Chapter 5

1.4K 56 0
                                    

Kabata sinco!

Klea's POV.

Nag peke pekean akong natulog para maka alis at makapag report kay mama. I know sa ngayon hinihintay na niya ako sa labas. Lihim akong napangiti ng marinig ko ang pag hilik nilang dalawa kaya dahan dahan akong tumayo at umalis sa higaan. Nang makatayo ako ay tinignan ko sila at kinumutan ko silang pareho. Ayoko naman kasi silang lamigin. Pero nakakatawa yung itsura nila nung nag kita sila. Para bang may galit sa isa't isa.

'Ayaw niyo talaga sa isat isa e nuh? Hay nako!'

Kinuha ko ang cape na pinahiram sakin ni Airena at sinuot tsaka lumabas ng dahan dahan.

Agad akong pumunta sa garden kung saan kami mag kikita ni Mama. Ang tahimik ng gabi at ang lamig ng simoy ng hangin. Hindi ko rin maitatanggi na ang ganda ng tanawin dito. May mga puno na may ibat ibang disenyo halimbawa yung isa parang kabute yung isa naman hugis bilog. Meron ding daanan dito na gawa sa bato. Tapos sa gilid nito ay may mga bulaklak na parang nag liliwanag. Tapos may fountain pa sa gitna. Tumigil naman ako sa pag lalakad at lumingon lingon sa paligid. Nang makumpirma kong walang tao ay inihanda ko ang sarili ko.

"Alam kong nanjan ka lumabas ka na... Mom."

"Akala ko talaga ikaw si Prinsesa Windy, Klea. Bakit mo suot ang kapang iyan?" lumabas mula sa may puno si Mama at binaba nito ang hood na tumatakip sa mukha niya.

"Pinahiram sakin ito ni Airena ma. Mabuti nga't nag kita na ulit kaming dalawa eh." nakangiti kong sabi.

"Tama. Oh ano kumusta ka dito? Di ka ba nababagot? O nahihirapan? O iba pa?"

"I'm ok here mlMom." tumango tango ito at ngumiti tsaka ako niyakap. Yumakap ako pabalik at humiwalay rin. Madami akong sabi sa kaniya about sa school na ito. Sa bawat pasikot sikot. I even have the blueprint of this school. At masasabi kong napaka high-tech na nila dito. Mas advance pa sila sa mundo ng mga tao na siyang dahilan kung bakit nahirapan ako. But here I am I give it to Mom the blueprint of this school.

"You're really are unstoppable my daughter." ngumiti ako sa kaniya at tumango.

"Kanino pa ba ako mag mamana? Edi sa nanay kong sobrang galing at maganda."

"Kanino ka natutomg mambola Klea?" tinawanan ko siya at niyakap.

"Thank you Mom." bulong ko dito. Nag papasalamat talaga ako na siya ang nanay ko. Na siya ang gumagabay sakin sa lahat. Kung wala siya pano nalang ang buhay ko? Kung wala siya hindi ko to mararating. Masama man ang ginagawa ko pero ito rin ang kabayaran ko sa lahat ng sakripisyo ni mama sakin. I love my mom and I will do everything just to make sure that she will be safe.

"You're always welcome anak. O siya pumasok ka na baka mag taka ang mga kaibigan mo dun." tumango ako at umatras. Nginitian niya ako at kumaway sakin habang pumupunta sa dilim. Nang mawala na siya sa paningin ko ay naglakad na ko pabalik.

"Kuya Ashton kasi! Kung sana naging good ka hindi mawawala si Windy ngayon!" napahinto ako at dumungaw sa isang pasilyo. Nandito sila... Ang mga anak ng royalties.

"Bunso kasalanan iyon ng babae. Kung sinabayan niya ako edi sana walang gulo diba?" yung lalaking ugok.

"But kahit saan tignan ikaw ang lumalabas na masama Ashton. That girl is only protecting her self. Same with Windy." yung babaeng may Aquamarine na buhok.

"Now how can we find Windy huh?" tanong nang may kulay kape na buhok.

"Haluglugin ang bawat kwarto?" bobo amp! Nakulangan ata tong ugok na to. Nung makita ko ang blue print halos isang libo ang bawat silid sa Academy na ito tapos hahaluglugin bawat isa? Tanga. Nakakuha tuloy siya ng batok sa mga babaeng kasama niya.

Crystal Academy : School Of Magic | COMPLETEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora