayo pa ang probinsya ni lola, natulog na muna ako.

Nagising ako sa pabiglang pag brake ng bus. I looked at my phone and saw that it was already 6:54 pm, 5 hours na pala akong natulog. Tumayo ang driver at humarap saamin.

"Pasensya na mga pasahero, pero mag-aantay muna tayo ng mga trenta minuto, dahil may naging komplikasyon sa bus. Parating na ang tulong, at kelangan lang namin ng trenta minuto, ayos lang ba yun?" Sabi ng driver, marami naman ang sumang-ayon at bumalik na sa kanilang ginagawa.

"Ano po bang nangyari? Nagmamadali po kasi ako." Sabi nung babae sa harap.

"Sa tires lang ho maam. Habang nag aantay, pwede kayong umihi muna." Sabi ng driver. Kaya ako biglang naihi din ako. Maraming bumaba kaya bumaba na din ako.

AtheneWhere stories live. Discover now