Siete

51.1K 2K 627
                                    

Hindi... Hindi ganoon...

Sophia's

Hindi ko kinaya ang usapan namin ni Mcbeth. Wala pa siyang nasasagot sa kahit isang tanong ko pero ganito na ang iyak ko. Hindi ko kinaya kaya lumabas ako ng office namin ni Charisse. Pinipigil ko ang iyak ko dahil ayokong pagtinginan ako ng mga tao sa paligid ko. Ang sakit - sakit. Akala ko kaya kong i- handle ito. Ang balak ko pa nga kanina ay mag-iimbestiga ako pero wala pang 24 hours ay bumigay agad ako. Napakasakit naman kasi.

"Pia." Narinig kong sumigaw siya. Pasakay na ako ng elevator. Nakahabol naman siya. He tried holding my arm pero itinulak ko siya.

"No. You don't get to hold me anymore." I said to him in between sobs. Nakatayo lang siya sa tapat ko. The elevator opened and I went out. Sumunod siya. Sa rooftop kaming dalawa napunta. Mabuti ay walang tao roon. Noon ko nailabas ang pag – iyak ko.

"Pia..."

"H'wag mo akong i-Pia." Wika ko pa. "Sagutin mo ang mga tanong ko, Mcbeth. Kailan mo pa ako niloloko?" Hindi ako makapaniwala talaga na kaya niyang gawin sa akin ito. Paano ang lahat ng pangako niya sa akin noon? Sinabi niya sa lahat na hindi niya ako sasaktan, sinabi niya sa lahat na mamahalin niya ako kahit anong mangyari, ipinangako niya sa akin na hindi ako matutulad sa Daddy ko pero heto ang nangyayari! Parang ganito rin ang nangyari kay Mommy at Daddy noon. I keept on sobbing.

"Pia, h'wag kang umiyak..." Wika niya pa.

"Anong gusto mo? Magtatalon ako sa tuwa dahil ginagago mo ako?" Napakagat – labi ako. "Anim na taon Mcbeth! Anim na taon mo akong pinaniwala na mabuti ka, na maayos ka. Sabi mo noon elementary nilalandi mo na ako, kasama na pati high school, official tayo noong college at pinakita mo sa akin na maayos ka! Pinaramdam mong mahal mo ako, pero bakit ganito, ganyan ka ba magmahal?"

Hindi ko kaya. Naiisip ko pa lang na iiwanan niya ako dahil sa babaeng iyon ay hindi na ako makahinga. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, malalim ang pagmamahal ko kay Mcbeth. May ugat na iyon at hindi ko kayang basta na lang bunutin, baka mamatay ako.

"Magsalita ka!" I hissed. "Mcbeth, bakit?"

"Hindi ko alam..." Sabi niya. Napahinto ako sa paghikbi. Anong hindi niya alam? Paanong hindi niya alam? Nakikipaglandian siya sa babaeng iyon tapos hindi niya alam? Anong ka-bullshit-an ito?

"A-anong hindi mo alam?" I sobbed again. "Bakit, Mcbeth, hindi mo na ba ako mahal?" Tanong ko sa kanya.


"Mahal kita, Pia. Mahal na mahal kita."

"Bakit mo ako niloloko?" Iyak pa rin ako nang iyak. Napahawak ako sa tyan ko. Parang umiikot iyon. Napapalunok ako. Bumabaliktad ang sikmura ko. Sumasakit. Ngayon umeepekto ang tatlong cups ng kapeng ininom ko. Napapaiyak ako lalo.

"Hindi ko alam, Pia." Sabi niya muli sa akin. Lalo akong napaiyak. "Pero alam ko, mahal kita. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito. Masaya ako kapag kasama kita, masaya ako kapag nag-uusap tayo. I am all for you, pero..."

"Pero niloloko mo ako." Impit ang pagsasalita ko. "Ahhh... aray..." Wika ko. Agad siyang lumapit sa akin.

"Pia, dadalhin kita sa ospital. H'wag kang tumanggi. Hindi maganda ito. Baka mamaya kung napapano ka na. Magsusuka ka na naman---" Hindi niya natapos iyon dahil nagsuka na nga ako. Green na green pa iyong suka ko. He carried me. Pinagpapawisan na rin ako nang malamig. Ayoko nga sanang sumama sa kanya pero nanlalambot na ako at umiikot ang paningin ko.

Last year I was diagnosed with GERD. Lahat ng may acid ay pinagbawal sa akin. Bawal ang kape, juice, milktea, gatas, alak at kung ano – ano pa. Mcbeth did everything to make things easier for me. Naghanap siya ng mga drinks na GERD friendly, naospital ako ng two days siya ang nagbabantay sa akin. Never niyang pinaramdam na may iba kaya hindi ko ito matanggap ngayon.

If you come backOn viuen les histories. Descobreix ara