[o3] The Only One Allowed to Bully Mavis

6.8K 234 36
                                    

"PRESIDENT Mabs totoo ba?!" tanong ni Kisa, ang Student Council treasurer nina Mavis, habang nakapanlumbaba siya sa student council room. Hindi na kasi siya um-attend ng klase. Nagkulong siya roon buong araw. Wala siyang nagawa kung hindi ang maging depress sa nangyari kaninang umaga. Sino ba kasi ang naglagay no'n doon? Wala pa nga siyang sinasabihan, a.

Baka naman pakana na naman 'to ni Yohan? Ang walanghiyang 'yon. Sumosobra na talaga siya. Pati ba naman ang reputasyon ko sa eskwelahang 'to pakikialaman niya? Inis na sabi ng utak niya.

"Pres malaking gulo 'to. Hindi 'to matatanggap ng student body," dagdag naman nitong secretary ng Student Council na si Reika. Silang tatlo lang ang nasa student council room. Tsaka silang dalawa ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Mavis. Hindi siya takot na mag-share sa kanila ng mga sekreto dahil alam nitong hindi nila iyon ipagsasabi. Mananatiling sekreto iyon kahit na tumanda man silang tatlo.

Idagdag pa na alam nina Kisa at Reika na si Yohan ang sinasabing monster ni Mavis na sumira ng childhood niya.

"What can I do? Totoo 'yong nasa bulletin board kanina. Doon ako nakatira sa bahay ng Student Council president ng St. Blue. Well, unfortunately, bestfriends ang pamilya niya sa pamilya ko kaya nagkaganoon. Alam niyo naman na nasa labas ng bansa sina mommy at daddy, pati sina ate Blair tsaka kuya Levi." Napasampa si Mavis sa upuan habang nakatingin lang sa kanya ang dalawang kaibigan. "Ako lang ang natira dito sa Pilipinas. Kaya ayun, doon muna ako pina-stay ni mommy sa bahay ng bestfriend niya." She rolled her eyes. Talagang naiinis na siya sa katotohanang close ang pamilya nilang dalawa.

"E, sino ang gumawa ng eskandalong 'yon?" singhal ni Kisa habang naglalaro ng darts. Para ngang gustong matawa ni Mavis dahil kinuha niya 'yong picture ni Yohan mula sa schoolpaper na issue noong naging champion sa Judo competition ang St. Blue at nilagay sa board ng darts na nilalaro niya.

"Wala akong alam. Ni wala pa nga akong sinasabihan noon, e," paliwanag ni Mavis.

"Baka haters mo Mabs. Alam mo naman 'yong school na 'to puno ng bitches. 'Tsaka kahit magkaaway ang Sinclaire at ang St. Blue 'di maipagkakailang marami ang sumusuporta riyan sa Yohan na 'yan. Kung hindi lang maganda ang mukha, e," pahiwatig naman ni Reika habang panay ang text.

"Asus. E, may gusto ka nga roon sa isang professor na kakagraduate lang at employed agad, e. Iyong si sir Ryle ata 'yon? Iyong sinasabi nilang genius daw," kontra ni Kisa.

"Shut up, goth girl." Tsaka itinapon ni Reika ang cushion na nasa tabi niya sa mukha ni Kisa. "Basta Mabs, sa oras na malaman natin na si Yohan nga ang may pakana no'n, siguradong all out war na 'to sa pagitan ng St. Blue at Sinclaire. That, or the other reason."

**

Samantala, sa St. Blue Academy.

"Hindi nga puwedeng pumasok sa loob," pakikiusap ni Darren, ang vice president, sa ilang members ng student council na papasok sana sa loob ng Student Council room.

"Bakit nga kasi Darren? Ano'ng nangyayari? Bakit hindi puwedeng pumasok? 'Tsaka hindi ba may meeting tayo ngayon?" tanong ng P.I.O. nila.

"Oo nga. And what's with this menacing aura na mukhang nanggagaling sa loob? Ano ba talagang nangyayari?" dagdag pa ng kanilang treasurer.

Napabuntong-hininga si Darren at sinenyasan si Ryner, ang auditor, na i-take over ang pag-e-explain.

"To put is simply," panimula ni Ryner, "there's hell inside. Bad mood si pres at kapag nagpumilit pa kayong pumasok, bahala kayong matusta roon."

Parang nabato ang ilang members pagkarinig pa lamang na bad mood ang student council president.

"Ah...e.. Sige Darren, Ryner.. may nakalimutan pa pala ako sa classroom."

"Tatapusin ko pa 'yong project ko."

"May date pa ako."

"Kailangan ko pang magsummarize ng budget natin for this month."

"Natatae ako!"

Naiwan sina Ryner at Darren sa tapat ng SC room.

