CH1

27 0 0
                                    

"Anak dito ka magtago. Huwag na huwag kang aalis riyan, maliwanag?"
ginawaran niya ako ng halik sa noo at tuluyan ng umalis upang harapin ang mga kalaban.

Sa di kalayuan mula sa aking kinatataguan, nasilayan ko kung paanong dahan dahan na bumagsak sa lupa si papa sa kadahilanang natamaan siya ng bala mula sa pinakataas na palapag ng aming tahanan.

Tinangka kong lumapit ngunit agad akong binuhat ng aking tito upang ilayo sa dating masayang bahay na ngayon ay napapalibutan na ng mga taong nakasuot ng purong itim na may tatak na bilog at may krus sa gitna. Makikita rin ang mga dugo mula sa mga taong nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.

"Mamatay ka kung lalapit ka sa iyong papa. Mas mabuting umalis na tayo ngayon habang hindi ka pa nila nakikita. Dahil tiyak na ikaw ang isusunod nila."

sa sobrang takot na aking naramdaman ay nawalan ako ng malay

Napabalikwas ako sa aking kama at hindi ko mapigilan ang aking luha sa pag agos pababa mula sa aking mga mata.

Ika-6 na ng Enero ngayon at ito rin ang ika sampung anibersaryo ng pagkamatay ng aking pinakamamahal na ama.

Dali dali akong naligo at nag ayos. Kinuha ko ang aking paboritong bag na iniregalo pa saakin ni papa noong huli kong kaarawan kasama sya.

Di ko maiwasan ang malungkot sa tuwing may naaalala akong bagay tungkol kay papa.

Bumaba ako sa aking tinutuluyang apartment at saka dumaan sa isang flower shop na malapit sa sementeryo.

Inilapag ko ang bulaklak na binili ko sa lapida ni papa nang marating ko ang puntod nya. Umupo ako roon at di alintana ang iilang dumi na kakapit sa aking pantalon.

"Papa, huwag po kayong mag-aalala sa akin. Kaya ko na po ang aking sarili. At hindi rin naman po ako pinapabayaan ni tito Ruel at ni Keila. Pangako po papa, hahanapin ko ang may gawa sa inyo nito. Bibigyan ko po ng hustisya ang pagkamatay nyo."

Makalipas ang ilan pang oras ay napagpasyahan ko nang umalis dahil ito rin ang araw ng enrollment sa paaralan na pinapangarap kong pasukan.

Nakakuha kami ng scholarship ni Keila, pinsan ko.

------END OF CHAPTER 01

HOPE YOU LIKE IT

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When A Spy Meet A Gang LeaderWhere stories live. Discover now