Veintedos

48.8K 2.2K 436
                                    

Hindi big deal

Mcbeth's

Ilang beses umiling si Doc Cynthia habang nakatitig sa akin. Pinipilit ko namang ngumiti kahit kinakabahan ako. Kuya Paolo and Yves drove me to her clinic in Bulacan dahil iyon sa nangyari sa office ni Luigi. Hindi ko rin alam, para kasing kinapos ako nang hininga matapos kong kausapin si Pia.

"Mcbeth, I told you not to force yourself. We all know that this Pia character triggers you. Bakit ba pinipilit mo?"


"Sorry po, doc." Mahinang wika ko. "Pwede na po ba akong bumalik sa loob?"


"Mcbeth." Siniko ako ni Kuya Paolo. Alam ko naman ang sasabihin niya, Hindi na lang ako nag-react.

"I know that you're thinking that way because the institute comforts you, Mcbeth but that's not your reality. You need to be in this reality now because you are a functioning individual. You are cleared. You can do better than this. We all believe in you."

Matapos ang pag-uusap na iyon ay binigyan ako ng pampatulog ni Doc, dinagdagan rin niya ang dosage ng isang gamot ko. Malungkot na naman si Yves kaya nga hangga't maaari hindi ko siya isinasama, palagi siyang tahimik pagkatapos ng pag – uusap namin ng Doctor ko. Vandang alas siyete nang gabi na kami nakauwi sa bahay. Nakiusap pa ako kay Kuya Paolo na h'wag nang banggitin kay Mommy ang nangyari sa akin sa office, nangako naman silang dalawa sa akin sa kondisyon na hindi na ako pupunta roon kahit anong mangyari.

Nangako naman ako.

"Kumain muna, Yves bago ka lumipad kay May Laurence." Komento ni Kuya Paolo habang papasok kami ng bahay. Nakaakbay lang siya sa akin. When we got in the living area, nakita naming nakatayo si Mommy at si Pia. She smiled at me. Napapalatak si Yves.

"Mcbeth, anak, nandito si Pia." She said. "Ang sabi ko baka gabihin kayo kaya pinauuwi ko na eh."

"I just came here to check on him, Tita. He fainted kanina."

Kahit pala hindi ako makiusap kay Kuya at Yves, alam na pal ani Mommy.

"Are you alright?"


"Oo. Salamat sa pagpunta, makakaalis ka na, Pia. Medyo pagod na kasi ako." Magalang naman ang pagkakasabi ko pero hindi nakalagpas sa akin ang pagtiim ng mga bagang niya. Tumingin siya kay Mommy tapos ay nagpaalam na siya. She took one last glimpse of me – iyong expression ng mukha niya parang hindi makapaniwala.

She stormed out. Gusto ko siyang sundan pero hindi na lang. Wala naman na siya sa mundo ko. She doesn't need to know all these. I will be okay – I am going to try and be okay.

Nang mga sumunod na araw ay palagi lang akong nasa bahay, tuwing gabi ay sinisilip – silip ko pa rin si Pia pero hindi na talaga ako lumapit sa kanya. Hindi dahil sa natatakot ako o kung anupaman pero ayoko kasing malaman niya ang sitwasyon ko. Hindi na kailangan.

Si Luigi at Jean ay palaging nagpupunta sa bahay. They are updating me to the office situation. Si Pia ay lalong gumaling sa pagsusulat. Tama ang hinala ko, matapos niyang mapanalunan ang award na iyon ay naging sunod – sunod ang pagdating sa kanya ng opportunities. Naiimbitahan siyang magsalita sa mga universities sa iba't ibang parte ng bansa. The recent invite she got was from Singapore. I couldn't be happier for her. Talagangf lumalaki ang mundong ginagalawan niya.

"She's leaving for Singapore." Wika ni Jean sa akin. Si Luigi ay mainit na naman ang ulo. Basta si Pia ang pinag-uusapan ay nag-iinit ang ulo niya. Ayaw niya ng mga nangyayari sa kay Pia, palagi niyang sinasbaing suicide iyon. Hindi naman suicide iyon kung talagang masaya ako para sa kanya.

"That's great. Sigurado rin akong maraming offers na i-pirate siya ng ibang Company. Tama ba ako?"

"Yes, Mcbeth, But Pia is going to stay with us." I shook my head.

If you come backМесто, где живут истории. Откройте их для себя