Chapter 6

1.3K 52 3
                                    

Eunice's POV.

Nag hihintay kaming bumukas ang pinto ng elevator na to. Kanina pa kami dito ha! Hay nako nahulog pa ang nga gamit ko kaya pinulot ko ito. Tinulungan naman ako ni Twiny tas ayun nag bangayan kaunti.

*Ting*

Thank god bumukas na ang pinto kaya minadali kong pulutin ang gamit ko at tumayo.

"Why may problema ba?" si Windy iyon ha!

"M-masakit. Masakit tyan ko!" rinig kong sabi ng kung sino.

"Klea!" agad akong napalingon kay Windy nang bagitin niya ang pangalan na iyon. Tumingin naman ako sa babaeng tumatakbo.

Klea? Nag kataon lang ba na mag kapangalan sila ni Klea?

Sinundan ko ito at ganun din si Aleah.

"Klea!" tawag ni Aleah nang makita naming nasatapat na nang Dark Forest ang babaeng nag ngangalang Klea. Tumigil ito at parang nag aalinlangan. Papalapit na sana kami pero nakita namin si Cean na dumating at hinila ang babae.

"Bitawan mo ako!" sigaw nung babae kay Cean

"Bakit ka ba tumatakbo?"

"Let me go please." pag mamakaawa nito.

"Bakit ka ba kasi tumatakbo? Sino ang tinatakasan mo?" nakita ko ang babae na parang galit na galit. Nag angat ang mga buhok nito. This scene is familiar! Ganto rin ang nangyari kay Ashton.

"I said let me go!" Biglang lumabas ang apoy sa paligid nila kaya nabitawan na ni Cean ang babae. Tumakbo ang babae papasok sa forest.

"Klea! Bumalik ka dito!". Sigaw ni Windy. Kasunod niya si Heal na halatang nag aalala.

"Pupuntahan ko siya!" giit ni Heal at hahakbang na sana kaso dumating ang prinsipe ng Crystal Kingdom. Si Prince Shorenz Heatreo Ero Marbles Crystal o Prince Shem in short. Ang inampon nina King Hades dahil di na magkaka anak si Queen Aliza. Mas matanda ito kay Princess Seal. Sinasabing cold hearted ang lalakeng to. Possible din na hindi siya kasama sa bibigyan ng pamana. Hindi naman siya masama cold lang talaga. Pag napatunayan na patay na talaga si Princess Seal ay saka niya mapupunta lahat lahat.

"Walang papasok sa Gubat na iyan." malamig nitong sabi.

"Hindi mo ako mapipigilan." giit ni Heal at tumakbo na papasok.

"Heal!!!" tawag ni Windy at pumasok rin sa kagubatan.

"Tch. Tara puntahan natin sila." giit ni Kuya Meteorenz. Ahh si kuya meteo.. Wtf! Si kuya nandito na! Nakita kong pumasok na ito sa loob kasama si Shem kaya pumasok rin agad kami sa loob ng Dark Forest at tinatawag si Heal at Klea.

"Klea!"

"Heal!"

"Asaan kayo!"

"Klea! Heal!"

"Ahhhhhhh!!"

"Si Heal iyon!" Giit ni Aleah habang nakatingin sa kanan.

"Tulonggg!!!"

"Si Klea!" Si Windy na halatang nag aalala.

"Klea! Heal! Asaan kayo!" Sigaw ko.

"Wala na sila dito." Napalingon kami sa nag salita. Isang Dark Orc mga malalaking halimaw na kulay itim. Ito ang pinapatay namin sa tuwing papasok kami dito sa Dark Forest.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ashes habang nakalabas ang dagger niya.

"Nasa Underworld na sila! WHAHAHHA!" giit nito na sinabayan pa ng nakakatakot na tawa. Goshh! Si Heal! At yung Klea! Mapapahamak sila doon!

Crystal Academy : School Of Magic | COMPLETEDWhere stories live. Discover now