Chapter One - The Handsome Beast

6K 30 1
                                    

Tinapik agad ni Caleb ang balikat ni Achilles ng makita ang katunggali nito sa negosyo na pumasok sa exclusive bar na iyon. Umayos ng upo si Achilles at kinalas ang pagkakayakap sa kanya ng dalawang babae na nakapalupot sa kanya.

Tension was felt the moment Mr. Nicolo Feliceti stopped and stood in front of him. Achilles grabbed the glass of scotch and sip while looking at Nicolo. Tumikhim ito at saka nakangising nagsalita.

“Mr. Moreau, I just wanted to tell you that I got the land in Davao and we’ll be starting the construction next week. Mas maganda nang sa akin manggaling.” pagyayabang nito 

Achilles' brow furrowed a bit and looked at Caleb, one of his account managers. Kumibit balikat ito at halatang hindi alam ang tungkol sa pinagyayabang sa kanila ng binata. Agad nitong inilabas mula sa bulsa ang cellphone at saka tumayo.

“I’m sure bukas pa nila kayo tatawagan to inform you that they took my deal.” Anito habang nakapamulsa

Lumingon muli si Achilles kay Caleb at napakuyom ang kanyang mga kamao ng umiling ito sa kanya. Senyales na tama ang pinagyayabang ng binata sa kanila.

His pale charcoal eyes went dark and gave Nicolo a deadly stare.

“I’m sure you’re starting to think how it went so fast? You see, that’s how eager I am to crush you. I’m expanding my empire throughout the Philippines and I’ll be building subdivisions and condominiums with my name on it.”

Nanatiling tahimik si Achilles at pilit pinipigil ang galit. Ayaw na niyang dagdagan pa ang eskandalo sa pangalan niya. Dahil isang linggo pa lang ang nakakalipas ng mabali niya ang ilong ng isang negosyanteng nagkamali siyang biruin sa isang event na dinaluhan.

Kitang-kita ng mga kasama ng binata ang pagngalit ng panga nito. Umayos sila ng upo at bakas sa galaw at mata nila ang takot dahil sa gulong maaaring mangyari sa oras na sumabog ang bulkan sa harap nila.

“How about you? How’s the business going? Slow?” Nicolo asked with humor on his face. At saka lumingon sa mga empleyado nitong nakatayo sa gilid niya.

Their insulting chuckles made Achilles more furious. Humigpit ang pagkuyom ng mga kamao nito. Hanggang sa isang malakas na suntok ang umabot sa pisngi ni Nicolo dahilan upang halos matumba ito. Mabuti na lamang ay may mga empleyado ito sa gilid at nasalo siya.

Nang sandaling iyon ay nakita ng mga tao ang malaking diperensya ng kanilang laki. Di hamak na mas matangkad at malapad ang pangangatawan ni Achilles kumpara kay Nicolo. Isang pagkakamali ang banggain ang isang lalaking tulad niya. Hindi ito marunong magtimpi lalo na pagdating sa usapang negosyo. Lumaki itong ayaw malalamangan ng ibang tao. He is very determined of staying on top at pinangako niya sa sarili na hindi niya hahayaan ang sinuman na mapabagsak siya.

Agad gumanti ng suntok si Nicolo at nahagip ang gilid ng labi ni Achilles. It was slightly an off balance punch. Halatang hindi marunong.

He brushed back his medium length tresses and looked back at Nicolo’s twitching eyes. He wiped the blood using his thumb and a wolfish grin curved his sexy lips. And for the last time he punched Nicolo that made him almost took his consciousness.

Desiring Sasha #Wattys2020Where stories live. Discover now