"Narinig lang nila na bad mood si Yohan kumaripas agad ng takbo. Mga lampa," sabi ni Ryner na napakamot ng ulo.

"Nakita mo na ba si Yohan kapag bad mood siya, Ryner?" tanong ni Darren sa kanya.

"Hindi pa."

"Yeah, I guess you haven't. But believe me, hindi ka matutuwa kapag bad mood 'yang si pres."

"Nakakatakot ba talaga siya?" May biglang pumukaw sa kuryosidad ni Ryner at naitanong iyon.

"You have no idea," sagot ni Darren na napailing na lamang.

"E, bakit ba kasi bad mood siya?"

Darren puffed some air bago siya nagsalita. "There's someone messing with his property. Or, well, something like that. Alam mo naman kung gaano ka-possesive 'yang si Yohan, 'di ba? Iyong si Mavis? Iyong kababata niya na student council president ng Sinclaire, I heard may issue na nangyari kaninang umaga sa school nila dahil nalaman ng student body na nakatira siya ngayon sa bahay nina Yoha—"

"Are you done talking?" sabay na napalingon silang dalawa ng bumukas ang pinto at lumitaw si Yohan na nababalutan ng itim na aura.

"Uhh..sorry. I must've talked too much," sabi ni Darren.

"Get inside. Now." Yohan ordered. Nagtinginan ang dalawa. "I said now!"

**

"Umm.." Nakaupo ngayon sina Darren at Ryner sa tapat ng table ni Yohan habang siya naman ay nakatalikod at pilit na kinakalma ang sarili.

"Who did it?" tanong niya.

"Pres what are you—" Hindi natapos ni Ryner ang sasabihin niya dahil biglang sumigaw si Yohan.

"I said who did it? Sino ang tanginang naglakas-loob na i-announce na sa amin nakatira si Mavis?!"

"Yohan would you calm down?" Darren interrupted but Yohan shot him with a glare.

"Answer me. Kayong dalawa lang ang nakakaalam na sa amin siya nakatira ngayon dahil nandoon kayo sa bahay ng dumating siya at naglalaro tayo ng basketball. Sino ang gagong gumawa no'n?!"

"Are you accusing us?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Darren sa kanya. Sa loob ng tatlong taon na magkasama sila ni Yohan at halos kapatid na ang turingan nila sa isa't-isa, hindi niya magawang tanggapin na inaakusahan siya nitong bestfriend niya dahil lang sa isang babae. "Are you bullshitting with me?"

"Damn it, Darren. Answer me!"

"Is she that important to you? Hindi ba't binubully mo lang siya? Ginagawa mo lang siyang playmate mo. Ano bang mapapala mo sa babaeng 'yon?" sabay na napatingin sina Darren at Yohan kay Ryner nang magsalita ito.

"So ikaw 'yon?" Yohan asked for confirmation pero umiwas ng tingin si Ryner sa kanya. Upon seeing that, bigla niyang kinuwelyuhan ang binata. "Who the fvck gave you the permission to do that sht, huh?!"

"Pero kasalanan 'yon ng babaeng 'yon! Nang dahil sa kanya nawala ang atensyon mo sa student council. Simula nang malaman mo na sa inyo siya titira puro plano ka na lang ng mga ipambubully mo sa kanya. Nawala ang genius at responsableng Yohan na nirerespeto ko. He's gone because of that bi—!" Bago pa man matapos ni Ryner ang sasabihin, isang malakas na suntok na ang tumama sa mukha niya.

Agad siyang natumba at tumama ang likod nito sa matigas na pader. Pero hindi lang doon nagtatapos. Hinawakan ni Yohan ang kwelyo niya at walang hirap niya itong pinatayo at sinuntok ulit sa sikmura ng ilang beses.

"Yohan that's enough!" Sa puntong 'yon pumagitna na si Darren. Konti na lang at ospital na ang aabutin ni Ryner dahilan ng mga suntok ni Yohan. "Gusto mo bang ma-expel?!"

Madaming beses ng nangyari ang mga bagay na ganito at nandoon palagi si Darren sa tabi ni Yohan para pigilan siya. Once na mawalan si Yohan ng kontrol sa sarili ganito palagi ang kinalalabasan.

"Remember this, you sht," sabi ni Yohan habang patuloy na pumapalag sa pagpipigil sa kanya ni Darren. Nakitingin ito ng diretso kay Ryner na nasa sahig at pinupunasan ang dugo mula sa labi niya. "I'm the only one allowed to bully Mavis. Ako lang at wala ng iba. Sa oras na malaman kong pinapakialaman mo kung ano'ng sa 'kin, be ready to face hell. Now fvck off and get the hell out of here." 

The Bad Guy's Kiss | ✔Where stories live. Discover now